Meanwhile... “Marco? Are you here?” sigaw ni Mirana habang papasok siya sa sala ngunit walang sumasagot, tila tahimik. Umakyat ako sa taas at nagbabasakaling naroroon siya ngunit kahit bakas ng kanyang anino ay wala, biglang kumabog ang aking dibdib at agad na tumungo sa mga kabinet kung nasaan ang kanyang mga gamit. “Nandirito lahat ng mga gamit niya,” as I looked at his clothes and his things, my eyes landed at the brown envelope, agad ko naman itong kinuha alam kong hindi dapat ako makialam ng kanyang mga pag-aari pero tila ba may nag-uudyok sa akin na buksan ito. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at nagulat ako sa papel na bumungad sa akin ngunit hindi ko mabasa basa ng maayos dahil tila ata nabasa ito ng kape.

