Q

2235 Words
 “FROSTINE, ano ba ‘yan! ‘Wag mo sasabihing first day na first day male-late ka? Kanina pa kita ginigising juskong bata ka!” Kumunot ang aking noo nang makarinig ng kung anong ingay. Umungot ako at nag-inat sa kama.            “Aray!” May kumurot sa singit ko! Mabilis akong nagmulat ng mga mata at nakabusangot na mukha ni mama ang sumalubong sa akin. Para bang inis na inis na talaga ito sa akin at ‘di ko alam kung bakit. Bakit ba? Ano bang nagawa ko?                     Pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako sa parteng iyon. Potek! Ba’t ba galit na galit si mama? “Kanina pa kita ginigising! Male-late ka, oy! Ayan, ML pa!” Late? Napabalikwas ako sa kama at napatingin sa orasan. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang 6:30 na. I mentally cursed and got off my bed. First day nga pala sa school ngayon! Hindi ako nakapag-alarm!                      Mabilis kong kinuha ang aking tuwalya at patakbong nagtungo sa banyo. “Ma, bakit ba hindi mo ako ginising?” asar ko kay mama habang papasok sa banyo. Narinig ko ang mga mabibigat na yapak ni mama na nakasunod sa akin kaya nama’y dali-dali akong nagtungo sa banyo at nilock ang pinto bago pa niya ako matapunan ng kung ano. Tumunog ang pinto ng banyo, senyales na may itinapon siya. Muntik na! Napahawak ako sa aking dibdib at pinikit ang aking mga mata. Kasabay ng pagmulat ko ng mata ay pinakawalan ko ang aking hininga. Buti nakapasok ako kaagad!                Mabilis lang ang ginawa kong pagligo. Tamang shampoo lang at mabilisang sabon sa katawan and I’m done! I applied deodorant and lotion before putting on my school uniform. Plinantsa ko pa ito kagabi. Nag-apply na rin ako ng Johnson’s baby cologne at kinuha ang aking sling bag. Maliit lang na bag ang dala ko since first day pa.               Bitbit ang suklay, agad akong nagtungo sa sala. Mabilis kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. A lot of people say na may ‘hidden beauty’ raw ako. ‘Yong tipong kung titigan mo nang mabuti ay mas lalong titingkad. Singkit ang aking mga mata at tuwid ang gulo-gulo kong buhok dahil hindi ko pa nasuklay. s**t naman. Kapagod magsuklay!            Nakita ko si mama doon na naghahanda ng sandwich. Kinuha ko ang aking lunchbox at pinasok ito sa aking bag. Binigay naman ni mama sa akin ang sandwich bago kami lumabas ng bahay at pumasok sa sasakyan. Kinabit ko ang aking seatbelt at kinagatan ang sandwich. Nagsimula na akong suklayin ang aking buhok.                                Napatingin ako sa relong pambisig. Alas syete na at mamayang alas syete y media, magsasara na ang gate ng SACS at hindi na ako makakapasok! Mabibigyan ako ng tardy slip! Binundol ng kaba ang aking dibdib. My knees are shaking at hindi ako mapakali sa kinauupuan.                “Ayan, ML pa more!” asar ni mama sa akin na ikinasimangot ko.                 “Sorry na, ma! Pa-legend na kasi ako, eh, tapos ayon, biglang rank down dahil cancer mga kasama,” maktol ko at pinagkrus ang aking braso sa ibabaw ng aking dibdib. Patuloy lang sa penenermon si mama sa akin. Kesyo daw, wala akong disiplina sa sarili. Alam ko namang nagkamali ako, eh, at tama siya. Nasanay na kasi ako nung summer na matagal matulog at matagal ding magising. Pero kapag may pasok, maaga naman akong matulog.                     Maya’t-maya pa ay nakarating na kami sa harap ng St. Alphonsus Catholic School. I kissed my mother and she gave me 50 pesos. Nagpasalamat naman ako sa kanya at mabilis na pumasok sa gate. Pagkapasok ko ay siyang pagkasara ng gate. I breathe out a sigh of relief. Buti naman nakaabot! Kung hindi, aba, lagot ako!              Hindi na ako nag-abalang i-appreciate ang kagandahan at pagka-miss ko sa SACS sa pagmamadali ko. Alam ko na naman kung ano ang itsura ng SACS, eh. Pagkapasok mo sa gate ay sasalubong sa iyo ang ground floor ng Senior High School Building o mas kilala sa tawag na Jules Chevalier Building. Naka-tiles na kulay brown ito at may mataas na ceiling. Sa bandang kaliwa ay may mga mesa kung saan kakain ang mga studyante o di kaya’y tatambay kapag break time. Sa harap naman ng parte ng lugar na ito ay may hagdanan paakyat sa 2nd floor. Sa bandang kanan naman ay may stock room at ang wall nito ay may bulletin board kung saan nakalagay ang mga announcements. Sa gilid ng stock room na ito ay may hagdan patungo sa 2nd floor and yes, may dalawang hagdanan patungo sa 2nd floor.          Sa gitnang bahagi ay may ramp na naka-tiles din upang doon dadaan ang mga sasakyan. Nakaangat kasi ng konti ang Jules Chevalier Building, eh, kaya nama’y sa magkabilang gilid ng ramp ay may tatlong baitang na hagdanan, parehong naka-tiles. Kaharap naman ng Jules Chevalier Building ay ang Junior High School Building o mas kilala sa tawag na Sacred Heart Hall Building. Sa gitna naman ng dalawang building ay ang malawak na quadrangle kung saan doon kami magli-linya para sa morning praise. Mataas ang ceiling at ang ceiling nito ay ka-level lang ng ceiling ng mga buildings. May basketball goal sa magkabilang gilid sa quadrangle at sa kanang bahagi ng quadrangle ay ang 2-storey building kung saan may Faculty Room sa 2nd floor at tatlong grade 10 classrooms. Sa ground floor naman ay ang Business Office, Clinic, Cashier at Principal’s Office. Sa gilid ng principal’s office ay may hagdanan patungo sa 2nd floor pati na rin sa gilid ng Business Office. Sa gilid ng hagdan sa Business Office ay may daan patungo sa main CR at habang patungo ka doon ay madadaanan mo ang SSC’s Office.                 Nagpasya akong dumaan sa kanang bahagi na hagdanan. Grade 12 na ako at since grade 7, dito na ako nag-aaral sa SACS. Nung elementary naman, nag-aaral ako sa St. Dominic Savio School.                  “Hi, Frostine!” Ngumiti lang ako sa nakasalubong ko na kaklase nung grade 7— si Crystal. Pababa siya habang ako naman ay paakyat. Kasama niya ang kanyang kasintahan na si Preston.         Marami pa akong mga nakasalubong at karamihan sa kanila ay pababa na dahil tumunog na ang bell, senyales na magmo-morning praise na. “Naks, aga ni Frostine, ah!” Inirapan ko lang si Clyde. Isa siya sa mga mapang-asar na kaklase ko. Minsan, umiinit din dugo ko ‘ron, eh.                    Mabilis akong pumasok sa aming classroom. Pagkarating ko sa floor namin ay wala ng mga estudyante at ako nalang. Nilagay ko lang kung saan ang aking bag at mabilis na bumaba. Ayan, Frostine! ML pa! Ano ba ‘yan, nahawa na tuloy ako sa sermon ni mama.                             Pagkababa ko sa ground floor ay mabilis kong hinanap ang aking section sa pamamagitan ng pagtingin sa flaglet. Kung sino kasi ang una sa linya ay siyang maghahawak sa flaglet kung saan nakalagay ang pangalan ng mga section. Ang itsura ng flaglet ay parang letter T lang. Yung bandang ulo ay pa-rectangle na plywood kung saan nakalagay ang pangalan ng section habang yung tail naman ay para doon hahawak ang kung sino mang maghahawak ng flaglet.              ‘Yong kulay ng flaglet ay base rin sa grade level. Sa grade 7, green. Sa grade 8, yellow. Sa grade 9, red at sa grade 10 naman ay blue. Oh, ‘di ba, parang Hogwarts houses lang? Samantalang sa grade 11 ay light pink at dark pink naman sa aming mga grade 12. Kung ano ang kulay ng grade level ay ‘yon din ang kulay ng PE shirt.                                    Nang mahanap ang flaglet kung saan nakasulat ang section ko ay mabilis akong nagtungo sa linya. Sinalubong naman ako ni Jessile at Candy na nasa harap ko.                     “First day na first day muntik nang ma-late, ah!” komento ni Jessile at pinaypayan ang pawisan kong mukha. ‘Yan na naman ang mataray niyang itsura na nakatingin sa akin. Samahan pa ng nunal niya sa ilalim ng kaliwang mata at ng kilay niya. Pinahiran ko naman ang mukha ko at mas lalong inilapit ang aking mukha sa pamaypay ni Jessile.          “Matagal akong natulog, eh,” sabi ko habang naghahabol ng hininga. Sa susunod, magpapa-alarm na talaga ako, aba!                     “Kakapanood ng p**n, noh?” Nagmulat ako ng mata nang marinig si Candy. She gave me face. Ang kanyang biluging mga mata ay nakatingin sa akin at may mapang-asar na ngiti na nakukit sa kanyang plump na labi. I just wiggled my brows at sinakyan ang kanyang sinabi.         “Malamang! May pa-finger pa nga, eh,” sakay ko na ikinatawa nila. Malamang, kapag lalabas ako sa paaralang ‘to at pupunta na ng kolehiyo, hindi maniniwala ang mga kaklase ko na galing ako sa isang Catholic School. I admit, bastos ang bibig ko. May mga pagkakataon din na mababali ko ang mga rules ng paaralan but SACS isn’t responsible for the way I act lalo na ang mga parents ko. It’s my choice. Na-influence kasi ako sa mga lalaking kaklase ko nung grade 7. Nakick out pa nga ‘yong isa dahil nagdala ng condom at pinalobo ito. Balloon daw.        Natahimik ang buong quadrangle nung nagsimula nang hampasin ni Ms. Ocampo ang bell ng tatlong beses. Sa harap naman namin ay ang stage kung saan nakapwesto sa gilid ang kulay brown na podium. Sa likod naman ng podium ay ang liturgical chairperson na si Rhani Gonzaga na siyang magsisimula sa morning praise.      “May the sacred heart of Jesus be everywhere loved. . .” pagsisimula nito.            “Forever,” we responded.           “Our Lady of the Sacred Heart. . .”            “Pray for us.”                     “St. Joseph, model and patrol to those who love the sacred heart of Jesus. . .”      “Pray for us.”                     “Oh, Lord, open my lips.”             “And my mouth shall declare your praise.”           “Glory be to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit. . .”             “As it was in the beginning is so now and ever shall be world without end. Amen.”            The morning praise lasted for 30 minutes and after that, nagsibalikan na kami sa aming mga classroom.                  “Grabe! Ang taas ng floor natin! Panghuling floor talaga!” sabi ni Janna at pinaypayan ang sarili kahit nama’y naka-aircon. Nagsipasukan ang iba naming mga kaklase and I’m not surprised. Kung sino kasi ang classmate namin nung grade 11 ay classmate rin namin ngayong grade 12.           “Sa true lang! Nakakapagod sobra!” pagsang-ayon ko dito. Ngunit, walang-wala ‘to sa floor ng grade 7 students. Grabe, nakakapagod talagang umakyat doon lalo na kung maraming laman bag mo!                               Kinuha ko ang aking salamin sa bag tsaka na rin ang aking pang-kilay at liptint. Sa totoo lang, bawal ang make-up sa SACS at dahil maarte ako, nagdala ako nito. Gan’on din naman ang karamihan sa mga kaklase ko kaya nama’y light make-up lang ang ginawa ko para hindi mahalata. As in sobrang light.       Nung natapos, niligpit ko kaagad ang aking make-up kit. Nagre-retouch din ang iba sa mga kaklase ko. “Balita ko, si Ms. Mitch daw teacher natin,” sabi ni Janna habang nagcu-curler. Sobrang neat ng pagkakatali ng buhok niyang hanggang bewang at walang baby hair na nakatakas. Napalingon naman sina Jessile at Candy na nasa harap namin.                      “Talaga? Mabuti naman. Kapag si Ms. Chelle na naman, aba, drop out talaga ako,” pabirong sabi ko na ikinatawa nilang tatlo.             “Pero same! Charet! Grabe kasi talaga iyong si Ms. Chelle. Kahit wala naman tayong ginagawa biglang nagagalit! Mukhang eng eng! Tayo pa pinagbubuntunan ng galit!” komento ni Heziah na nakarinig sa pinagu-usapan namin. Ang kanyang bangs ay mas nakadagdag pa sa pagiging inosente ng kanyang itsura. Chubby rin ang kanyang cheeks na sobrang sarap kurutin.                         “True! Nakakawalang gana mag-aral talaga, eh,” ani ni Jessile at tiniklop ang kanyang salamin bago ito nilagay sa bag.                      “Oy, nandito pa rin picture ni Snow at ng kababata niya, oh!” sabi ni Candy na di ko namalayang nakuha na pala ang wallet ko. Tinukso naman nila ako kaya napairap ako sa hangin. Binalik naman ni Candy sa akin ang wallet ko na may mapang-asar na tingin.      “Hinahanap mo pa rin?” tanong ni Janna. Tumango naman ako. Napaayos kami lahat ng upo nung dumating na ang aming adviser at ganon nalang ang tuwa namin nang makitang si Ms. Mitch nga iyon! We love Ms. Mitch dahil marunong itong maki-vibes at makisabay sa humor namin. Di namin mapigilan ang mapalakpak. Nag-ingay ang buong classroom pagpasok ni Ms. Mitch. She just flipped her hair and asked us to keep quiet. Natahimik naman ang buong classroom.                      “Good morning, students! For sure, kilala niyo naman ako, ‘di ba? So no need for introduction. But someone will be introducing himself to us. Let us welcome your new classmate! Halika na, Mr. Tuazon. Pasok na,” sabi ni Ms. Mitch kaya napatingin kami sa pintuan. May pumasok doon na lalaki. Moreno ang balat, may makapal na kilay, at matangos ang ilong. Matangkad ito at tantsa ko’y nasa 5’6. Sobrang linis nitong tingnan at naka-clean cut din ang buhok nito.          Humarap ito sa buong klase at ngumisi. “Hello, I’m Aidan D. Tuazon,” maikling pagpapakilala nito at bumaling ang tingin nito sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa bagong estudyante at bakit tumibok nang mabilis ang puso ko.                 -----       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD