bc

Unforgetting You

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.3K
READ
friends to lovers
student
sweet
bxg
lighthearted
highschool
childhood crush
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

TagLish Story

Alphonsus Series #1

Years passed and she still can't forget Fire, her childhood friend. Suddenly, a man named Ayden D. Tuazon came into the picture, the first guy who made her heart beats again.

But what if destiny made a way for her to meet Fire? Who will she choose? Ayden, who awakens her heart, or Fire, her first love?

chap-preview
Free preview
+
“Rock-a-bye-baby, in the treetop. When the wind blows, the cradle will rock. When the bough breaks, the cradle will fall. And down will come baby, cradle and all,” kanta naming dalawa sa aming bagong silang na kapatid tsaka nagtawanan.  Char lang! Kapatid niya pala. Akin naman, pinsan.                                    “Gusto ko talaga ‘yang oyayi na iyan,” wika niya sa akin at tiningnan ang kapatid niyang mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig.                      “Ako rin.” Tiningnan ko ang aking pinsan. Ang ganda niya, mana sa akin. Tapos ang cute rin ng mga kamay niya. Ang liit! Nakakaaliw tingnan! “Nakakatuwa lang isipin na magkaparehas ang birthday ng nila,”pagpapatuloy ko na agad niya namang sinang-ayonan.                       “At nakakatuwa ring isipin na magkasunod lang ang birthday natin.” Sabay naman kaming nagtawanan. “Sa iyo, December 24. Akin, December 25. Ang ganda lang, diba? Christmas?” Tumango naman ako. Grabeng coincidence. Napatingin ako sa orasan. 'Di pa dumadating si mama at si ate. Bumibili pa sila ng pagkain.                “Chichi, kelan kayo magle-leave dito sa hospital? Kami, next week na.” Napatigil naman ako sa sinabi niya. Agad nabaling ang tingin ko sa kanya at nakita kong malungkot siyang nakatitig sa akin. Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin sa kanya.                           “Di ko alam, chichi,” simpleng sagot ko at tiningnan si tita na natutulog sa hospital bed. Sa kabilang bed naman natutulog ang mama ni Fire.                         Napatingin ako kay Fire nang tumayo siya at inilagay ang kapatid niya sa tabi ng mama niya at pumunta roon sa may drawer. 'Di ko nalang muna siya pinansin at sumampa sa hospital bed para ilagay rin ang pinsan ko sa tabi ni tita. Gaya-gaya ako, eh. Bakit ba?             “Bigay sa akin ni papa.” Bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan siya na may nakasabit na polaroid sa leeg niya. Napangiti ako. Sinasabi niya sa akin noon na mahilig siyang kumuha ng picture kaso nasira ang kanyang phone. Buti nalang binilhan siya ng polaroid. Sa loob ng isang linggo, marami akong nalaman tungkol sa kanya.                          “Yah!” Agad akong napatakip sa mata ko dahil pinicturan ako ni Fire. Di ako na-orient ha. Sana naman, okay lang ako doon.                                   “Tingnan mo oh, nakangiti ka na parang baliw.” Kinuha niya ang picture na lumabas mula sa polaroid at ipinakita sa akin. Napasimangot naman ako. Sinabihan niya sana ako. Edi sana, hindi ako magmukhang baliw sa pic. Maganda sana ako doon.                               “Tayo naman, tayong dalawa. Wait lang.” Tumayo siya at may pinindot-pindot pa sa kanyang polaroid bago ito inilagay sa hospital bed ng mama niya.                    “Wait lang, move ka nga. Pa-blogger style pic natin.” Napatawa naman ako sa sinabi niya at agad sinunod ang utos niya. “Ayan, i-close up ko muna,” Ti-nwist niya ang lens ng camera at nagthumbs-up sa akin.                  “10. . . 9. . .” Dali-dali siyang tumakbo at tumabi sa akin tsaka ako inakbayan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Inakbayan niya ba talaga ako?                      “Hahahahaha.....” Napakurap ako at tiningnan si Fire na hawak ang picture na kuha nya. “Ang —haha — mukha — pfft —mo.” Pinilit niyang maging seryoso at ibinigay sa akin ang picture. Napasimangot ako sa aking nakita. Ang epic ng mukha ko.  Sobrang laki ng mga mata ko sa pic at nakanganga pa.              Inirapan ko nalang siya at ibinalik sa kanya ang picture. “Last pic. Balik ka ulit doon. Ayusin mo mukha mo ha,” sabi niya habang pilit na pinaseryoso ang boses niya. Wala akong magawa kundi ang bumalik sa pwesto kung saan ako nakatayo kanina.                                       “10. . . 9. . .” rinig kong bulong niya sa gitna ng kanyang mga ngiti. Humarap rin ako sa camera niya at ngumiti ng malaki. Delikado na, baka epic na naman ang itsura ko sa susunod na pic kaya kelangan ko mag-smile. Smile ka lang,  Frostine Snow Gonzaga. Smile.                               “5. . . 4. . . 3. . . 2. . .” Nagulat nalang ako sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko at wala akong ideya kung bakit nagkaganon ang puso ko. Sa loob ng sampung taong pamumuhay ko dito sa mundo, ngayon lang ako nakaranas ‘non.                 Napahawak ako sa parte kung saan niya ako hinalikan at tiningnan siya na kinuha ang picture mula sa polaroid niya. Hindi isang picture lang ang lumabas kundi dalawa. Sosyal naman ng polaroid niya. Iba talaga kapag richkid.             Kumuha siya ng ballpen at may isinulat sa likod ng picture.                                    “Ito oh, sa iyo na.” Inilahad nya sa akin ang isang picture kung saan nakangiti ako at hinalikan niya ako sa pisngi.                 “I-keep mo iyan ah? We keep our childhood memories in this photograph, kahit isa lang ang pic nating dalawa. Wala na kasi akong film.” Napatango nalang ako at tiningnan ang nasa likod.                    “SnowFire,”basa naming dalawa sa nakasulat sa likod ng picture.             -----

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.5K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
235.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
94.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook