REGINA’S POV
Naiinis ako kay Cindy dahil sa mga sinend niyang pictures and videos. Apparently, she filmed Jane’s drunk moments. I will not be surprised if she uses those vids to blackmail me and help her find her ex-boyfriend.
“Angcute niyo, Frenny! I can’t help but capture candid moments! Hahaha!”
Kung nasa harapan ko lang talaga siya ay pinaghahampas ko na siya.
“Hoy! Ano na? Don’t you find her adorable?”
“No.”
---
“Custodio! Angbigat mo!” Kahit ang totoo ay hindi. Natatawa si Cindy sa itsura namin. Maglalasing tapos hindi kayang kontrolin ang sarili.
She uttered something softly. Hindi ko naintindihan!
“Ha?” I held on her shoulders and to gently push her. “Wake up! Uuwi na tayo!”
She slightly opens her eyes and smiled—such an eye smile person. “Lab. Hug. Lab. Di mo `yon alam?” She pouts and it’s more irritating!
She’s to makapal ang mukha to hug me! Damn it! Sumubsob ulit siya ng yakap sa akin.
She giggled. Nag-angat siya ng mukha. “Ale…”
Ale? Matandang babae? Whattaheck?!
“Nasa langit na ba ako?” she said singing. “Ale? Nasa langit na ba ako? Ohh!”
“Frenny! Siya yata ang broken! Haha!” Damn this Cindy! She’s filming! She’s shaking her head, but her smiles are very annoying. “Hayaan mo na, Frenny. Harmless naman e. Haha!”
I helped her sit. Anong oras naman kaya siya mahihimasmasan? Sumandal siya, humalukipkip saka pumikit. Siguro naman okay na. I need a shot of whisky! This woman is getting into my nerves!
Pinagsalin ako ni Cindy. When she’s about to give me the glass, Custodio grabs it! Nanlaki ang mga mata ko nang ininom niya ito—bottoms up!
Fck! Malakas pa ang paglapag niya ng glass sa mesa. Tinaas pa niya ang dalawang kamay niya. What does she think? Anggaling niyang uminom?
“Thanks, Pigsa! Youdabest!”
“Frenny, cute ng bodyguard mo ha? Angbaby. Haha! I-baby mo na. Tapusin mo na ang limang taong pagiging straight mo! Hahaha!”
“Shut up. Not gonna happen.”
Nagsalin ulit si Cindy. Dumaan na siiya sa kabilang side para maiabot sa akin ang glass.
“Wala nang ibang baso, Frenny. Kunwari nag-kiss na lang kayo. Hahaha! Anglakas pala uminom ni Jane. Kapit na kapit ba sa`yo, Sugarmama `yan? Haha!”
I ignore what she has said. I just need this shot. Custodio’s being extra clingy. Nakakairita! Tinatanggal ko ang pagkakayapos niya sa braso ko pero mas hinigpitan niya.
“Ma`am! No pwede kang go away! M-mal-lalagot ako.”
“Mukhang nagkakamultiple personality `tong si Jane pag lasing.” Cindy commented after drinking her shot. “Angcute niyo, Frenny. Bagay din. Pwede na.”
“Shut up.” I check on my phone. A little over midnight. I’m also a bit dizzy. Ayokong mag-drive.
“Ang-init!”
Oh God! She’s removing her shirt! I was fast enough to stop her.
“Custodio! Ano ba?!” Bulyaw ko sa kanya. Bumaling ako kay Cindy. I’m having a hard time with Custodio. Gusto talang magtanggal ng shirt. “Umorder ka ng tubig. `Yong malaming na malamig and ice.”
She ordered through intercom. “Pakidagdagan ng ice. Pakibilisan!” Cindy turns to us. “If ganito siya kung lasing baka mapahamak pa `to.”
Tumigil din sa kanyang attempt na maghubad si Custodio. But she pulled me to sit closer to her. Iniakbay niya ang kaliwang braso ko sa kanya. She hugs my waist and leans at me. This is getting uncomfortable. I never let anyone get close to me like this.
“Frenny, yaan mo na. Lasing e. Harmless.”
“Harmless? Harmless pa ba `to? Look at how she clings! God!” She’s casually taking a video! “Will you stop? Hindi na nakakatuwa.”
“Remembrance lang. Papakita ko sa kanya para ituro niya si Marco! Haha!”
“At my expense?!”
“Medyo. Friends naman tayo girl. Pagbigyan mo na ako. Gusto ko lang maging masaya.”
This woman beside me started singing a nursery rhyme—Twinkle, twinkle little star in different rhythm.
“Ilayo mo na nga `yang mga alak na `yan.” Utos ko ulit kay Cindy pagkatapos niyang uminom ng isa pang shot. She did but after drinking two more!
Dumating na ang water and ice. Inilagay lang ni Cindy ang mga ito sa mesa then she lazily sits on the chair. “Frenny, bukas hindi na ako lasing. Pero mahal ko pa rin si Marco.”
I never bothered answering her `coz a drunk Custodio is enough na para ma-stress ako.
As I was saying, humiga pa si Custodio. Umunan siya sa hita ko. Tinapik-tapik pa niya ang tuhod ko. What’s gotten into her?
“Punta tayo sementeryo. Miss ko na sina Mama at Papa. Sasama na ako sa kanila.”
Wait! Umuunan ba siya sa lap ng kaibigan niyang lalaki? The hell with you, Custodio? Dapat may boundaries pa rin kahit close friends kayo!
“Sagot!” She shakes my knees pa.
“Oo na! Matulog ka na!”
She puts her thumbs up, searches my hand and puts it on her face. “Goodnight. M-maaga ako bukas. Magagalit `yong boss ko na masungit.”
Whattahell?! Ako? Masungit? Kung masama lang akong tao talaga tinulak ko na siya nang sa sahig siya matulog.
Napakahigpit pa ng hawak niya sa kamay ko. Found your comfort, huh?
---
Cindy left after receiving a call from her ex. Here I am stuck with Custodio. Maingat akong tumayo para hindi siya magising. I went to the bathroom and God knows how I panic when I saw her lying on the floor! Damn her! Wala pa naman akong kasamang magbubuhat sa kanya.
“Custodio! Wake up! Umayos ka.” I tried to pull her up to the sofa.
“Hmm…” She holds my arm and her other hand on the sofa. Napahiga na siya ulit. Humarap sa sandalan.
Oh no you don’t! Puro alikabok ang malalanghap mo niyan. Who knows kung sino-sino pa ang gumamit ng room na `to. Inayos ko pa siya ng higa para sa free space siya humarap. Hininaan ko na rin ang aircon.
Ngingiti-ngiti ka pa. Having a nice dream ha?
Pag-check ko ng time, it’s about 4:00 in the morning. Siguro pwede ko nang tawagan ang kaibigan niya para sunduin siya. Dinampot ko ang phone niya sa mesa. Lola siguro niya itong kasama niya. How close ba sila n`ong kaibigan niya, yong bodyguard ni Kuya. Silang tatlo ang wallpaper e. Nasa likod ang print scanner ng phone niya. So Probably index finger niya ang ginagamit niyang pass. There you go. Now, what’s your friend’s name here.
Angdaming naka-register na under ng name na Brian! Damn! Brian_1 hanggang Brian_10? Seriously? Baka ito na ang current number. It was a relief nang mag-ring ang Brian_10.
“Uy, Nano…”
“Hello, is this Brian?”
“Sino ka? Bakit hawak mo ang selpon ni Jane? Ibalik mo `yan!”
I tried to remain calm. “This is Regina. Sunduin mo siya, Lasing na lasing. I’ll just text the address.”
---
Pinaligpit ko na lahat ng alak. Hinihintay na lang namin `yong si Brian. Pagising-gising si Custodio. Sumisigaw pa ng tubig. You’ll get a little more hangover later, stupid.
Sa wakas ay dumating na si Brian. Panay ang hingi niya ng sorry sa pagsagot niya kanina.
“Just, get her out of her.”
Tinulungan niyang tumayo si Custodio. Nag-high five pa sila. He acted like he knows na lasing siya at sila ang nag-inuman.
“Ma`am Regina!” Susuray-suray siyang naglakad palapit sa akin. “Ma`am! Bakit kayo nandito?”
God! Madadapa pa yata siya. Nasalo ko pa siya sa balikat.
“Grabe. Lindol ba? Thank you, Madam Santa Regina!” The hell with her? Hinaplos niya ang buhok ko then she did the sign of the cross! “Amen. Amen!”
“Brian! Can you just carry her?!”
Nagmadali siyang lumapit sa amin. Pinauna ko silang maglakad pero panay ang lingon ni Custodio.
“Pigsa, si Ma`am Regina. Baka lasing `yon.”
“Naku, sobra! Pero kaya niya ang sarili niya.”
“Sa bagay. Pero kasi boss ko siya. Baka kung ano mangyari doon, Pigsa. Balikan natin.”
“Let me…” sabi ko dito kay Brian. Matigil lang ito sa kakadaldal kasi nakakairita na. “Umuwi na tayo, Custodio.”
Akay-akay ko siya hanggang sa kotse. Tumawag na ng taxi si Brian.
“Ma`am Regina, may taxi na po.”
“Kunin mo `yong flowers sa trunk. I think may gagawin si Custodio doon.” I gave him the key then I help Custodio get into the taxi.
Ilang beses pa siyang humaplos sa buhok ko. Paulit-ulit na nag-cross pa. This woman is impossible!
“Susi niyo po, Ma`am.” Brian handed me my keys. “Pagpasensyahan niyo na po si Jane.”
“If she’s like this, you must not let her get drunk. Napakaeskandalosa and annoying.”
“May limit po siya kung kami ang kasama niyang uminom, Ma`am. Ewan ba dito. Ngayon lang `to nalasing. Baka hindi sanay sa alak ng mayaman, Ma`am. Haha!”
Sumakay na rin ako sa kotse ko. I’m just bothered. Brian is still a guy. Who knows kung ano ang nasa isip niya while Custodio is drunk?
Fvck this trust issues with men! I end up following them `till they reach Custodio’s place. Ito na siguro `yon. I saw an old woman open the gate. Kamukha niya `yong nasa wallpaper. I should leave na.
---
“Hoy! Tulala ka! Wow, Frenny! Ibang aura `yan! Nakikita ko ang aura ni Valentina sa`yo ulit! Haha!” Pumapalakpak pa si Cindy. “Bet ko `yan, Frenny. Mas bet ko `yong ganyang medyo tulala. Haha!”
“Tigilan mo ako, Pwede? Ibinaon ko na sa limot `yang alter-ego na `yan. Angkorni!”
“Hoy! Hindi `yon korni `no! Hahamakin ang lahat ni Valentina para sa love! Haha! Romantic `yon, Frenny! Romantic!”
“May I remind you that she was left alone? Kaya huwag mo nang ipapaalala sa akin ang pagpapanggap kong `yon. Annoying!”
I have dummy social media accounts named under Valentina Salva. It was just a name I used to keep in touch with Blair.
“Uy nga pala, Frenny. May sasabihin ako. Kinontak ako ni Blair. Anghaba ng message niya. Gusto mong basahin?”
“No. Just tell me kung may kinalaman sa akin. If none. Nevermind.”
“Ito na nga. Babalikan ka daw niya. As in! Liligawan ka ulit. Mahal ka pa daw niya. Hindi ako naniniwala kasi kung mahal ka niya hindi siya makiki-flirt sa ibang girls.”
Natakpan niya ang bibig niya. So nakipag-flirt pala sa ibang girls huh.
“Go on. I’m listening.”
“`Yon lang, Frenny. Baka next month daw. Huwag ko daw sabihin sa`yo pero alam mo naman loyal ako sa friendship natin. Sabi niya pa. Wala ka pa naman daw boyfriend kaya pwede pa niyang subukan. Malakas ang fighting spirit niya, Girl. Iba na ang tapang.”
“That’s easy. I need to be in a relationship. But, I’m sure hindi `yon maniniwala. Unless girlfriend ang ipakilala ko sa kanya, right?”
Knowing how she’s too full of herself and how she knew she got me bended? She’ll assume na hindi ako seryoso sa boyfriend. Which is true. Nahihirapan akong magtiwala sa mga lalaki.
“I need someone to be my girlfriend.”
“Ano? Bakit? ASAP? Magpapa-audition ba tayo? Haha! Hindi `yon maniniwala kung biglaan. Gaga ka rin! Matalino `yon si Blair!”
“Kung next month pa, I still have time. To find someone—”
The door opens and a worried Custodio walks towards me.
“Ma`am Regina. Sorry n`ong isang gabi. Hindi ko po sinasadyang ibenta kay Brian `yong bulaklak, malasing nang sobra, gawin kayong santo, Yakap-yakapin kayo, magpaalaga sa inyo. Sorry po talaga. Hindi po ako manyak. Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho. Babawi na lang po ako nang big time po.”
Mukhang umaayon sa akin ang mga pagkakataon. Nagpangalumbaba ako saka pinagmasdan si Custodio. I gaze at her thoroughly. A little bit of makeover and she’ll be prettier that Blair.
“Frenny, ayoko `yang naiisip mo ha.” Natatawang sabi ni Cindy.
“Gusto mo talagang bumawi, Custodio? You know sobrang irritable ako sa`yo that night. Angdami mong atraso sa akin. Hindi ka sumusunod sa utos ko. And nakikisabad ka pa sa usapan.”
“Yes po, Ma`am. Kailangan ko po itong trabaho ko para kay Lola. Kahit ano po, gagawin ko makabawi lang.”
And that’s the magic word I’m waiting for—“Kahit ano”.
“Okay. Be my girlfriend for the next couple of months.”
“Ano po?!”
“Lumabas ka na muna. May meeting pa akong kailangang asikasuhin. I’ll explain it to you later, Hon.” I smirked and gestured her to go out.
Oh well, Blair. I’ll be very much prepared when you’re back.