JANE’S POV
Nabalikwat ako ng gising! Parang pinitik bigla ang magkabilang sintido ko. Grabe! Wait lang. Anong ginagawa ko sa kwarto ko? Teka nga. Rewind ng mga nangyari kagabi.
Sugod kami sa bahay ni Ma`am Cindy kasi broken siya. Muntik na ako makipagsagutan sa magulang niya. Hinila ako palabas ni Ma`am Regina. Tinulak niya ako sa may kotse. s**t naman. Parang otomaik na sumakit ang likuran ko. Fast forward na nga. Pumunta kami sa bar tapos…
“Tanginuh!”
Hinatid ba ako ni Ma`am Regina?! Nakakahiya ka Jane! Madali kong hinanap ang selpon ko. Asan ba `yon? Wala `yong bag ko dito. s**t!
Nagmadali akong lumabas ng kwarto. “`La! Sinong— Brian.”
“Uy, Nano! Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Anong ginagawa mo dito? Saka paano ako nakauwi?”
“Naku kang bata ka. Nakakahiya ka. Suka ka nang suka pagdating niyo. Bakit ka naglasing? May problema ka ba?”
Umiling ako. “Na-carried away lang ako, La.”
Natawa si Pigsa. Bueset `to.
“Tinawagan ako ni Ma`am Regina. Pinasundo ka sa bar. Nakakahiya kang tunay, Nano. Inubos mo `yong alak tapos sarap na sarap ka ng higa sa sofa. Bigatin mo, Lods! `Yong boss mo ang nagbantay sa`yo. Haha!”
“Si Ma`am Cindy? Kasama namin si Ma`am Cindy kagabi.”
“Aba, ewan ko. Kayo lang ni Ma`am Regina ang nadatnan ko doon. Buti nga hinintay pa ako. Natakot pa nga ako kasi kunot ang noo tapos nakakahiya ka talaga. Sorry ka pa nang sorry kay Ma`am. Ginawa mo pang santo! Haplos-haplos mo pa ang buhok niya tapos magku-krus ka. Haha! Nakakahiya ka!”
Tanginuh! Angdami kong nagawang kahihiyan! Tulala akong dumulog sa mesa. Hindi kaya sisantehin ako agad?
“Kumain ka na muna, Apo. Nagluto ako ng sopas.”
“`La, kung masesanti ako sa trabaho patawarin mo ako ha? Hanap na lang ako agad ng bagong raket.”
“Pinapasabi ni Ma`am Regina na huwag ka munang mag-duty ngayon. Bukas ka na lang daw mag-report. Nakakahiya ka talaga, Nano. Alagain ka kapag lasing.”
---
Mag-a-alas-tres na. Iniinda ko pa rin ang sikmura ko at maya’t mayang pagsakit ng ulo ko. Kasalanan ng mahal na alak `to! Tambay muna ako dito sa bintana. Magandang tumambay dito dahil pasok na pasok ang hangin.
“Meryenda ka muna, Jane. Bumili ako ng banana cue sa labas. Gusto mo pa ng kape? O tsokolate? Iinit ko iyong cocoa kung gusto mo.”
“Tubig malamig na lang po, La. Parang mainit ulo ng mga alaga ko e.”
“Ikaw naman kasi, bakit ka naglasing.”
Umayos na ako ng upo. Naikwento ko ang mga naalala ko sa mga ganap kagabi. Uminit na naman ang ulo ko sa mga binitawang salita ng mag-asawang hukluban.
Tinapik ni Lola ang binti ko. “Jane, pumunta ka ba doon bilang kaibigan ni Marco o bilang bodyguard ni Ma`am Regina?”
Hindi ako sumagot. Alam ko kasing mali ako e. “Nakakainis kasi. Grabe silang manghamak ng mga tulad natin. Akala mo naman mga pataygutom tayo na sabik na sabik sa pera nila.”
“Dahil may mga ganoong tao talaga. Gaya ng hindi lahat ng mayayaman ay matapobre. Habaan mo ang iyong pasensya, Apo. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong lumaban. Humingi ka ng paumanhin sa boss mo. Sa inasta mo ay hindi mo ikinonsidera ang iyong tungkulin sa kanya.”
---
Kasabay ko nang papasok sa trabaho si Brian. As usual nakialmusal ulit siya. Nag-aalala kami pareho kay Marco pero hinahayaan namin muna siya. Baka pag lalong hinanap ay mas magtatago.
“La, hindi po ako sigurado kong makakauwi ako mamaya. Tatawagan ko na lang po kayo.”
“Papupuntahin daw ni Tatay si Bernice dito,” sabi naman ni Brian. “Para may kasama si Lola sa gabi.”
“Naku naman talaga `yang tatay mo. Hindi naman ako baldado e.” sabi ng lola. “Kaya ko naman ang sarili ko.”
“Naku, Lola Dearest, gustong-gusto naman ni Bernice. Aba mabubusog na naman daw siya.”
“Nga pala, Lola. Baka pumasyal ulit si Reign dito.” Nahilot ko ang noo ko nang maalala ko ang pag-uusap namin tungkol doon. “Pasensya na po, La. Parang damay-damay na to e.”
“Okay lang `yon. Bilisan niyo na at baka ma-late na kayo.”
Nagmano na kami ni Brian kay lola.
“La, bawal ang manliligaw ha?” natatawang biro pa nitong si Brian. “Huwag kang makikipag-date sa kanto.”
Napalo pa tuloy siya ng lola. “Loko-loko kang talagang bata ka! Anong palagay mo sa akin? Kikiringking pa? Naku!”
“Haha! Hanapan ka na lang namin ni Jane ng poging hescort sa bortday mo la! Hahaha!”
Yumakap muna ako kay Lola. Tinapik-tapik niya ang likuran ko. “Huwag kang magpapadala sa emosyon mo ha? Habaan ang pasensya.”
“Opo.”
“Humingi ka ng sorry. Saka nakakahiya ka talaga, apo.” Pahabol pa niyang biro.
Tsk!
Nagsuot na ako ng helmet. Inabutan ako ni Brian ng 1000.
“Para saan `to?”
“`Yong bulaklak. Nagustuhan ni Nanay.”
“Paanong—s**t! Sinong nag-abot sa`yo?”
“Si Ma`am Regina. Sino pa ba?”
---
So, bale marami akong kasalanan kay Ma`am Regina. Una `yong bulaklak, pangalawa `yong pananagot ko sa magulang ni Ma`am Cindy, pangatlo `yong pagbida-bida ko sa bar. Tanginuh. Abot impyerno na ang kasalanan ko!
Kami na lang ni Asher ang naiwan. May kanya-kanya nang lakad ang mga Vanguardia.
“Kumusta ang days off mo?” tanong ni Asher. “Nakapag-beauty rest ka ba?”
“Ha? Oo. Sobra.” Hahaha! Utal-utal pa akong sumagot. “Enjoy naman.”
Sobrang enjoy e. To the bones ang hangover!
“Saan kaya ang lakad ni Ma`am ngayon. Sabi ni Loeny kanina, badtrip daw siya. Mukhang kulang sa tulog.”
Sana wala akong ambag sa badtrip ni Ma`am Regina. Napaayos kami ng tayo ni Asher nang lumabas ng bahay si Ma`am. Sinalubong siya ni Asher para tulungan sa mga dala niya. Bueset! Parang nadikit ang paa ko sa lupa! Hindi ako nakagalaw sa pagkaalala ko ng mga kahihiyang nagawa ko sa bar.
“I’ll have a lunch meeting later. Kahit hindi na kayo sumama. It’s just lunch with colleagues.”
“Pero, Ma`am, kami po ang malalagot kay Sir Paulo.” Pangangatwiran ni Asher.
Go girl! Ikaw muna ang sumagot-sagot. Haha! Behave muna ako sa gidli.
Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Ma`am. “Magandang umaga po, Ma`am Regina.”
Hindi man lang sumagot si Ma`am. Normal naman niya `yan pero ako ay nababahala. Parang sa bawat pagsusungit niya ay nalalapit ang oras ng pagsesanti sa akin. Oh Lord! Huwag sana.
Tinapik ni Asher ang balikat ko. “Good morning din sa`yo.” Natatawa niyang tugon. “Ako na ang magmamaneho.”
Lumipat na ako sa passenger’s seat. Nag-sign of the cross pa ako bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Kung totoo man ang mga kwento ni Brian ay kahit lumuhod ako sa harap ni Ma`am Regina ay gagawin ko patawarin lang niya ako.
Ngayon na mismo ako luluhod ay ibig kong sabihing hihingi ng tawad.
“Ma`am Regina—”
“Asher, bumili tayo ng kape. Hindi pa ako nag-aagahan.”
“Okay po, Ma`am.”
Urong dila, Jane. Mukhang sign na talaga ito na dapat maghanap na ako ng ibang trabaho.
“Custodio…”
“Yes po, Ma`am.” alerto ko agad na nilingon si Ma`am Regina. “Ano po `yon?”
“Last livestream ng Clique mamaya as a group. Monitor mo ang social media. Kung sino sa kanila ang mas trending.”
“Okay po, Ma`am. `Yon lang po ba?”
“Yes.” Nakatuon ang pansin niya sa selpon. “And I don’t want to entertain visitors today. Mag-aabsent si Lexi. Huwag kayong tutulog-tulog sa opisina.”
---
Angdaming bulaklak sa station namin! Pista na ba ng patay?
“Ma`am, itatapon na po ba lahat ng `to?”
`Yong tingin ni Ma`am parang sinasabi na “Boba ka ba, siyempre itatapon!”
Chineck ko ang mga notes. May galing d`on sa kupal na Alex. Tapos `yong iba naman galing sa companies. Tindi ni Ma`am Regina, daig ang grotto sa alay na bulaklak.
Hoy! Sino `tong may note ng “I miss you, I miss us.” Lakas maka-second chance! Angshweet naman. May heart-heart emojis pa.
“Ma`am Regina, may pa-quotes `tong isa po. ‘I miss you, I miss us’ daw po. Sulat kamay pa.”
“Patingin.” Inabot ko kay Ma`am ang note. Wow! Wala pang three seconds na nakita niya ang sulat ay kinuyumos niya agad. “Huwag na kayong tumanggap ng kahit anong delivery from now on.”
“Parang galing sa iisang tao ang mga `to. Ma`am Regina. Pare-pareho ang handwriting oh.” Komento ko pagkakita ng notes ng ibang regalo. “Malaki yata ang kasalanan nito sa inyo, Ma`am. Pero kung ako lang ha? Material na bagay lang `to e. Dapat bawi sa oras at panahon na nasayang.”
“Not even asking for your opinion, Custodio.”
Pumasok na sa opisina si Ma`am. Pinagtawanan naman ako ni Asher. “Pigilan mo kasi ang bibig mo, Jane. Ikakapahamak mo talaga `yan.”
Matapos naming itapon lahat ng bulaklak at pinaghatian ang mga chocolates ay magkakape naman kami. Five minutes na lang magsisimula na ang livestream ng Clique. Nalulungkot ako para sa grupo nila. Tsk.
“Uuwi na pala siya. Angbait din nito.”
“Sino?”
Pinakita ni Asher sa akin ang picture. Wait langs! Ikinumpara ko ito sa sinend ni Ma`am Pauleen. Siya nga! `Yong Blair!
“Boss `to ng ex-boyfriend ko. Anglaki ng kinaganda niya lalo.”
Si Ma`am talaga! Kung hindi pogi ang kaaway, maganda naman. Tsk. Baka karibal niya sa boylet tong si Blair.
Nagvibrate ang phone ko. Nasa message request ang bagong mensahe. Si Ma`am Cindy. Pagkabukas ko nito ay muntik ko nang mabitawan ang selpon ko at natawag ko ang lahat ng mahabaging santo sa langit!
Picture ito na nakasandal ko sa kay Ma`am Regina! Anong behavior ito, Jane! Sunod-sunod ang dumating na mga pictures! Hindi na maipinta ang mukha ni Ma`am! Bakit pati pagtulog ko nakaunan ako sa hita niya? Tanginuh! Anong espiritu ang sumapi sa akin?!
May video pa nga! s**t! Umupo ako tapos iniakbay ko pa ang braso niya sa akin. Yumakap pa ako sa beywang niya. Kahiya-hiya `yong kumanta pa ako ng twinkle, twinkle little star! s**t naman!
Nakagat-kagat ko na ang kuko ko sa sobrang nerbyos. Kulang pa pala ang mga kwento ni Brian!
“Jane! Ikaw naman. Hindi mo sinabing gusto mong maging sugarmama si Regina! Hahaha! Angcute mo malasing! Sa uulitin!”