REGINA’s POV
We’re stuck in traffic! God! Hindi sinasagot ni Cindy ang calls ko. Custodio naman is talking to Kuya’s bodyguard. I instructed her to to connect her phone to the car’s speaker so I was able to hear their conversation.
“Anong last usap niyo ni Marco? Asan na ba `yon?”
“Kanina lang tanghali. Mukhang lutang. Asan ka pa ngayon? `Yong bulaklak? Asan na?”
“Expired na! Hanapin mo si Marco. Baka magpakamatay `yon. Ayoko na mag-inom, Pigsa. Kausapin mo siya. Bye na.”
After she cuts the call, her phone rings na naman. This time it’s flashing that Marco’s number. She immediately slides the answer icon.
“P`re, saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan.” Custodio said upon answering the call. “Kape sana tayo. Libre ko.”
“Alis muna ako. Kung sakaling hanapin ako kahit sino huwag mong sabihing nagkausap tayo. Magpapalamig lang ako.”
“Bakit? Naiinitan ka ba? Gagu! Anong nangyari?”
Nahilot ko ang noo ko sa stupidity niya. She could have told him that she knew about the break up!
“Kahit si Brian?”
“Iti-text ko na lang siya.”
The call was cut after that. Napalo ni Custodio ang manibela.
“Gagu talaga! Saan na naman kaya `yon maglulungga.”
Sunod-sunod ang message ang dumating sa akin. Galing ang mga ito sa parents ni Cindy. They learned about their relationship. She’s stupid to provoke them! Hindi pa man din siya nakakapagplano, sinabi na niyang seryoso siya doon sa lalaking `yon.
Hindi na ako magtataka kung biglang maibalitang tiwaling pulis `yong Marco. Cindy’s parents are one of those people you should not trust.
We arrived at their home. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Custodio. Sinalubong kami ng kanilang kasambahay. She looks so worried.
“Ma`am, nag-away po sila kanina. Pinagsasampal po ni Madam si Miss.”
I was about to enter when I realized that I’m with this tactless woman. Huminto ako saka ko siya hinarap. “Isasama kita sa loob kasi for sure gusto kang makausap ni Cindy. But please, keep your mouth shut. You don’t know who you’re dealing with.”
Tumango siya saka ako sinenyasan na pumasok na. How could she be this annoying!
“Tito, Tita…” bumeso ako sa kanila. Disappointment is all over their face. “How is she?”
“Umalis. Akala siguro ay pipigilan namin. We freeze her accounts. Tingnan na lang natin kung hindi rin uuwi `yon,” said Tita Lucia. “Did she call you?”
I nod. Now, where kaya siya pupunta ng ganitong oras?
“Siguradong hinuhuthutan lang siya n`ong lalaking `yon. Ang anak mo naman hindi na natuto.”
God! Not those words Tito!
“We don’t know the guy, Tito. He’s a public servant naman.”
“Public servant na hindi nakakabuhay ang sweldo.” Tito answered sarcastically. “Kapag may nangyaring masama sa anak ko ay talagang pagsisihan niya. Kakausapin ko ang mga kumpadre ko sa PNP. That guy will surely regret everything.”
“Ipagpaumanhin niyo na po ang pagsabad ko sa usapan pero napakasama naman po ng tingin niyo sa boyfriend ng anak niyo.”
Fvck?! Custodio! Ang mga tingin mo sa mag-asawa. The tension is unbearable! I’m pretty sure they had that guy checked! Nakilala yata nila si Custodio.
“You’re his friend, right?” Tita Lucia came closer to her. Bumaling siya sa akin. “Regina, what’s the meaning of this? Bakit kasama mo itong babaeng `to?’
“Bodyguard ko siya, Tita.” Hinila ko na sa braso si Custodio. “Hahanapin na namin si Cindy. Halika na, ano ba!”
Nahirapan pa akong hilain siya. God! This woman! Ipapahamak pa niya ako! Mangiyak-ngiyak siya nang tinulak ko siya sa may sasakyan.
“What’s wrong with you?! Sinabihan naman kitang manahimik ka lang!”
“E Ma`am, napakamatapobre nila e! Hindi naman ganong tao si Marco. Bakit iisipin nilang hinuhuthutan niya si Ma`am Cindy? Ne singkong duling hindi `yon hihingi sa babae.”
And her tears fell. Just because pinagsalitan ng ganoon ang kaibigan niya iiyak na siya? Damn her!
“Bakit ganyan ang tingin ng mayayaman sa tulad namin? Paano kung nagmamahalan naman talaga sila? Paano kung si Marco lang ang pamilya sa tingin ni Ma`am Cindy?”
“And you think kapag sinabi mo `yan kanina lalambot ang puso nila? You’re just gonna add fuel to the fire.”
“Ano po dapat, Ma`am? Mananahimik ako kahit naiinsulto na? Ganoon ba dapat kasi mayaman ang kaharap ko?”
“This is going nowhere, Custodio. Hanapin na lang natin si Cindy.”
---
Thank God, Kenneth called. Nasa bar daw niya si Cindy—nagsisimula na daw uminom! That woman talaga! We were informed by a service crew where Cindy is staying.
“Val! You’re here!” Drunk Cindy greeted me with a hug. “Friend talaga kita! Alam mo kung saan ako hahanapin!”
She then noticed Custodio. Siya naman ang niyakap nito. Humagulgol siya. Parang batang isinumbong ang pakikipaghiwalay n`ong Marco sa kanya.
“Alam mo ba kung nasaan siya?”
Umiling si Custodio.
“Please naman, Jane. Sabihin mo kung alam mo. Mahal ko `yong gagong `yon.”
“Lasing na kayo, Ma`am.” Tinulungan siya ni Custodio hanggang sa Sofa. “Bukas po mahuhulasan na kayo. Hindi niyo na po siya mahal n`on.”
“Hindi ako lasing, Jane. Alam mo ba? Si Marco, binigyan daw ng pera ng mga parents ko. He left in front of our house. Tapos wala na! Hindi ko na siya ma-contact.”
“Cinds, stop it. Alam mo naman ang stand ng parents mo.” I said calmly. “Naka-freeze ang mga accounts mo. Just so you know.”
“Frenny, tulungan mo naman ako.” Hinila-hila pa niya ang braso ko.
I had never seen her this desperate! Nakailang break-up na siya, we even celebrated those break ups. But this time parang ikamamatay niya. God!
“Mahal ko si Marco.”
“Hindi siya gusto ng matapobre niyong magulang.” Sabad ni Custodio.
“Custodio.” Saway ko sa kanya. But those eyes can’t hide her anger. “Can you please set aside your issues? This is not about you.”
“Pero involve ang kaibigan ko. Ma`am Cindy, hayaan niyo na po si Marco. Mas deserve niyo po pareho ng mapayapang buhay. Kung ipipilit ninyo baka ikapahamak pa ni Marco. Masyadong matapobre ang mga parents niyo. Balak pa nilang siraan ang kaibigan ko.”
I didn’t expect her to drink the whisky straight from the bottle. Kahit si Cindy ay nagulat.
“Ma`am Regina, kung hindi niyo ako piniglan kanina. Na-realtalk ko na sana sila. Angsakit-sakit ng puso ko. Alam niyo ba `yon?” She drinks again. This time mas marami. “Hindi ko naipagtanggol ang kaibigan ko! Tapos parang kasalanan ko pa? pagagalitan niyo pa ako? Masakit kaya `yong tumama sa pinto ng kotse.” She stretches her back. It really looks painful through her reaction.
“You argued?” mukhang nahimasmasan bigla si Cindy.
Tumango ako. “Hayaan mo siya.”
---
Funny thing is, Cindy is wide awake—back to her senses. While Custodio fell asleep after crying the whole time she’s drowning herself in whisky. Magkatapat kami ni Cindy sa maliliit na upuan habang siya ay maginhawang nakahiga sa mahabang sofa.
“Angsama mo naman kung tinulak mo talaga siya.”
“She deserves it. That’s better than makikipagsagutan pa siya sa parents mo.”
“Hahanapin ko pa rin si Marco.”
“Think it over. Huwag kang padalos-dalos. Ibang gumalaw ang parents mo. You know them well, Cinds. Magkaparehong-magkapareho sila ng mga parents ni Blair.”
That scene a while ago brought back everything I felt when I faced Blair’s parents. I was all too proud that time. I always wanted my side to be heard. But I end up being humiliated just because I believed in those love will keep us alive narratives. Dumagdag pa ang pag-iwan sa akin ni Blair.
“You’re staring at Jane. Do you find her interesting?”
“Huh? Not even thinking of her. Naalala ko lang `yong pagmamakaawa ko sa mga magulang ni Blair. I was stupid that time.”
Biglang napaupo si Custodio. Dinampot niya ang bote ng alak. Kahalati pa ang laman nito.
“Shot pa, Pigsa!”
She thinks yata na kainuman niya `yong mga kaibigan niya. Inagaw ko nga ang bote sa kanya. She faces me.
“Wait. Ma`am Regina Vanguardia?! Is that you!”
Natawa si Cindy. Ako? Inis na inis dito sa babaeng `to! Pinisil-pisil pa niya ang pisngi ko. Pinalo ko nga.
“Ma`am! Sungit yern? S-shot puno, Ma`am. Next time, Ma`am ha? Kapag G na G na ako huwag niyo akong pipigilan sa kaaway ko.” Tumayo pa siya at nameywang. Hinila pa nga niya ako patayo. “Mamanduhan ko silang mga matapobre sila! Duduro-duro kong ganito. Ganyan!”
The heck with her? Dinedemo pa niya sa akin kung paano siya mang-away? Oh, what’s happening to her na naman? She’s staring at me. Nahihilo ba siya? Or what?
Tinuro naman niya ako. She holds on my shoulders. “Ma`am Regina…”
What now?
Damn! Natumba siya sa akin! I almost lost my balance!