JANE’S POV
Tuloy-tuloy sa kanyang opisina si Ma`am Regina. Ako naman ay sa station namin ni Asher magtatambay muna. Napansin ko agad ang tray ng biskwit at water dispenser.
“Nilipat na namin diyan, kasi gawain ni Ma`am Regina na utusan ang bodyguards niya sa pantry tapos tatakas siya.” Natatawang sabi ni Lexi. “Aja! Huwag kang magku-quit!”
“Salamat.”
Sinampolan ko na agad ang dispenser. Magtitimpla muna ako ng kape. Konting amoy sa aroma, limang minutong tulala. Nag-ooverthink tuloy ako sa mga nalaman ko kanina. Paano na lang kung trip lang ni Ma`am Cindy si Marco? Paano na lang ang mga sikmura namin ni Pareng Brian? Wala sa sarili kong napahawak ako sa tiyan ko. Naalala ko kasi `yong mga gabi hanggang madaling araw na inuman.
Hoooh! Biglang feeling hang-over ang sikmura ko. Higop muna ng kape. Magbubukas pa sana ako ng biskwit nang may dumating na delivery. Hinahanap si Ma`am Regina.
Itinawag ito ni Lexi kay Ma`am. Ako ang pinaharap niya sa delivery boy. Ako na rin ang pumirma. Gusto pa ng picture e. De pinagbigyan ko. Mukhang ako tuloy `yong receiver. Dapat serious ang face para bodyguard na bodyguard ang dating.
“Kanino daw galing?” tanong ni Ma`am Regina pagkapasok ko sa opisina niya.
“Wala pong sulat , Ma`am.”
“Throw it.”
“Okay po.” Madali akong kausap. Siyempre, itatapon ko `to agad. Kapansin-pansin na parang may malalim na iniisip si Ma`am Regina. Kunot ang noo nitong nakatutok sa kanyang computer.
“Damn it. Ayaw nila de huwag.” Nag-angat ng tingin si Ma`am. “Anong tinatayo mo pa diyan? Pinapatapon ko na `yang bulaklak `di ba?”
“Okay lang po kayo, Ma`am?”
“Ano bang trabaho mo?”
“Bodyguard niyo, Ma`am. Dapat i-sure ko na okay kayo. Sa lahat ng oras.”
Ano bang sinabi kong mali. Parang mas nabueset pa siya.
“Custodio, ang trabaho mo protektahan ako kapag may nagtangka sa buhay ko. Other than that, wala ka nang pakialam. Hindi tayo magkaibigan para itanong ang ibang aspeto ng buhay ko.”
“Nandoon na ako, Ma`am. Pero paano kung sa sobrang stress niyo tumaas ang blood pressure niyo? O kaya maputukan kayo ng ugat? E de deads din naman kayo. Kargo ko pa rin po `yon.”
“Go out!” sigaw na naman ni Ma`am. “Don’t enter my office until ipatawag kita.”
Paatras pa akong naglakad kasi baka anytime e batuhin niya ako ng kahit anong madampot niya. Hay! Itong boss ko napakataas ng bp lagi. Parang magiging dragon na.
“Itapon na daw `to.” Sabi ko kay Lexi. “Lagi bang nagpapatapon si Ma`am ng bulaklak?”
Tumango siya. “Usual na `yan. Hindi siya tumatanggap ng kahit anong regalo.”
“Kahit chocolate mula sa manliligaw niya?”
“Yep. Pinapamigay niya sa amin. Parang angtagal na rin noong may mga pachocolates. Sayang.”
“Sama mo ako sa hatian `pag may pasokoleyts ha?” biro ko pa sa kanya. Pero seryosong biro `yon. Sayang din! Haha!
Nagitla ako nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ma`am Regina.
“Lexi, ipatawag mo ang members ng Clique. We’re terminating their contract.”
Nalungkot ako bigla! `Yong favorite girlgroup ko!
“Balak mo bang iuwi `yan, Custodio?”
“Po? Hindi po. Nangongolekta lang ako ng basura para minsanan ang tapon. Amin na `yong trash bin mo, Lexi.”
Buti na lang magaling sumakay sa trip si Lexi. Inabot niya ang bin agad.
“Mars, `yong trash bin mo.” Malakas ko pang sabi doon sa isa.
Best in irap na naman si Ma`am Regina. Malakas na sinara niya ang pinto. Siguro naman nakalusot ako. Haha!
“80% sama ng loob si Ma`am `no? 20% sama ng loob pa rin pero slight lang.”
“Baliw ka talaga. Itapon mo na `yan. Makita pa ni Ma`am `yan magagalit na naman.”
Sayang `to ah. Pinicture-ran ko saka ko sinend kay Brian. Itinago ko muna sa kasulok-sulukan ng sofa. `Yong hindi makikita ni Ma`am kahit pinakadulo ng bulaklak.
“Pigsa, may flower dito. Mahal `to. Bet mo? Pinapatapon na ni Ma`am Regina. Hahaha! Bago `to! Hindi pa expired! Bigay ko na lang 1000 sa`yo.”
Wala nang libre ngayon `no! Iisipin ko pa kung paano ko ito maipupuslit e.
“Jane, pinapatawag ka ni Ma`am Regina.”
Mabilis kong sinilid ulit sa gilid ng sofa ang bulaklak saka ako nagmadaling pumasok sa opisina.
“Pinapatawag niyo daw po ako, Ma`am Regina?”
“Yeah.” Nakatutok pa rin sa computer si Ma`am. “How much would it cost if I rent your house? Magkano ang service fee if papabantayan ko si Reign sa lola mo?”
“Po?”
Saka lang siya nag-angat ng tingin. “Are you even real? Bingi ka ba? Klaro ang pagkakatanong ko naman.”
“Ano po kasi. Bakit po? Bakit niyo rerentahan ang bahay namin? Ma`am, baka naman balak niyong bilhin `yong buong kalye doon tapos gawing mall. Kawawa naman mga nakatira doon. Sasama ako sa welga kung magkaganoon.”
“God! Custodio! Your place is not even commercial friendly location! Anong mapapala ko sa pagbili ng mga lupa doon?! Just tell me how much. Gustong pumasyal doon nang mas madalas ng pamangkin ko.”
“Bakit po?”
“I don’t know, okay! Just let me know. Ask your lola about it.”
“Ma`am, papasyalin niyo lang po si Reign doon. Hindi naman kami masyadong naghihirap e.”
“This is not about naghihirap or hindi, Custodio. Reign is a pain in the ass. Sa una siguro matutuwa pa kayo sa kanya pero in time maiinis na kayo. Nakakahiya sa lola mo.”
“Naku, Ma`am! Sanay na sanay ang lola ko sa teens behavior. Sila kaya ni lolo ang nagpalaki sa akin. Angdami kong kalokohan noon. Lagi din kami ni Brian sa Guidance. Sikat na nga si lola e.”
“Nevermind. I’ll ask Ali. Balik ka na sa station mo.”
“Wala na po kayong utos, Ma`am? Pagkain? Kape? Hindi pa kayo kumakain mula dumating tayo. Hindi rin kayo kumain kena Ma`am Cindy.”
“Ano nga kita ulit, Custodio?”
“Sabi ko nga bodyguard lang. Labas na ako, Ma`am Regina.”
At siyempre, paatras pa rin tayong nagtungo sa pintuan. Mabuti na ang maingat kaysa matamaan ng lumilipad na bagay.
---
Ni-reset ni Ma`am Regina ang meeting. Buti naman! Maaga ang uwian! Wohoohhh! Balot na balot ko ng diyaryo ang pabulaklak. Ayos! May 1000 ako nito mamaya. No effort! Pandagdag handa ni lola.
Gusto kong i-congratulate ang sarili ko dahil hindi ako nagdaldal kay Ma`am Regina sa buong byahe! Achievement!
Mabilis akong umibis ng sasakyan pagkarating sa kanilang mansion para pagbuksan ng pinto si Ma`am.
“Pwede ka nang umuwi after dinner.”
“Hindi na po ako magdi-dinner dito Ma`am.” Mabubulok na `yong bulaklak e! hahaha! “Magkikita po kasi kami ni Brian.”
“Ok.”
Hinintay ko pang makapasok sa paglaki-laking main door si Ma`am bago ko kinuha ang bulaklak sa trunk. Tinanggal ko ang diyaryo para makahinga-hinga naman ang mga flowers. Kawawa e. Baka malanta.
“Nice flowers you have there.”
“Ay shutaka!” Napalingon ako sa nagsalita. Si Ma`am Pauleen pala! “Ma`am! Sorry po. Nakakagulat kasi kayo.”
“It’s okay. My bad. Kararating niyo lang ni Regina?”
“Opo, Ma`am. Uuwi na rin po ako. Ibebenta ko pa `to e. Sayang! Haha!”
“Kay Regina ba `yan?”
Tumango ako. “Ganda po `no?”
“Ni Regina?”
“Ma`am! Itong bulaklak. Joker pala kayo. Pero pretty din si Ma`am Regina.”
“You really think she’s pretty?”
“Opo naman, Ma`am! May Vanguardia bang ngitpa? Masungit, opo. Meron haha! Si Ma`am Regina din `yon.”
Buti pa itong si Ma`am Pauleen nakikipag-joke time e kahit dinodogshow ko na ang kapatid niya. Hay!
“Nakakahawa ang ngiti mo, Jane. Sana ay mahawaan mo ang kapatid ko.”
“Negative, Ma`am.” Sagot ko naman agad. “Alam niyo po ba Ma`am, may pustahan sa opisina. Kung tatagal daw kami ni Asher o hindi.”
“By the way, I have a favor to ask.” Kinuha ni Ma`am ang selpon niya sa bag. Nag-browse-browse siya saka pinakita sa akin ang picture.
“Ganduh. Da hu, Ma`am?”
“You mean, sino `to?”
“Ah opo. Haha! Sorry talaga sa pagsasalita.”
“This is Blair Regalado. As much as possible don’t let her come near Regina. My sister might flare up. It’s a complicated matter. I don’t want to disclose much information. Basta huwag mong hayaang makalapit si Blair sa kanya.”
“Pa-forward na lang po ng picture niya, Ma`am. Bukod pa `yan sa list sa opisina? Hay! Daming kaaway ni Madam Regina.” Nailing kong sambit. “Don’t worry po, Ma`am. Great Wall of Custodio ang bahala sa seguridad ni Ma`am Regina.” Sabay flex ng biceps ko.
“Thanks. But I have another concern, Jane. What are your thoughts when you see two men or two women inlove?”
“Ah teka po, Ma`am. Love life ng bading? Tomboy? Lesbian? Ganon po?”
“Yup. I just want to know your thoughts about it.”
“E de wow! Sanaol inlove po! Haha! Wala naman ako paki doon sa lovelife nila, Ma`am. Kung happy sila de go. Hindi po ako homokojic `no. Yuck!”
“Oh, Regina. Nagmamadali ka.”
Nag-aabot ang kilay na naman ni Ma`am. Napako ang tingin niya sa akin at sa bulaklak. Shoot! Lagot na naman ako nito!
“Why are you still here?”
“Bakit po kayo aalis nang wala ako?”
Shuta. Bakit `yon ang nasambit ko ba?
“Ibig ko pong sabi—”
“`Yong kaibigan mo. Makapal ang mukha na i-break si Cindy. Kapag napahamak `yong kaibigan ko, sinasabi ko sa`yo madadamay ka sa gagawin ko sa lalaking `yon.”
“E de puntahan na pala natin, Ma`am. Gusto ko pang humaba ang buhay ko e.”