REGINA’S POV
I got an early call from Cindy. She’s really stupid sometimes! Inaway-away niya `yong boyfriend niya tapos ngayon anghaba-haba ng message niya. Nagsisisi daw siya dahil nag-busy daw `yong lalaki para sa monthsary nila. These dramas are annoying! I only reply thumbs up icon. She should know, I’m not interested.
Naabutan kong nag-aalmusal si Ate Pauleen.
“Where’s Kuya?”
“Guess it.”
Wala rin si Reign.
“Don’t tell me napatawag ulit sa school?”
“You got it right, Regina. Mukhang balak talaga ni Reign sundan ang yapak mo. Nakailang principal’s office ka nga ulit?”
“Fifty.” Sagot ko saka umupo.
“Fisty-one. Remember `yong ako ang nakiusap sa principal?”
“Yeah. But anyways, cool naman si Kuya. She can handle that.”
Sa dami ng nakahain na pagkain, parang gusto ko ng tinapay lang. I remember `yong palitaw.
“Ate Leony, pakuha n`ong palitaw sa ref. `Yong nakalagay sa tub.”
“E ma`am. Ubos na po,” sagot niya.
“Tinikman ni ng Kuya kanina. Naubos nil ani Reign. Sabi ng pamangkin mo e, ayaw mo naman daw kaya sila na lang uubos.”
Ayaw ko kagabi but that doesn’t mean hindi ko na titikman! God!
“Pwede mo bang pagsabihan si Reign?” sabi ko dito kay Ate. “Masyado lang nagiging maldita.”
“Let kuya discipline her daughter. But in a way, parang nakikita ko ulit `yong mga panahong nagdadalaga ka pa lang sa kanya. You should know, my dear. Mas maraming pinagdaanang sakit ng ulo sina Mama at Papa noong teenager ka pa lang.”
“Let’s not talk about it, Ate.”
Her glances are too obvious. She’s probably going to ask about Blair.
“Come on. Ask it. I don’t keep any secrets from you.”
“Does she still bother you? How was it? Have you talk about your issues?”
“Bother ba like attracted pa rin ako?”
She nods. “That’s my main concern here, Regina. Are you still confused?”
“Honestly, Galit ako sa kanya. Hindi ko siya mapapatawad but I am not attracted to her. Not anymore. Not to any other woman.”
“Are you sure?”
Tumango ako. “Bakit parang worried na worried ka?”
“`Coz I saw you staring at your bodyguard last night, My Dear.”
God! What did she just say?
“No, I’m not! Whattahell are you talking about?”
“That was what? About five minutes of just watching her while you’re drowning yourself with wine. Dear, that’s quite amusing though. You had never admired someone other than Blair for quite some time.”
“And you better not say a word because you’re wrongfully accusing me. Get it? Nagkataon lang na nanibago akong nandoon siya. I don’t admire her. Nakakakilabit ang naiisip mo.”
And I a silly smile was drawn on her face.
“Come on! Hindi tulad niya ang magugustuhan ko kahit mag-settle ako sa babae.”
“Wala pa akong sinasabi, Regina. Don’t be too defensive.”
---
Kinukulit ako ni Cindy. I-meet daw namin ang boyfriend niya. God! Not in those street foods naman sana ulit! Kinikilabutan na ako agad just imagining it!
Custodio is wiping the car’s window when I walk into the garage.
“Aalis po tayo, Ma`am?”
“Day off mo pa `di ba? Ako lang ang aalis. Give me the key.”
“Naku po, Ma`am. Bawal pong umalis kayong mag-isa. Wala naman akong ginagawa e. Sasamahan ko na lang kayo.”
“Huwag mong sirain ang umaga ko, Custodio.” Seryoso kong sabi dito. “Amin na ang susi.”
“E Ma`am Regina, dapat tanghali na kayo gumising para hindi ko nasira ang umaga niyo.”
Damn her! Like gaano ba kakapal ang mukha niya para sagut-sagutin ako?!
“Wait lang po, Ma`am. Sasama po talaga ako. Bilin ni Sir Paulo e.”
She runs towards her motor—the one that our family provided. The heck? She’s about to remove her shirt kaya tumalikod na ako. Hindi ba siya nahihiyang maghubad kahit saan?
“Ma`am—”
“Bakit kung saan-saan ka naghuhubad, Custodio? Babae ka pa rin. Paano kung may nakakita sa`yo? Are you out of your mind?”
“Baka takasan niyo ako, Ma`am e.” sagot pa niya. “Saka t-shirt lang pinalitan ko, Ma`am. May suot naman akong manipis sa loob.”
Tinaas pa niya ang t-shirt niya! Tinabig ko ang kamay niya para muling maibaba ang laylayan ng kanyang t-shirt.
“Act like a woman, Custodio. Huwag kang magbibihis outdoors. You don’t know how people around you think. Do you get me?”
She nods. “Pasensya na po, Ma`am Regina.” Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat. “Sakay na po kayo.”
---
Nagbago na naman ang isip ni Cindy. Sa bahay niya na lang daw kami magkita. Custodio was surprised to see her walking towards us.
Hindi man lang niya maitago ang reaction niya. “Kaibigan niyo, Ma`am Regina, ang girlfriend ng kaibigan ko?!”
“And? Anong kakaiba d`on?”
“Gagi.” Napahawak pa siya sa ulo niya. “Wait lang. Hindi nakukwento ni Marco na mayaman ang gf niya.”
“Lahat ba dapat ikwento sa inyo? Do you do the same if you have a boyfriend?”
“Oo naman! Magbe-bestfriends kami e.”
“That’s pathetic. Napaka-kiss and tell niyong magkakaibigan.”
Nakalapit na sa amin si Cindy. She was also shocked to see Custodio but manage to compose herself.
“Jane! Nice to see you, again!”
“Hi po, Ma`am Cindy.”
“Naku! Huwag mo na akong tawaging, Ma`am. Para kay Regina lang `yang tawag na `yan. Pasok kayo. Pati ikaw. Marami akong itatanong sa`yo.” She immediately held on Custodio’s wrist. “Matutulungan mo ako sigurado.”
Ininterview niya agad to know what she can do to make bawi sa kanyang boyfriend.
For a fling? Parang sobra naman itong effort na gusto niyang gawin.
“Ipagluto niyo lang po siya. Hindi naman maarte `yon. Masyado lang mabait. Minsan nakakabueset na.”
“Tama ka diyan.”
Look at them! Parang sila `yong matagal nang magkakilala. Cindy is seriously taking down notes about that guy. I guess, this is a serious problem since her parents are hard to deal with.
Lumapit sa amin ang isa sa mga kasambahay nila. “Ma`am Regina, ano po ang gusto niyong lunch?”
“Don’t mind me. Kung ano na lang ang ipi-prepare niyo.”
Bumaling siya kay Cindy. “Ma`am Cindy, ano po ang iluluto ko para sa tanghalian?”
Bumaling siya kay Custodio. “Anong gusto mong lunch, Jane? Tinulungan mo ako kaya kung ano ang request mo ay ipapaluto ko.”
“Po? Nakakahiya naman.”
“Drop the po. Ano ka ba. I told you, si Regina ang boss mo dito. Ako e parang fren-fren na rin.”
I think Cindy is head-over-heels with that Marco. Nalimot na niyang may pagkamatapobre ang mga parents niya at siguradong hindi magiging madali ang lahat if they will continue their relationship.
“Kung ano na lang po ang gusto ni Ma`am Regina.”
Natawa si Cindy sa sagot niya. “E de pare-pareho tayong gutom! Manang, magluto na lang kayo ng afritada then some vegies para sa akin best girl, Jane here.”
---
“Dapat kainuman natin si Jane dito e. Napakaarte mo, Frenny ha. E friend ko na rin siya.”
“Naririnig mo ba ang sarili mo? Kung gusto mo ayain mo siya kung day off niya. Not with me around. Stop playing na lang Cinds. Maawa ka doon sa Marco.”
“Seryoso na ako. Na-realize ko kagabi na mahal ko siya.”
“The f**k? Overnight? Na-realize mo agad? Are you watching too much dramas lately?”
“Of course not! I think, this is love.”
God! Nakakakilabot ang biglang pagiging hopeless romantic niya! “Wait until malaman nina Tito ang pinagkakaabalahan mong lalaki. Tapos madadamay na naman ako. Good thing hindi siya nasa circle of friends natin.”
“You should try having someone na malayo sa lifestyle natin, Frenny. You know? Try someone ordinary? For sure macha-challenge ka. `di ba you love challenges?”
“Blair was the one who loves challenges, not me.”
“Na ah ah! Don’t you put that card on me, Regina. Remember you tried to seduce someone straight to prove that you can replace Blair? You also succeeded and you just did what Blair did to you.”
“Closed chapters of my life. I don’t want to get involve with anything stupid. At my age, wala na sa isip ko ang mga `yan.”
---
Custodio and I are heading to Vanguardia Entertainment. I decided to work for a bit.
“Ma`am, may itatanong po ako. Huwag kayong magagalit ha? Bale pwedeng magalit pero huwag niyo akong sabihang Stop the Car kasi matatrapik tayo.”
“What is it?”
“Kayo `yong kasama ni Ma`am Cindy n`ong nakilala naming siya `no?”
Hindi man din ako nakakasagot ay dumaldal na naman siya.
“Kasi tandang-tanda ko ang mga kamay n`ong Valentina e. E ganon din ang kamay niyo. Parang anglambot pag hawakan. Saka singtangkad niyo din. Tapos `yong tawag sa inyo ni Ma`am Cindy.”
“Ano ngayon kung ako nga `yon?”
“Ma`am Regina, sana po kung hindi seryoso si Ma`am Cindy kay Marco, baka po pwedeng sabihan niyo na hiwalayan na niya. Mahirap lamang po kami pero hindi po kami pang-good time lang na relasyon.”