REGINA’S POV
Sinalubong kami ng lola niya. Naliligo pa daw kasi si Custodio. Wala naman silang bisita, pero sino `yong sumagot ng call ni Lexi? Is she just pranking me?
“La! Magdadala po ba ako ng tubig?”
Napunta ang tingin ko sa may bintana. Isang binatilyo ang nakadungaw dito.
“Pupunuin ko `yong dalawang litro?”
“Oo apo. Mayroon `yong nagyelo na. `Yon na lang ang dalhin mo. `Yon ang gusto ng Ate Jane mo e.”
“Who is he po?”
“Ah. Si Ding `yan. Apo ko pamangkin. Galing sa Baguio. Gusto e dito tumira dahil lagi daw wala ang Ate Jane niya.”
“Close pala kayo sa mga apo niyo.”
“Ganon talaga siguro, Hija. Kung nagtatanim ka ng pagmamahal sa iba ay pagmamahal din ang isusukli sa`yo. Naku, kung dito titira lahat ng gustong mag-alaga sa akin ay mamumulubi itong si Jane. Pati mga kapatid ni Brian ay gustong mamalagi dito.”
Baka pati `yong si Brian mismo e gusto din. She should also count my niece na laging bumakbibig ang pagpasyal dito.
Pumanhik na kami sa bahay nila.
“Asher, halika Neng. Pasok. Kumain muna kayo.”
Nakahain na sa sala ang pancit, puto at softdrinks. Dumulog agad si Asher. “Binibida ni Jane lagi ang luto po niyo Lola. Siguradong masarap po ito.”
“Ang apo ko talaga. Baka mapahiya pa siya e.”
“La, okay na po. Si Ate Jane na lang po ang hihintayin natin. Kumakanta pa po sa banyo e.” Napatingin sa akin si Ding. “Good afternoon po.”
Napansin ko agad ang hawak-hawak niyang phone.
“Naku, e charge mo muna `yang phone ng ate mo. Magagalit `yon kung malobat `yan.”
“Powerbank na lang, La. Wala namang boyfriend `yon. Walang tatawag sa kanya. Haha! Sa baba na po ako.”
Baka siya nga `yong sumagot sa call kanina.
“Lola Dearest, `yong tshi—”
Natigilan siya nang makita niya ako.
Holy s**t! Nakatapis lang si Custodio! Whattaheck is she thinking? Paano kung hindi lang kami ni Asher ang nandito? She must have seen my dismayed look.
“Hanapin ko na lang sa kwarto, `La.”
Nagmadali siyang pumasok sa room niya. Such a careless woman! Paano na lang kung may ibang tao dito?
“Ang batang `yon talaga, minsan hindi ginagamit ang mata e. Panay bibig ang gamit sa paghahanap. Kumain lang kayo, Ma`am Regina. Mabilis din `yong magbihis.”
Just a few seconds passed, lumabas na ng kwarto si Custodio. She tucked her white shirt and tightening her belt. I gulp with how she does it. Damn her. Iniiwas ko ang tingin ko.
“Ma`am Regina, pasensya na po kayo. Mainit dito sa amin.”
Yeah. It is.
“Okay lang.” tugon ko naman.
Tinutulungan ni Asher si Lola sa ibang gamit na isasakay sa kotse. Ito naman si Custodio nagda-dry pa ng buhok gamit ang towet habang ini-interogate ako.
“Kumusta ang pagkikita niyo, Ma`am? Wala talagang spark?”
Umiling ako.
“As in? Walang tigidig your heart?”
“Wala. Why are you so interested ba?”
“Curious ako, Ma`am. Kung ano ng feeling na makita ang greatest what if. Haha! Charot!”
---
Nasa sementeryo na kami. Nagtirik sila ng kandila. Magkakatabi ang mga puntod ng magulang ni Custodio at ng lolo niya. I remember the night when she was too drunk, she wanted to visit her parents. Gusto pa nga niyang sumama. Stupid, Custodio.
Hinila ako ni Custodio. “Nay, Tay, si Ma`am Regina po. Boss ko. Mabait po `yan. Huwag niyong mumultuhin. Si Asher naman `yong kasama niya. Katrabaho ko.”
What should I say? Dapat ba akong mag-hi din sa kanila? I looked at her confusedly. Nakangiti lang siya.
“Hi po.”
I even wave at the tomb. Silly me! Hay!
Hinanap nina Custodio at Ding ang puntod ng iba pa nilang kamag-anak. Magtitirik din daw sila ng kandila. Si Lola naman malalim ang iniisip habang nakatitig sa puntod ng mag-asawa.
“Nag-iisang anak ko si Leonor. Napakasipag nilang mag-asawa. Angdami nilang pangarap para kay Jane. N`ong araw na natanggap ko ang balitang naaksidente sila hindi ko alam ang gagawin ko. Batang-bata pa ang apo ko noon.”
Alam na alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng magulang. Maswerte na lang ako at nakasama ko pa ang parents ko nang mas matagal.
“You did a great job po. She has grown into a tough person.”
“Marami siyang natanggap na pangbubully noong bata pa siya dahil wala siyang magulang. Napilitan na lang siyang maging matatag dahil walang magtatanggol sa kanya.”
“Binusog niyo naman po siya ng pagmamahal.”
“`Yon lang ang kaya naming ibigay sa aming apo.”
“Hmm, Lola. I know it’s wrong timing. Ipagpapaalam ko po sana siya. Isasama ko siya sa bakasyon. Two or three days siguro.”
I can’t put it into more details dahil nasa malapit lang si Asher. Mas makabubuti kung iilan lang ang may alam ng kasunduan namin.
“Saan ba kayo pupunta, Hija? Si Jane ay mahihiluhin. Ipagbaon mo ng gamot ha? Naku. Kung sasakay kayo ng eroplano e baka magsuka-suka pa siya. Bibilhan ko nga ng white flower mamaya. Magbaon din kayo ng plastic.”
“Pag-iisipan pa po namin kung saan.”
---
Mag-8:00 na nang gabi nang makauwi kami sa kanila. Naghihintay sa harapan ng gate si Brian. May dala-dala siyang dalawang kahon ng pizza.
“Pasensya na po kayo, Lola. Hindi ako nakasama sa sementeryo ngayon.” Sabi nito pagkamano. “Good evening po, Ma`am Regina.”
Tinanguan ko lamang siya.
“Pasalubong po.” Tinaas niya ang bitbit niya. “First sweldo ko, Lola! Haha!”
“Weh? De pati ako meron na rin?” Jane excitedly asked. Nag-high five pa sila. Inakbayan pa niya si Brian. “Hoy bayad utang na, Boy. 2500 din `yon! Haha”
“Mamaya na kayo magsingilan.” Saway ni Lola sa kanila. “Akyat na muna tayo. Regina, halika na. Magmeryenda na muna tayo.”
“Hindi na po. It’s getting late na rin. Nakakahiya rin po.”
“Mauna na kayo, La.” Sabi ni Custodio sa kanila. “Ding, tulungan mo si Brian sa dala niya.”
Pinagbuksan na ako ni Asher ng pinto sa backseat.
“Ma`am Regina, wait lang po.”
“Why?”
“Maaga pa. Pag nagba-bar nga kayo madaling araw pa umuuwi. Panhik muna kayo.”
“Jane, papapanhikin mo si Ma`am Regina e may manliligaw ka sa taas. Naku ka!” sabad ni Asher.
“Adik! Hindi ko manliligaw si Brian. Saka grabe.” Bumaling sa akin si Custodio. “Weh?”
“Look, if he wants to spend time with you. It’s okay. Uuwi na muna ako. No big deal.”
Wala na rin naman siyang magagawa nang tuluyan ko nang binuksan ang pinto ng kotse saka sumakay. What we have ain’t real anyway.
“Saan po tayo, Ma`am?” asked Asher.
“Uuwi na.
“Si Ma`am naman. Hindi na nakipagsabayan kay Brian. De sana binili niyo yong buong pizza parlor! Haha!”
“I’ll do that next time. Umuwi muna tayo. I’ll deal with that him, soon.”
My phone rings. It’s flashing Ate Pauleen’s number.
“Hello. Why?”
“Blair is here. Uuwi ka ba?”
“What is she doing there?! Si Kuya Ruru ba?”
“Yeah. And that Rionjae too. Ewan ko dito sa Kuya mo.”
“Hindi muna ako uuwi diyan. Thanks, Ate. I owe you a lot.”
“No worries. Update me kung saan ka uuwi.”
“Asher, ihatid mo ako sa condo ko. Then iuwi mo itong kotse. Sa mansion ka na matulog.”
“Okay po, Ma`am. Copy.”
“And don’t tell them kung saan mo ako inihatid. Okay?”
---
Cindy keeps on calling. Baka kinukulit siya ni Blair. That woman! Hindi marunong makaramdam?
Custodio has been calling non-stop,too. She just text awhile ago. She saw daw post ng pamangkin ko na kasama si Blair. She’s asking kung umuwi ako. I didn’t reply. I’m just not in the mood to do so.
Hell? Why is she attempting video call at this very hour? Past midnight na. Kinansel ko nga. Nag-pop up ang chathead niya. Inoff ko ang date and wifi, then binuksan ko ang message. I’ll just mark in Unread later.
“Ma`am Regina, saan po kayo umuwi? Nagchat po si Ma`am Pauleen na puntahan ko po kayo bukas nang maaga. Nakita ko rin po ang picture nila na nasa mansion si Ma`am Blair. Saan ko po kayo susunduin bukas?”
Pagkalagay ko sa Mark as Unread ng message nila, I turned wifi and date on again.
I scrolled on Bookfame. Post ni Reign ang bumungad sa akin. Ninang din niya si Blair kaya hindi na nakakapagtaka na mag-bonding sila. Naka-mention pa ako sa post niya. No way, kid. We can’t do that mini family thing again.
Cindy sent a link. Pagbukas ko ay post naman ni Brian.
“First sweldo share-share sa family! #FamilyIsLove”
Nasa bahay din nina Custodio ang pamilya ni Brian. Nasa gitna silang dalawa ni Custodio. Looks like a couple for me.
“Frenny, iba din `tong si Brian `no? Parang mamamanhikan sa first sweldo. Haha! Papahuli ka ba diyan, Frenny? Keep up tayo!”
“Stop it, Cinds. Alam mo naman ang real score. Huwag ka nang gumawa ng issue. Ain’t real, okay?”
“Siyempre alam ko `yon! Pero don’t you feel like the pain is real sometimes. Joke. Mukhang epektib ang biglang closeness niyo ni Jane. Duma-damoves si Robles e. Haha! Bye na muna. Alam kong busy-busy ka sa pag-iwas kay Blair. Kapal ng mukha talaga niya.”
Pain is real? I don’t think so. I understand they are friends and I’m just her client. How I act should be just within our contract.
I captured a picture of my laptop and posted it in my account.
“Working `till dawn…Alone.”
Just after a few seconds, I deleted my post. Stupid, Regina! It sounds nagpapaawa! It should not be like that. Damn it! What’s gotten into me?!