REGINA’S POV
Naabutan ako ni Ate Pauleen sa mini bar. Nagpapaantok ulit ako as usual.
“Hey. Bakit hindi ka nagyayaya?” she joked after getting herself a wineglass. “Ayaw mo na sa balcony?”
“Come on! Stop mentioning about it, Ate.” Nainis kong sabi. Sinalinan ko ang wine glass niya. “So? Are you watching over me? Don’t worry. Wala akong gagawin ikakasama ng pamilya natin.”
“Nah. Gawin mo na lahat ng gusto mo. Matanda ka na, Valentina.” A sarcastic smile drew in her face. “So, tell me. Totoo ba itong nakarating sa akin na nagkakalapit kayo ni Jane?”
I nod then drinks my wine. “There’s nothing wrong with that, right?”
“Timing naman yata na uuwi si Blair saka ka nagkaroon ng interest sa bodyguard mo? Perfect timing?”
I sighed and looked around. “Fine. Since I can’t hide anything from you. You know how I hate Blair. She just told Cindy about her plans. Her family has done the worst thing to me. To us. They pulled their investments just because of me. Sinaraan pa tayo sa mga businesspartners nina Mama at Papa.”
“I don’t like that Rionjae.”
“Same.” Nag-cheers kami and laughs. “Ewan kay kuya Ruru. Baka naman He’s keeping his enemy closer.”
She shrugged her shoulders. “Ang alam ko lang iniwan tayo ng mga pinagkatiwalaan nina Mama at Papa. Pati kamag-anak natin. God! Hinihintay na sila ng impyerno.”
“But hey, we’re even richer than them. Hinihintay ko lang na magbenta sila ng ari-arian nila. I’ll surely buy it at palalayasin ko sila agad-agad.”
“Thanks to you. Mas malaki ang naging ambag mo sa pagbangon natin.”
“Ako naman ang dahilan kaya it’s but right na ako ang gagawa ng paraan. I just got lucky I guess.” Nagcheers ulit kami.
Reminiscing those bittersweet memories makes me appreciate what we have now. And we really don’t trust our kamag-anak. Matatapatan lagi sila ng pera.
“Beware of Blair. Alam kong hindi basta-basta mawawala ang nararamdaman mo sa kanya. I know you, Regina. Konting pagpapaawa lang ni Blair baka madala ka na.”
“I’m a changed person na, Ate. And I have Custodio. I mean, you know. She knows what to do. Siguradong mahihiyang lumapit si Blair.”
“A desperate woman knows no hiya. Ngayon pang pabagsak ang company nila. I’m just giving you a heads-up my dear sister. Alam ko kung gaano ka karupok sa first love mo.”
---
Si Asher lang ang naka-duty ngayon dahil death anniversary ng parents ni Custodio. Maghapon na akong nakatutok sa laptop. It’s quite boring na walang bigla-biglang papasok ng office just to ask kung gusto ko ng kape.
I found myself watching `yong pinagmamalaki ni Custodio na ship from The Clicque. Nanghihinayang ako. Malaking pera sana ang maipapasok ng dalawang ito sa VE. Hay!
I guess, Custodio is right after all. Iba ang chemistry nina Rogue and Ava. Nagbasa na rin ako ng comments. Napa-scroll up ako nang may nakita akong #JaneCustodio.
Why the hell are they looking for her? Pagka-click ko ng hashtag, may mangilan-ngilang clips na magkasama kami. It must have started n`ong nag-viral siya sa pagsipa doon sa lalaki.
So, totoo nga ang sinabi ni Cindy na marami ang nagkakagusto sa kanya? All gender pa nga. Like pati gay man? Seriously? Magpapakalalaki daw kung ganoon kaganda ang jowa? Ano bang nakikita ng mga ito kay Custodio?
Nag-pop up ang chathead ni Cindy sa BookFame. She forwarded a link.
“Frenny, alam ko namang hindi ka interesado sa future girl mo kaya ako na ang gagawa para sa`yo. Check this out! Parang iba ang dating para sa akin ha.”
I click the link she forwared. It led me to Brian Robles’ bookfame account. It’s actually a picture with Jane. It was taken last night at our garage.
Hindi na nakontento si Cindy. Tumawag pa siya.
“What is it?”
“Frenny! Look at those eyes! `Yong kay Robles ha? Huwag kay Jane baka mainlove ka haha!”
“Pwedeng stop kidding na? Ano ba `yon?”
“Grabe! You forgot na talaga how to look at someone through their eyes? Tingnan mo naman! He looks inlove with your girl. Act jealous Regina! Haha!”
She really likes to piss me off! I cut the call immediately. I’m not jealous or anything. Naiinis lang ako kapag dinidiktahan ako kung ano dapat ang mararamdaman ko kahit deal lang ang supposed to be relationship namin ni Custodio.
She sent another message.
“Frenny, wala pa kayong picture ni Jane sa social media. Blair’s always asking me if true na may gusto ka sa bodyguard mo. And guess what? Wala ka naman daw pinopost kaya mataas ang confidence niyang maagaw ka niya. Anghirap naman nitong ginagawa ko. Feeling spy ako! Haha! I need talent fee for this, Frenny! Haha!”
“Okay. I’ll post nang matigil na siya. Just make kwento na lang to her anything sweet kahit hindi naman totoo. Tell her how I like Custodio and how I talk about her. Ikaw na ang bahala.”
“Sure. No worries! Basta boto pa rin ako kay Jane kesa dito kay Blair kahit bestie natin siya noon.”
Hindi na ako nag-reply. We don’t have any picture like ganoon sa picture nila ni Brian. I think also need to ask her lola if it’s okay to post her picture in my account.
Dumagsa ang notifications ko sa Bookfame. Huh? Sa sss page ng school nina Reign ito. Stolen shots ito n`ong natamaan siya ng bola ng volleyball. It was a series of pictures from the incident. It was flooded with praises for her.
She’s pogi and maganda daw in one. Nasabihan pa akong maswerte dahil angganda ng bodyguard ko. People talaga love to based on physical appearance.
And me being me, I shared post with no caption. That’s enough. I turned off my laptop and lean my back on my chair to feel more relax. How many times did she in one way another saved me?
Pumikit na muna ako. I’m getting bored! Hay! Tinawagan ko si Lexi through intercom. Agad naman siyang pumasok.
“Yes po, Ma`am?”
“Pakitawagan si Custodio.”
“Po? Hindi niyo alam ang number niya?”
“Just do what I say. Ask her kung nasaan siya.”
“Phone ko po ba ang gagamitin ko? Or sa company? May LQ kayo, Ma`am? Wala kayong load?”
“Just call her before ako maubusan ng pasensya. Kumustahin mo. Just don’t tell her na pinapatawagan ko siya.”
What’s with her? Bakit siya nangingiti habang nagda-dial.
“May nakakatawa ba?”
“Kayo, Ma`am. Haha! Ano ba `yan. Hulaan ko po ah, nami-miss niyo si Jane pero ayaw niyong tawagan kasi ayaw niyong isipin niyang nami-miss niyo siya. Ayiiee!”
“Just do what I’m asking you to do. Walang labig, walang kulas.”
“Ito na po, Ma`am.”
Humalukipkip ako habang tinatawagan niya si Custodio. She gestured someone has answered.
“Hello po…” Kumunot ang noo niya.
Inilayo niya ang phone sa bibig niya.
“Ma`am, lalaki po `yong sumagot.”
Sinenyasan ko siyang i-drop na niya ang tawag. Sino kaya `yon? Could it be Brian? Pero nasa duty siya. Or not?
“Tatawagan ko po ba ulit, Ma`am?”
“Tawagan mo si kuya Rudolf. Ask him kung sino ang kasama niyang bodyguard ngayon. Or better yet, bumalik ka sa station mo.”
I’m tapping my table `coz I feel uneasy. For what reason? I don’t know! Damn it.
Lexi calls to tell me that Kuya Ruru is here to visit. Sinabihan ko lang na papasukin na niya. To my surprised hindi siya nag-iisa! Damn him! He’s with Blair! Oh god! Not another stupid decision he made!
“Kuya, anong ginagawa niyo dito?”
“Blair just arrived kanina and she’s excited to see your company.”
“Sana naman nagsabi ka.” Sabi ko dito kay kuya. “Kasi may lakad ako. Like ngayon na.” Tumayo na ako.
“Kararating lang namin. Aalis ka agad?” Blair said.
“Yes. And this is important.” Bumaling ako kay Kuya. “Alam mo na ang daan palabas ng building, Kuya. Mag-usap tayo sa bahay mamaya. Excuse me.”
Nakaabang na si Asher pagkalabas ko ng office. “Kunin mo na ang kotse, Asher. Tawagan mo si Custodio. Sabihan mong ayokong maratnan `yong lalaking sumagot ng tawag kanina.”
Anong nangyari sa next month na sinabi ni Cindy? Bakit nandito na agad si Blair? Damn it!
Angkapal ng mukha niyang tumuntong dito. Ito namang kuya ko sobrang walang respeto. Alam na niyang hindi kami okay, dadalhin pa niya dito. God! Aawayin ko talaga `yon mamaya!
“Regina, wait!”
If I will ignore her magtataka pa itong mga empleyado ko. I don’t want them to think anything else about this woman.
“What is it? May lakad ako e.”
“Look, I’m sorry. Pinilit ko lang si Kuya Ruru na isama ako dito.”
Napapatingin na ang mga empleyado sa amin. I try to remain as calm as I can. “Okay. Sorry din kasi kailangan kong puntahan si Jane.” Tinalikuran ko na siya.
Hindi talaga ako makatagal sa presensya niya. Bumabalik ang lahat ng galit ko sa kanya at sa magulang niya.
Nasa elevator na ako nang tumatawag si Custodio.
“Yes. What?”
“Ma`am, nagchat si Lexi. Nandiyan daw si Blair. Kailangan niyo po ba ako diyan ngayon?”
“No. I mean, yeah. But I’ll go to your place. Paalis na ako ng office.”
“Okay. Sige po, Ma`am. Mag-iingat po kayo.”
“Uh, Custodio…”
“Ma`am? Bakit po?”
“Let’s go out of town. Ipagpapaalam kita sa lola mo. Bye.”
Just a few seconds after dropping the call, I received a message from Custosio.
“Stressed agad kay Blair? Haha! Fighting, Ma`am Regina! Huwag marupok! Hahaha!”
Easy for her to say.