JANE’S POV
Kinakalampag na ako ng alarm clock. Snooze ka diyan! Pikit muna ako konti. 10:00 pa naman ako pinag-rereport ni Ma`am Regina. Grabe! Salamat sa flexible na oras ng trabaho.
Parang may nauulinigan akong kakwentuhan ni Lola. Baka si Reign. Nambibigla na naman ng pagbisita. Kahit papano ay nasanay na rin akong nandito siya.
“Hihintayin na lang po namin siya…”
Napamulat ako. Hindi si Reign `yon! Dali-dali akong bumangon. Lakad-takbo ako patungo sa kusina. Ilang hakbang lang naman pero hiningal ako. Pucha naman!
Siya nga! Mas maaga pa sila kay Brian! Grabe `tong mag-ante na `to!
“Ma`am Regina!”
Nagulat din yata siya sa itsura ko. Napako ang tingin niya sa dibdib ko. Bigla akong nahiya! Manipis lang ang suot kong tshirt e. Saka hindi ako naka-bra. Takip agad ng dibdib! Haha! s**t naman!
Nananaginip ba ako? Parang nangyari na `to. Saktong naman bumukas ang gate at tumahol si Fifi. Anglakas ng boses ni Brian! Pagtingin ko kay Ma`am Reign at Ma`am Regina pareho silang nakahalukipkip.
Gagu! Hindi ito panaginip dahil `yong pag-aabot ng kilay ng dalawa, real na real!
“Saglit lang, La. Magbihis lang ako.”
“Lola Dearest! Good mor—”
Natigilan din si Brian saka napatingin sa akin. Parang automatic na nag-play sa isip ko `yong tugtog na may lyrics na “Do you get déjà vu?”
“Parang nangyari na `to.” Sambit niya.
“Nangyari na talaga. Maupo ka na doon. Sana nagdala ka ng tinapay.”
---
Umalis na rin si Brian pagkatapos maki-almusal. Sina Reign naman at lola nagdidilig ng mga halaman sa labas. Si Ma`am Regina, heto kinorner ko dito sa favorite kong spot ng bintana.
“Anong ginagawa niyo dito, Ma`am?”
“May program sa school ni Reign. Her dad is on a business trip kaya ako ang mag-aattend. Ako at ikaw.”
“Ha? Bakit ako?”
“`Coz I said so? Nga pala bakit napaaga ni Brian? Does he always do that?”
“Normal na `yon sa amin, Ma`am.”
“Normal din na haharapin mo siya na wala kang bra?”
“Hindi! Nagba-bra ako kapag may ibang tao `no! Grabe ka sa akin, Ma`am.” Pinag-krus ko ulit ang braso ko sa tapat ng dibdib ko. “Ma`am ha? Napaghahalata. Haha!”
Pinaningkitan na naman niya ako. “I can’t find the courage to talk to your lola.”
“Tungkol saan naman `yon, Ma`am?”
“This supposed to be panliligaw sa`yo.”
“Kailangan pa ba? Kahit huwag na. Ako na lang magpapaliwanag. Saka parang kabado trenta ka, Ma`am! Haha!” Maalala ko `yong buesita nila kagabi. “Kumusta pala `yong friend ng ex mo, Ma`am? Sigurado naichika na niya `yong yakap. Hahaha!”
“She keeps on mentioning Blair and a possible collab sa work. I’m giving that project to Kuya if ever.”
“Ganyan, Ma`am! Huwag paapektuhan sa emotion kapag pera ang pinag-uusapan.”
“I don’t know. I still don’t want to see her.”
“E di don’t. Ako na lang tingnan niyo, Ma`am. Cute ko kaya.” Nagtaas-baba pa ako ng kilay. “Okay din `yong deal natin, Ma`am e. Makakapagpraktis din ako na may jowa-jowaan haha! Baka pag nagkajowa ako perfect girlfriend na ako. s**t! The one!”
“I feel like anytime soon, darating na si Blair. So, you better be prepared too, Custodio. We might go out more often or attend some events.”
“Kasama naman sa kontrata `yon, Ma`am. Kaya ready po ako. Huwag lang BS! Hahaha!”
“God! Angbastos ng bibig mo, Custodio! Angkapal din ng mukhang mong maisip `yon!”
“Hahaha! Sino ba `yong nakatitig sa cocomelon ko kanina?”
“God! Shut up! Mag-prepare ka na. mali-late na tayo!”
Queen of walk out! Haha!
---
Katatapos kong maligo. Inihahanda na ni lola ang dadalhin kong damit. Bait talaga ni Lola. Kahit angtanda ko na ay inaasikaso pa rin niya akong parang bata.
“La, huwag po kayong tatambay sa kanto ha? Uuwi po ako maaga bukas. Tapos pupunta tayong sementeryo.”
“Nagsabi si Ma`am Regina na gusto ka niya.”
“Ho?! Anong sabi niyo Lola?”
Si Ma`am naman! Nakakainis e. Sinabi ko namang kahit huwag na. napakapaladesisyon!
“Sabi niya ay trabaho lang daw. May iniiwasan daw siyang babae. Ikaw naman, bakit nagpapabayad ka pa? Pwede mo namang gawin iyon nang libre. Nakakahiya naman sa kanya.”
“Lola! Wala nang libre ngayon! Haha! Saka hindi ka nagalit? Babae ang manliligaw sa akin?”
“Bakit ako magagalit e tao siyang humarap sa akin? Nahihiya pa siya. Ang akala ay magagalit ako sa kanya. Sige na. Bilisan mo diyan. Nakakahiya sa boss mo.”
“Angcool mo lola. Alam mo ba `yon?” niyakap ko siya nang mahigpit. “Thank you.”
“Kung magpasalamat itong batang `to parang totoong igi-girlfriend e. Ibang usapan na `yon ha? Sabihan mo si Regina na magpaalam ulit kung totoo na ang panliligaw.”
“Haha! Lola! Hindi mangyayari `yon! Para `to sa pera! Makakabilis na tayo ng bagong predyider. `Yong touchscreen! Haha!”
---
Family day naman pala nina Reign. Mukhang badtrip `yong bata. Kung ako rin siguro e mababadtrip kasi `yong ibang schoolmate niya e kumpleto ang pamilya. Habang siya ay sang bugnutin na tiyahin ang kasama at ako na cute lang.
Nakaupo lang kami dito sa bench habang nag-eenjoy `yong iba. Siguro pumasok lang siya para sa attendance. Gawain ko rin `yon noon kaya relate ako.
“Oy may mga schoolmates ka naman, Ma`am Reign, na mga tita nila ang kasama oh. Sali din kaya tayo sa pa-games.” Yaya ko sa kanya.
“You gonna make Ninang run like that? Look at her naman, Ate Jane.”
Oo nga naman, Jane. E mukhang naka-principal’s outfit `tong si Ma`am Regina. Mukhang walang balak talaga mag-enjoy sa family day ng pamangkin e.
“What’s wrong? Comfortable ako sa suot ko.” Pagsusungit niya. “And those things are corny. Bakit ka tatakbo-takbo sa mga gulong? Or even jump on those lubid.”
“`Coz it’s supposed to be corny, Ninang. Bakit kasi naghiwalay pa sina Dad and Mom.” Pagmamaktol na ni Reign. “I hate them!”
Inakbayan ko siya. “Ma`am, baka may event naman na pwede isang parent lang. Tayo ang sasali. Pramis ipapanalo natin.”
Hindi siya umimik. Hay! Ito naman kasing si Ma`am Regina, hindi man lang kinosider ang feelings ng pamangkin. Tsk. Pareho pa silang nagmamatigas. Magtiyahin nga talaga kayo! Sakit niyo sa bangs!
“Jane!” napalingon ako sa tumawag sa akin. Pamilyar. Halla! Si Jules! Schoolmate siya n`ong college. Pareho ang T-shirt niya sa mga faculty members. Dali-dali siyang lumapit sa amin.
Binati siya ni Ma`am Reign.
“Long time, no see.” Tinapik niya ako sa braso pagkatapos ng mabilis na yakap. “Tikas natin ah. Kumusta ka na? Kumusta si Brian? Kayo na ba?”
“Gagi! Walang ganon! Okay naman siya. Nasa iisang work kami ngayon. Duty nga ako.”
“Ah I see. Alam mo minsan lumabas tayo. Angdami kong ichichika sa`yo. `Yong crush mo dati saka `yong may crush sa`yo.”
Tumikhim si Ma`am Regina. Cue ko na `yon para hindi masyadong chumika. Pagtingin ko kasi pareho na silang wala sa mood. Para talaga silang plakado pati moodswings. Pagkahirap namang maging pamilya itong dalawang `to. Haha!
“Chika tayo next time, Jules. Saka ano kasi itong mag-ina ko parang itatakwil na ako! hahaha!”
“Gaga! Kaka-fangirl mo sa Clique `yan! Sige na. See you!”
Nagbeso pa kami bago siya tuluyang umalis.
“Ate Jane, are you friends with Ma`am Jules?” tanong ni Ma`am Reign. “She has a girlfriend, right?”
“Ah eh. Ewan ko.”
Aba! Kahit alam ko alangan i-confirm ko sa kanya.
“She has. Dumadalaw dito minsan. She brings her flowers and stuffs.”
“Hindi ko alam e. Maganda ba?”
She nods. “And a jealous one. Inaway niya isang teacher dahil close sila ni Ma`am Jules.”
“Toxic naman n`on.” Komento ko. “Dapat chill lang.”
“It’s her love language siguro. You don’t need to judge her.” Pagtatanggol ni Ma`am Regina.
“Ah ewan. Basta toxic. Pangit kabonding `yong masyadong selosa. Pretty naman talaga si Jules kahit noon pa. E hindi naman niya kasalanan kung marami siyag close friends. O kung may magkagusto sa kanya.”
“So, you also like her, Ate Jane?”
Si Ma`am Reign ang nagtanong pero parang pareho pa silang nakaabang sa isasagot ko.
“Hindi.” Sagot ko agad. “Iba ang gusto ko noon. Pogi.”
---
Nag-excuse si Ma`am Reign para puntahan ang mga classmates niya. Volleyball naman ang nilalaro ng mga pamili. Panay naman mga bano. Hoooh! Patalo niyo na para uwian na! haha!
Panay ang tingin ni Ma`am Regina sa relo niya.
“May iba kayong schedule ngayon, Ma`am?”
“Wala. I just find this thing boring. Gusto ko na lang magtrabaho sa opisina ko.”
“Family time. Ang work may sariling time `yan. Wala bang nagre-remind sa inyo na magpahinga naman kahit konti?”
Umiling siya pero ang tingin ay sa mga naglalaro. “It was her. Noon.”
“Ah okay. Malaking impact `yong Blair sa inyo `no? Okay lang `yan, Ma`am Regina. Ang importane naman buhay ka pa. Saka ako na lang muna magre-remind. Ayon sa kontratang aking nilagdaan! Malilito na yata ako kung ano ang gagampanan ko. Bodyguard ba o gelpren. Haha! ”
Naghiyawan ang mga manonood. Pogi daddy kasi `yong magse-serve. Pagpito ng referee initsa niya ang bola pataas. s**t! Mali ang pectus niya. Sa amin ang direksyon ng bola. Agad akong tumayo paharap kay Ma`am Regina.
Pucha! Muntik pa akong matumba sa kanya. Angsakit ng tama ng bola sa likod ko! Tanginuh! Nabali yata ang spinal cord ko! Napaupo na ako. Hawak-hawak ko ang parte na natamaan ng bola. Kaysakit naman!
“God! Custodio, are you okay?” Hawak-hawak niya ako sa balikat. Aligaga rin siyang napahawak sa likuran ko.
“O-okay pa naman. Okay lang kayo, Ma`am?”
“You crazy?! Ikaw ang natamaan e. Dadalhin kita sa hospital.”
“Si Ma`am parang jowang tunay. Hahaha! OA ng reaction. Okay na `to maya-maya. Stretching lang.”
---
Sa Mansion din matutulog si Brian. Maaga daw ang kanilang alis bukas. Nagkukwentuhan na lang kami sa poolside. Katatapos lang ng aming plank routine. Tamang pamaskels!
Nagmu-music pa kami habang nagsa-shot ng malaming na tubig. Angtagal dumalaw ng antok ko e. Nag-stretching ulit ako. `Yong natamaan ng bola pakiramdam ko bumakat e.
“Masakit pa ba, Nano?”
“Konti. Anglakas kamo ng impact ng bola kanina. Kapag `yong tumama kay Ma`am Regina, baka bale ang ilong niya.”
“Nga pala, may napapansin ako sa inyo ha. Iba `yong closeness. Napapansin din ng ibang kasama natin.”
“Ah `yon ba? Yaan mo sila. Gusto daw ako ni Ma`am Regina e. May magagawa pa ba ako? Ayoko namang mag-resign dahil lang doon.”
“Alam na ba ni Lola?”
Tumango ako. Kunwari seryoso at totoo ang napipintong relasyon para convincing. Haha!
“Mahirap `yan, Jane.”
Gagi! Tinawag na ako sa pangalan ko. Seryoso na `tong si Pigsa. Haha! Kung pwedeng lang sabihin na prank lang e ginawa ko na. Pero acting pa rin tayo.
“Alam ko. Yaan mo muna ako. Hindi ka ba masaya para sa akin?”
“Gagu! Siyempre masaya! Ang sa akin lang naman e mahirap na sitwasyon `yan. Pakatatag ka lang kung may mga isyu. Kung napapasaya ka ni Ma`am Regina, sino ba naman ako para kumontra `di ba?”
Napakahirap magpigil ng tawa! Ngayon lang siya nagseryoso e. Peyk news pa. Haha! Pangatawanan ko na lang `to. Mas takot ako kay Ma`am Regina kaysa dito kay Brian e.
“Nadalaw ko na pala sina Auntie at Uncle sa sementeryo n`ong nakaraan. Sinumbong din kita na nilalandi mo ang boss mo. hahaha!”
Pinalo ko nga siya nang malakas. “Tanginuh nito. Inunahan mo pa ako magsabi sa magulang ko ah! Tsismosomo, Pigsa!”
“Joke lang. Angbilis ng panahon `no? Siguro kung buhay pa sila sobrang saya nila kasi may trabaho ka na. Naalala ko `yong mga tindang kakanin ni Auntie tapos ikaw tagabitbit.”
“Tapos sasama ka para makalibre ka ng meryenda! Uhugin ka pa noon, Pigsa. Haha!”
“Gagi. Nai-imagine ko na ihahatid kita sa altar. `Di ba nga sabi ng Lola kung ikakasal ka e ako ang maghahatid sa`yo. Ginawa pa akong tatay e. Haha!”
“Tapos sabi ni Marco paano kung tayo pala `yong ikakasal. Parang tanga talaga `yon.”
“Kaya nga.” Kinuha niya ang phone niya. “Selfie tayo, Nano. Update natin si Marco. Sana buhay pa siya.”
Nag-peace sign ako. Ngiting-ngiti kunwari ay hindi pagod. “Post mo ah. Tag mo ako ha? Maganda ako diyan.”
“Lagi ka namang maganda…”
“Pucha, Pigsa! Mamamatay ka na ba? Puro ka papuri! Haha! Iligo mon a lang `yan bukas.”
Pinusuan ko agad ang picture namin. Siyempre hindi tayo patatalo! Nilagay ko sa comment section `yong picture namin noong bata pa kami. Bungi pa kami pareho dito.
“Hanggang sa dulo ng walang hanggang pagkakaibigan! Shot puno!”