Chapter 21: "Spy"

1765 Words
REGINA’S POV A week after the street foods incident, viral pa rin si Custodio. She’s been mentioned almost in every livestream of our creators. Netizens were quick to find out that she works for me. The creators were also requesting if they could have her kahit minsan lang sa stream nila. “Frenny, this means more money.” Pinakita sa akin ni Cindy ang number of mentions ni Custodio. “I’m sure babagsakan to ng maraming diamonds. Angganda niya, Frenny! Why don’t you try it?” “Ask her kung gusto niya.” Tutok ako sa laptop. Binabasa ko itong proposal ng isang possible business partnership. Iniinvite ang mga content creators namin to make several videos about tourists spots somewhere in Visayas. “At kung gusto niya, game ka agad? Papayagan mo?” “Not my property para hindi payagan.” “Gaga! Nag-iisip ka ba, Frenny? Soon to be jowa mo `yong tao. Well, kahit sa papel lang `no. Would you like na maraming kaagaw? May comment pa na jojowain, luluhuran pa nga daw si Jane.” I look at her with disbelief. “Sabi mo nga sa papel lang. I should not think beyond that. Buhay niya `yan. Bahala siya.” “Mabait si Jane. Deserve naman niyang tratuhin na kaibigan. Plano mong jowain tapos level 99 ang kasungitan mo.” Sinara ko ang laptop. “Cinds, huwag mo akong lecture-ran. Okay? I know what I am doing. Busy ako sa paggawa ng pera para may pambayad ako sa kanya.” Tinawanan lang niya ako. “Haha! Ginusto mo `yan! Pwede naman kasing ligawan nang tunay. Tapos i-break mo na lang. You’re good with that, `di ba?” “I’d rather involve money so there’s no guilt feeling.” “Oh my God! Did I hear you right Miss Regina Vanguardia? Guilt feeling? After mo magpaasa ng ilang sexy women? Haha!” “Character development.” Iniwan ko muna siya para puntahan si Custodio sa station nila. Once in a while, it needs to be known within the office that I treat differently. Agad siyang tumayo nang lumabas ako. “Ah si Asher po lumabas muna. Bibili daw ng lunch namin.” I like this height difference. “Sabay ka na sa akin sa lunch.” “Pero si Asher po, Ma`am.” “Sino ba ang nagpapasweldo sa`yo, Custodio?” She scratches her forehead. “Ma`am naman. Pinagtitinginan na po tayo.” That’s the point Custodio! I need to make a fuzz. “Alright, but make sure you’ll have dinner with me. Okay?” Sinigurado kong malinaw at maririnig ng karamihan ang sinabi ko. Tuliro na naman siya. Well, I’m loving this scene. “Custodio? I’m waiting.” She nervously nods. “Sige po.” “Papasukin niyo ako! Regina!” A scandalous Alex storms his way in. Wala na naman nagawa ang mga security guards. Baka tinakot na naman niya. His face is disgusted upon seeing me. He must have received the letter. Money makes him furious, alright. “What now? Angdami mong oras para puntahan pa ako dito.” “Ano `to? Bakit mo ako sinisingil ng ganitong kalaking halaga?!” “You should know, Alex. Interest pa lang `yan ng mga inutang mo sa akin.” “Wow! Just wow, Regina. We’re in a relationshio that time.” “Bobo talaga.” Oh God, Custodio! You and your big mouth! “Umalis na po kayo, Mr. Monticillo. Nakakaistorbo na po kayo sa trabaho dito.” “Putangina mo! Hindi ikaw ang kausap ko!” Dinuro at binulyawan niya si Custodio. He even pushes her shoulder, but she didn’t move a bit. “Bodyguard ka lang.” Some of my employees came closer. Inilalayo nila si Alex pero hinahawi niya lang sila. I love to see him this desperate. Deserve niya dahil sa panggugulo niya noong nakaraan. “E potangina mo rin! Alangan panoorin at palakpakan ko kayo. Bodyguard nga e! Bobo ka ba?! O napunta sa pagitan ng hita mo ang kukuti mo?!” Damn this Alex! Susuntukin talaga niya si Custodio? Napigilan lang siya ng ilang empleyado e. “Gagu ka! May araw ka din!” Pagbabanta pa niya. Pinagtulungan siyang ilayo. May dumating pang isang security guard. Kinaladkad nila palabas si Alex. “Okay lang po kayo, Ma`am?” Sabay-sabay ang pag-chant pa ng mga empleyado ng pangalan ng “Custodio Pa Rin”. “Hoy! Ano ba kayo. Maliit na bagay!” Mayabang pang sagot nitong babaeng `to. Kung nanahimik na lang sana siya at hinayaan niyang ako ang makipag-usap doon kay Alex de hindi na sana humaba pa ang usapan. “Okay. Guys, balik na sa trabaho.” Saway ko sa mga ito. “And you, come to my office.” Naghiyawan pa sila nang may tonong pang-aasar. “Mukhang may matatalo sa pustahan! Hahaha!” --- “Kalma na ako, Ma`am. Babalik na ako sa labas.” I just glared at her. She should know what I mean. “Ma`am, kung ganito rin lang. E red flag kang manliligaw.” I confusedly look at her. Palasagot na nga may balak pa yatang pangaralan ako. “Ma`am Cindy, anong mararamdaman mo kapag `yong manliligaw mo panay sabi sa`yo na ganito ka dapat, dapat ganyan lang gawin mo, dito ka lang.” “Maiinis. Masasakal. Mabubueset.” “Eksakto! Ito Ma`am Regina ha? In the future lang e kung may liligawan kang tunay, huwag ganito. Jusko! Immature lang na tao ang matutuwa sa kakamando mo. Possesive yern?” God! The laughter of Cindy filled my office. “Jane! Grabe ka mang-realtalk! Frenny, tama si Jane e. bawas-bawasan mo ang pagiging bossy mo. Hindi nakakatuwa.” “Si Ma`am Regina kasi sanay na sanay na boss. Gusto ko rin `yong nakakakilig naman kahit peyk news lang! Hahaha!” Really now? You’re asking for it, Custodio. Sumandal ako sa swivel chair. “Mamaya ka na pumunta sa station mo. Dahil gusto kong nakikita kita habang nagtatrabaho ako. Is it okay?” “Hindi po okay. Kasi naka-duty ako, Ma`am. Labas na po muna ako. See you sa dinner na lang po.” Whattaheck, Custodio?! Lumabas ba naman ng opisina ko? Heto si Cindy pinagtawanan na naman ako! “Frenny! Wala na yata epekto ang charisma mo. Ganoon-ganoon lang? No kaagad. Haha!” “She’s getting into my nerves.” “I’d say, things are getting interesting. What if regaluhan mo siya? Teka nga, nagpaalam ka na ba sa lola niya?” Umiling ako. “I’m too busy with work. Maybe this week.” “Death anniversary ng parents niya.” She showed me the screen of her phone. “hindi ka nagba-browse ng socmed ni Jane?” Umiling ulit ako. “As I’ve said. Marami akong ginagawa, Cinds.” “Excuses, Frenny. Sa bagay, ganoon naman talaga if you’re not really into that certain person. Pero paano, Frenny, kung pumutok na ang balita na girlfriend mo na siya. Tapos walang alam ang lola niya. What if kay Jane naman magalit. You dragged her in this mess. Kailangan siguro kahit papaano, maging considerate ka sa sitwasyon niya.” “Fine! You b***h! Anggaling mong mangonsensya!” Nagtaas-baba pa siya ng kilay. Damn her! The thing is, kahit hindi naman totoo itong magiging relasyon namin ni Custodio, I still have that trauma because of Blair’s parents. Damn! I hate them big time! --- Dinner got postpone because of Reign. She cooked daw for us kaya maaga kaming umuwi. “Ma`am Regina, may lakad pa po kayo mamaya? Pwede bang maaga na din akong umuwi?” asked Custodio. “May importante lang na ganap po sa bahay.” “Okay.” “Tenkeow! Tawagan ko lang si Brian para hintayin niya ako.” “Are you going to be like that kahit may kanya-kanya na kayong asawa?” Out of nowhere kung tanong. “It’s unlikely for you guys to be that close. You know?” “Naku, Ma`am. Walang malisya. Para kaming magkapatid ni Brian. Namo-motivate nga namin ang isa’t-isa. Plan nga namin magpursige para sabay din kami makapasok sa PNP.” Planning everything with Brian. Seems like a boyfriend thing for me. “Jane, huwag ganoon. Paano na lang kung pareho na kayong magkaroon ng kanya-kanyang lovelife ni Brian. Tapos nagselos sila. Huwag mong idepende ang buhay mo sa kanya.” Pangangaral ni Asher. Exactly my point! “E nauna naman kaming naging magkaibigan. Dapat respetuhin `yon ng mga karelasyon namin.” “Gagi! Naku, Jane! Hindi ka pa nagkaka-boyfriend `no? Mage-gets mo rin ang ibig kong sabihin kapag nakaramdam ka na ng selos.” “E kaso hindi ako selosa. Haha!” “Hindi ka sure diyan. Kapag inlove ka na, kahit mukhang paa pagseselosan mo hoy. Sinasabi ko sa`yo.” “Okay po, Master! Sige na. Based on your experience siguro `yan! Haha!” --- Kakarating lang din ni Kuya Rudolf. May hindi inaasahang bisita. Hindi man lang nagsabi na dadalhin niya `yong girl niya sa Japan! Her being here is bad news. “Kuya, hindi ka nagsabi na may bisita pala.” “Hi, Regina. Nice to see you again.” I just smile. It’s a fake one by the way. “Same.” Pumasok na sila sa bahay. Excited si Kuya na ipakilala `yong girl niya sa family. Hay! Hindi maganda ang kutob ko sa presensya niya. “May problema po ba, Ma`am Regina?” asked Custodio. “Nag-aabot na naman ang kilay niyo, Ma`am. Kalma lang. Gabi na e.” “Friend siya ni Blair. That girl.” “Kailangan niyo ba ako dito, Ma`am? Pwede namang late na lang akong uuwi. Tawagan ko na lang si Lola.” “No. It’s okay. I can handle her.” “Ma`am, friend ba siya n`ong Blair o ex mo? Bakit nakatingin dito?” Lilingon na sana ako pero pinigil niya ako. “Papalapit pa nga.” “I forgot my phone.” Sabi nito sabay unlock sa kotse ni Kuya. “I’ll call you later. Ingat sa pag-uwi,” sabi ko dito kay Custodio. I’m sure this woman heard it loud and clear. “Sige po. Sure kayo ha? Hindi niyo ako kailangan?” Tumango ako. “Sige na. Baka naghihintay na ang lola mo.” “At si Fifi. Uuwi na po.” To my surprised she hugged me! She taps my back. “Spy `to. Katanga naman maghanap ng selpon. Slowmotion.” She whispered before letting me go. “Gora na ako. See you tomorrow po.” She's really quick to change character huh. But, I didn’t know hugs can be comforting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD