JANE’S POV
Alam ko naman maraming galit sa akin si Ma`am Regina. Pero `yong pauwiin na niya si Asher tapos ako magdu-duty pa? Hindi katanggap-tanggap ha. Hintayin pa daw namin si Ma`am Cindy. Diyos ko po!
“Nano, hindi ka uuwi ngayon?” Bihis na si Brian. Sinusuklay na lang niya ang buhok niya. Kulang na lang palawayan niya sa baka. Uuwi na nga at lahat dapat pogi pa din. “Hindi na ako magdi-dinner dito.”
“OT e. May lakad pa yata sina Ma`am Regina at Ma`am Cindy. s**t. Naalala ko kahihiyan ko. Kulang pa sa laway `yan buhok mo, Pigsa. Try mo `yong may konting plema. Haha!”
“Gagu. Huwag kang makikijoin kung inuman `yon. Nakakahiya ka. Pinapaalala ko lang.”
“Baliw. Alangan uulit pa ako. Ginawa ko na ngang santo si Ma`am Regina.”
Pumalatak siya ng tawa. “Haha! Tangina nga! Itsura mo n`on. Haha! Buti hindi ka pa tinanggal e. May ipapabili ka ba para kay Lola? Idadaan ko na lang.”
“Bilhan mo nga ng goto. Saka balut. Isa lang. baka tumaas ang bp niya.”
Huhugot na ako ng pera e pinigilan niya ako.
“Libre ko na, Nano. Tawagan mo na lang si Lola baka maghintay e.”
“Sige sige.” Saglit kaming nagyakap saka ko siya tinapik sa balikat. “Ingat ka. Si Fifi din ha? Bilhan mo ng atay. Kawawa naman `yon.”
Hinintay ko pang makaalis siya. Swerte ko lang talaga dahil may mga tulad ng pamilya ni Pigsa. Ang turing na nila kay Lola ay parang kadugo na rin. Tapos wala pang malisya. Walang nambubuyo sa amin na jowain ang isa’t-isa. Wala din naman talagang spark! Haha!
Okay! Ready for duty na!
“s**t naman!”
Paglingin ko ba naman ay si Ma`am Regina. Nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
“Tapos na kayo maglambingan? Papunta na daw si Cindy dito. Hintayin mo siya then dalhin mo sa library ko.”
“Okay po, Ma`am. Saka Ma`am. Hindi po kami naglalambingan. Gan`on lang po talaga kami.”
“K.”
Lakas maka-chat ah. K. Makahanap na nga ma-boyfriend na pwede kong replyan ng “K” pag nainis ako. Haha! Tapos susuyuin niya ako. Bibilhan niya ako ng berger at pemprays! Kaka-fliptoker ko `to e.
---
Tanginuh! Nilatagan ako ni Ma`am Regina ng kontrata. Witness naman daw si Ma`am Cindy. May mga rules pa! English naman lahat. Dapat may tagalized para mas madaling unawain e.
“Do you need to know why kailangan kang magpanggap ng girlfriend ko? Does my preference bother you?”
Umiling ako. “Lahat tayo anak ng Diyos, Ma`am. Pero tanong ko lang po, bakit kayo galit kay Ma`am Blair?”
“Iniwan niya ako sa ere dahil naduwag daw siya. Lame excuse.”
“E sa naduwag nga e. Anong magagawa natin Ma`am? Ganda pa man din niya.”
“Gusto mo bang lumipat ng employer, Custodio?”
Galit na naman! Kaya siguro siya iniwan kasi lagi siyang galit.
“Game na, Ma`am. Pa-explain na po. Pipirma naman ako kasi kailangan ko ng pera. Pero explain niyo po muna.”
“Alright, as per Cindy, baka uuwi ng Pilipinas si Blair next month. And she wanted to win me back. Kasama sa plans niya.”
“Haba ng hair. Nag-rejoice ka ba, Girl.” Hindi ko pa napigilang kumanta. “Ayt. Sorry po.”
“Haha! Jane, wala nang matinong usapan sa`yo! Haha!” nag-echo ang tawa ni Ma`am Cindy. “Ako na nga magpapaliwanag, Frenny. Hindi maniniwala si Blair kung boyfriend ang ipapakilala ni Frenny. Kasi mataas ang tingin n`on sa sarili niya. Siya kasi ang dahilan kung bakit attracted sa girls si `tong si Frenny.”
“Feeling naman n`on! Naku, Ma`am. Huwag kayong marupok ah. Haha! Baka biglang tanggal angas niyo naman pag nakita niyo siya. Sayang ibabayad niyo sa akin. Haha!”
“You’ll need a makeover.” Sabi ni Ma`am Regina. “Dapat mas maganda ka sa kanya. Mas elegant. Mas sa lahat ng bagay.”
“Tagilid tayo diyan. Ma`am.” Nilapag ko ang kontrata. “Dapat jinowa niyo ako kasi ganito ako. Paano ko ba ipapaliwanag `to.” Sandali akong nag-isip. “Dapat ang jojowain mo, Ma`am, walang pagkakatulad kay Blair. Isipin pa n`on siya ang standards mo.”
Mukha namang nakikinig siya e.
“Halatang-halata kasi Ma`am kung imi-make over ako. Hayaan mo na lang na magtaka siya na simple ang jowa mo. Saka paano ko magagampanan ang pagiging bodyguard ko naman, Ma`am, kung angganda ko na. hindi na ako susuntok niyan! Haha!”
“Fine. Nabasa mo na ang rules? Do you agree with it?”
“Manliligaw ka talaga, Ma`am?”
“Yeah. We should be seen in public places too. And I’ll talk to your lola. They should believe that we’re in a relationship.”
“Walang BS naman siguro dito, Ma`am `no?”
“What BS?”
Anglakas ng tawa ni Ma`am Cindy. “Jane! Don’t telle me naisip mo ang bed scene! Alangan hanggang private place e susunod pa si Blair. Haha!”
“Aba! Mabuti na ang malinaw po. Saka buti naman wala. Hindi ako marunong e.”
“God, Custodio! You’re so impossible! I won’t do things like that sa`yo!” Bulyaw na ni Ma`am. “Anong tingin mo naman sa akin? Mukha ba akong magti-take advantage?!”
“Relax lang, Ma`am. Advance lang ako mag-isip. Kakanood ko nag kdrama `to e. tsk.” Iiling-iling kong tiningnan ang second page ng kontrata. “Sino-sino lang nakakaalam ng deal natin?”
Nagtaas ng kamay si Ma`am Cindy. “Tayong tatlo lang. Mas konti ang nakakaalam, mas safe. Blair is persistent, Jane. Maaapakan ang ego niya kaya siguradong hindi niya agad titigilan si Regina. And if malaman niyang nagpapanggap lang kayo, mas magpupumilit `yon.”
“So? Will you sign it?”
“Magkano po ang sweldo ko dito, Ma`am? Doon tayo sa praktikal siyempre.”
“Fifty thousand, Monthly. Bukod pa sa sweldo mo bilang bodyguard ko. Is that okay with—”
Okay na `yon. Pumirma na ako agad sa kontrata. Saan ka ba naman makakapulot ng pipti tawsan `no!
“Papanotaryohan pa `to, Ma`am Regina?” tanong ko ulit.
“Si Cindy na ang bahala diyan.”
“Naks. Iba talaga kapag maraming kenekshen!”
“Gaga. Opkors. Pwede ko nga kayong ipakasal agad e!” Natatawang hinablot ni Ma`am Cindy ang kontrata. “Celebrate tayo sa inyong bagong monkey business. Haha! Tara! My treat.”
---
Parang kaakibat na nitong trabaho ko ang maraming puyat. Dahil treat ni Ma`am Cindy, sa gusto niyang tambayan kami napadpad. Saan pa e de sa streetfoods! Badtrip na si Ma`am Regina kasi ayaw niya naman dito. Pinagbibigyan lang niya si Ma`am Cindy kasi brokenhearted nga.
Si Ma`am Regina naman parang pag-aari niya ang buong kalye! Parang siya ang CEO ng mga streetvendors. Hindi kinalmahan ang OOTD e. Parang naririnig ko ang pagtukutok ng kanyang high heels. Parang pang-horror movie na sound effects!
Nakaorder na si Ma`am Cindy. Pinakneran niya ng canned beer ang isaw, adidad at Betamax. Magmo-moment lang pala siya. Iba talaga kapag na-broken. At gaya ng inaasahan ko, hindi gusto ni Ma`am Regina ang mga orders!
Nilapag ko sa mesa ang aking bag.
“Ma`am Regina, don’t worry. May baon ako. Haha!”
May dala akong dalawang tubs ng vegetable salad at tuna pesto. Dinikwat ko sa ref nila. Nagpaalam naman ako doon sa nakapatong na decoration—`yong pusa na kumakaway. Pinunasan ko ang mga tinidor saka ko inabot ang isa kay Ma`am.
“Kain na, Ma`am Regina. Thoughtful ko `no? Girlfriend material ang peg ko na nito. Haha!”
“Jane, saka na muna ang aktingan. Okay? Bigyan mo naman ako ng time para malungkot. Hindi `yong iinggitin mo ako.” Reklamo ni Ma`am Cindy. “Ako ang manglilibre. Bawal akong mag-moment.”
Parang sirang plaka na si Ma`am Cindy sa kakakwento. Tamang kain at inom ng tubig lang ako. Si Ma`am naman walang choice kundi makinig sa kaibigan niya. Tamang behavior `yan, Ma`am. Kinikilig na ako pag naiisip ko `yong pipti tawsan, sa true lang! Haha!
Napansin ko ang mga boys sa hindi kalayuan na nakatingin sa amin. Tapos titingin sa selpon nila. Anong trip ng mga `to? May pag-iling-iling pa. mukhang mga manyak!
De pasimple ko ring kinuha ang selpon ko saka ako nag-selpi na sila ang background. Sinend ko iyong sa headquarters kahit diyes oras na ng gabi.
“Ano ba `yan, Jane. Isama mo kami sa pic. Game na. Huwag muna kayong magtatabi kasi hindi pa kayo close kunwari. Ako muna tabi kay Regina.”
Nakailang pictures din kami. Sinend ko kay Ma`am Cindy `yong mga magagandang shots.
“Excuse me, Girls.”
Pare-pareho kaming nag-angat ng tingin. Isa `to sa mga lalaki kanina!
“Wala na kasing bakanteng mesa. Pwede ba maki-join sa inyo?”
Style niya bulok! Jusko! Ganyan-ganyan si Brian kapag may type sa kainan e. Buti pa `yon medyo pogi.
Ini-snub siya nina Ma`am Regina. Nagkwentuhan pa nga silang dalawa e. Ako naman ay pinapakiramdaman ko itong si lalaki. Sumubo pa nga ako ng pasta.
“Nice. Mas gumaganda talaga ang babae pag masungit. Bro, tara!”
Aba! Ang gago! Nagtawag pa! Nakakapang-init ng ulo!
Tumayo na sina Ma`am Regina. “Magkape na lang tayo. Mabaho na dito.”
Bastos `tong lalaking `to ha! Balak pang hawakan si Ma`am! Buti nakaiwas si Ma`am Regina. Mabilis akong tumuntong sa mesa saka sinipa sa mukha itong lalaking `to. Bagsak siya e. `Yong mga kasama pa niya hindi magkandamayaw sa pagtulong sa kanyang tumayo.
“Subukan mong gago ka. Angbastos mo ah!”
Mukhang balak pang gumanti e. Akala naman niya uurungan ko siya. I-flying kick ko pa siya ulit sa balls niya.
`Yong tindero na mismo ang nagpalayo doon sa mga lalaki. “Halla! Doon kayo manggulo! Malas kayo sa negosyo!”
May palakpakan pa ang ibang costumers. Opkors dapat! Tamang behavior! Walang lugar sa mundo ang bastos na tao.
“Custodio! Bumaba ka diyan! Baka mahulog ka!” Rinig kong sigaw ni Ma`am Regina.
Pagtingin ko sa mesa ay nauga ito. Pucha! Nanginig bigla ang tuhod ko!
“Ma`am Regina. Tulong.” Naiiyak ko tuloy na pakiusap. Para kasing isang maling kilos ko lang matutumba na `tong mesa.