Chapter 1- Moonshine Security

1367 Words
JANE’s POV “Hinay-hinay lang sa pagtatrabaho, Jane. Parang may sampung pamilya kang binubuhay ah.” Si Manong Edmund talaga. Hindi na natigil sa pang-aasar sa akin. “Kailangan mag-ipon, Manong Ed. Malapit na ang birthday ni Lola. Aba! Dapat magarbo ang selebrasyon.” “Halla sige at `yong darating na kotse e ikaw na rin ang tumingin. Suki natin `yon.” “Areglado, Manong! Hati tayo sa tip. Haha!” Teenager pa lang ako, tumatambay na ako dito sa talyer nina Manong Edmund. Nakikinood-nood lang ako dati hanggang tinuruan na niya ako ng mga basic. Dati, nagpapalit-palit lang ako ng mga gulong e. Ngayon nagtu-tune na ako ng mga kotse. Amazing! Haha. “Hoy, Nano! Hahaha!” Bueset `tong si Brian talaga kahit kailan! Ihagis ba naman sa akin ang tuwalya niyang napakaasim na sa pawis! Anak siya ni Manong Edmund. Pareho kaming criminology graudate pero sa kasamaang palad ay hindi pa nakakapasok sa PNP. Sadyang, hindi yata naayon sa amin ang magandang kapalaran. “Gago ka ba? Problema mo?” “Meryenda tayo. Patapos ka naman na diyan `di ba?” “Wala akong pera.” Masungit kong sagot saka ko muling binalikan itong nililinis kong motor. “Kita mo nang nagtatrabaho ang tao e.” “Libre ko nga. Malaki tip sa akin noong customer kanina e.” “Teka.” “Sus! Haha! Nakarinig lang ng libre.” E sayang din `yon! Makakatipid ako sa araw na ito. Binalik ko na ang mga piyesa ng motor. Umaalburuto na ang tiyan ko. Bastos din talaga ang mga alaga ko. Nakakainis! “Bossing Gors, okay na. Good as new na `yan.” “Thank you.” Inistart na niya ang makina. Ilang beses ding nirebolusyon. Tinetesting siguro niya kung swabe ang tunog ng makina. “Bilib na talaga ako sa`yo. Napaka-smooth ng tunog ng makita.” “Aba naman, Bossing! Alangang ipahiya ko si Manong Ed.” Pagyayabang ko siyempre. “Irekomenda niyo po sa mga kumpare niyo itong talyer ha? Para more blessings! Haha!” “Palagi naman. Oh ito tip. Thank you ulit, Neng.” Tumataginting na dalawang daang piso ang tip ni Bossing Goryo. Regular customer siya dito. Siya may-ari rin ng isang babuyan sa kalapit na barangay. Baka nakabenta `yong nga malaki kya bigtime din ang tip. Sana more benta to come! Haha! Nagpunas na ako ng kamay. Nasiksik na sa kuko ko ang mga grasa. Hay naku! Bale at dito ako kumikita kaya tiis-tiis na lang. Hindi na pala ako nahintay ni Brian. Bumili na siya ng dalawang litrong softdrinks at ilang supot ng tinapay. Siguro malaki ang kinita niya ngayon. “Naks! Bigtime ah. May sugarmommy ka `no? hahaha!” Grabe siya kung mandiri. Nag-abot agad ang kilay niya e. Iniiwas pa ang pagkain sa akin. “Hoy! Pahingi! Hindi na mabiro e. Sensitive mo naman parang pigsa. Haha!” Sinitsitan na kami ni Manong Ed kaya tumigil na kami sa pambubueset sa isa’t-isa. Hinablot ko nga ang isang tinapay. Spanish bread yata `to pero hindi na gan`ong kasarap. “Nano, ubusin mo `yan. Baka tirhan mo pa si Lola Rosita. Ito sa kanya.” Itinabi niya ang isang tinapay. “Bawal siya sa softdrinks `no? Magtubig na lang siya. Criminal water! Haha” Nilagay ko na sa sling bag ko ang tinapay. Mamaya bibili ako ng ilang sachet ng gatas para naman may panulak si Lola dearest. Habang wala pang customer ay sinamantala ko na ang pagkakataon para maghanap ng ibang pwedeng raket sa Famebook. `Yong sa mga malalapit na lugar lang. “Bri, apply kaya tayo dito sa agency.” Tiningnan din niya ang page. “Security guard? Pwede rin. Ano bang requirements nila? Baka hindi ka pumasa sa height! Haha!” Kung may pwede lang siguro i-swap ang kaibigan, ginawa ko na noon pa. napaka-alaskador kasi niya. Akala mo perpektong nilalang! “Ikaw na ang perpek! Mabulunan ka sana!” Balika ko sa pag-i-scroll. Natuon ang pansin ko sa isang new article. Na-feature dito ang mga Vanguardia. Power ang pamilyang `yan. Angyayaman tapos anggaganda at angpopogi pa! Sana lahat mestisahin! Inggit na naman ang dry complexion ko. “Mas maganda ka diyan, Nano.” Hindi ko na nga pinansin si Bri. Nag-scroll na ako ulit. Panigurado naman may kasunod na pambu-bueset agad `yon e. “Alam mo ba? Malaki daw ang sweldo ng mga security guards sa mga bahay nila.” “Gaano kalaki?” baling ko sa kanya. “Five digits!” minuwestra pa niya sa kamay niya. “With full benefits! Kayswerte naman ng mga empleyado nila `no? Tsk. Sana halls!” Ne hindi pa nga ako nakakahawak ng five digits na money! `Yong isang sweldohan ha? Haha! Makakapagsweldo rin ako ng ganoon. Claiming it! --- Pauwi na ako. Tibay talaga ng mga tambay, anong oras pa lang e umiinom na. Lalo dito sa kalye namin, nakahilera na ang mga mesa at upuan. Akala mo e palaging pista. “Uy, Jane. Hindi ka hinatid ng boypren mo ngayon.” “Break na kami. Haha!” Ang tinutukoy nila ay si Brian. Minsan e hinahatid niya kasi ako. Bawat tawag sa kanya e nagsa-shot siya. Kaya malamang sa malamang e lasing na siya paglabas ng kanto. “Lola dearest! I’m home na! Yohooh!” dumungaw na sa bintana ang aking lola. Winagayway ko ang pasalubong ko sa kanya. “Salubong, lola!” Tahol pa nang tahol ang aming aso, si Fifi. Parang baliw na wasiwas nang wasiwas ng buntot e. “Na-miss moa ko, Fifi? Aba. Ilang oras lang `yon. Oh ito, papay.” Masaya na siya sa tinapay. Hayon ay nilalaro-laro pa. Tinatahulan pa nga niya. Baka kailangan ng niya ng kasama at kausap na kapwa niya aso dito. Haha! “Nag-Overtime ka na naman, Jane. Anong oras na oh.” “Maaga pa nga. Alas-sais pa lang e.” “Naku kang bata ka. Kung ganitong mga buwan e huwag `yong oras ang tingnan mo. Maaga ang gabi ngayon. Delikado sa daan.” Kapag ber months talaga mabilis lumubog ang araw. Hay! Ber months. Malapit na naman ang pasko. “La, mag-abroad na kaya ako? Para marami na tayong pera?” “Papatayin mo ba ako sa lungkot ha?” “Joke lang naman. E kung mag-asawa na kaya ako ng porinjir? Hahaha! Para matuto akong mag-english?” “Naku! Kung ano-ano ang pumapasok sa isip mong bata ka. Huwag ka ngang maliligo sa gabi nang hindi malamigan ang utak mo. Magbihis ka na doon nang makakain na tayo.” Tumungo na si Lola sa kusina. Naamoy ko na ang ulam! Ginisang ampalaya! Favorite ko `yon! Mukhang marami na naman akong makakain. Mamaya na ako magbibihis. Magba-browse muna ako sa famebook. Angbango talaga ng luto ni Lola! “`La, kapag ako kumita nang malaki-laki bibilhan kita ng full set kaserola. `yong kahit hindi dadaan sa apoy e maluluto na ang ulam! Haha” “Puro ka kalokohan. Nga pala. May dumating na sulat para sa`yo. Nilagay ko na sa kwarto mo. Baka malimutan ko e.” Pumunta ako sa kwarto para tingnan kung kanino galing ang sulat. Galing sa Moonshine Security ang sulat. Nanlaki at bumili ang t***k ng puso ko nang mabasa ko ang kabuuan ng mensahe! Takbo ako agad sa kusina. Gulat pa si Lola nang magtatatalon ako sa tuwa. “Lola! Sulat `to galing sa Moonshine Security po! Iniimbitahan akong mag-training sa kanila! Lola! Moonshine! Malaking agency `yon!” Sunod-sunod ang tahol ni Fifi. Kasabay ng pagbukas at pagsara ng gate. Narinig ko ang boses ni Brian. “Jane! Nandito ka ba?!” Nagtanong pa e dere-deretso na nga siya. Parang pugto pa ang mga mata niya. Tapos anglapad ng ngiti niya. Napansin ko ang hawak niyang papel. Ganoon din siguro siya dahil natigilan siya. “Nakatanggap ka din galing sa Moonshine?” Mangiyak-ngiyak akong tumango. Walang anu-ano ay hinawakan niya ang mga kamay namin ni lola saka nagtatalon paikotk. Idinamay pa nga niya si Lola na clueless sa mga nangyayari pero nakikiikot at talon na rin. “Yes! Yes! Yes! Ito na talaga! Makikita na natin ang konting liwanag ng tagumpay! Hooohhh!” Gagalingan ko sa training para mairekomenda ako sa magandang kliyente! Five digit sweldo, parating na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD