Prologue

202 Words
Jane Custodio—namatay sa isang malagim na aksidente ang kanyang mga magulang. Mula pagkabata ay lola na niya ang nag-aruga sa kanya. Hindi niya kailanman naramdaman na nag-iisa na siya sa buhay. Nangako siyang susuklian niya ang lahat ng pagmamahal at pag-aarugang ginugol ng matanda sa kanya. Mahal na mahal ni Jane ang kanyang lola. Kahit anong trabaho ay gagawin niya maitawid lamang ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kahit panlalaking trabaho ay hindi niya palalampasin. Dumating ang isang malaking oportunidad sa kanya. Nakatanggap siya ng imbitasyon para magsanay upang maging bodyguard ng isa sa mga promeninteng pamilya sa bansa, ang mga Vanguardia. Isa siya sa mga naatasang maging personal bodyguard ni Regina—ang bunso at ang itinuturing na henyo pagdating sa negosyo, ang pinakamasungit at pinakapihikan sa magkakapatid. Gagawin rin niya ang lahat makuha lamang ang kahit anong makapukaw ng interest niya— kabilang diyan ang gawing miserable ang trabaho ng kanyang mga bodyguards. Paano mapagtatagumpayan ni Jane na protektahan si Regina kung siya mismo ang hadlang upang magawa nila nang maayos ang kanilang trabaho? Higit sa lahat, paano niya poprotektahan ang kanyang sarili kung habang mas nakikilala niya ang kanyang boss ay nahuhulog na ang kanyang loob sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD