Chapter 7: "Shut up!"

1370 Words
REGINA Abala pa man din ako sa pagmomonitor ng live stream ng mga content creators namin. Been comparing their views sa other competitors. Sabog ang audio sa streaming namin. I could clearly hear it. Naabala ang panonood ko nang bumukas ang pinto. Si Lexi. Putlang-putla siya. “Ma`am Regina…” “What now?” Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko. “May problema ba?” “`Yong mga bodyguards niyo po napa-engkwentro agad.” “Choice of words, Lexi.” Puna ko dito. “Ahy sorry po. Nagpipilit po kasi si Mr. Monticillo na makita kayo. Tapos hinarang ng mga bodyguards.” “As they should.” Masungit kong tugon. “E, Ma`am. Muntik nang suntukin ni Mr. Monticillo `yong isa. `Yong may bangs.” “Lexi, ano ang work nila?” “Protektahan kayo, Ma`am.” “Whatever happens to them ay part ng work nila. It’s none of my business. Do you get me?” She nods but still looks worried. “Kung gusto mo i-comfort mo `yong bodyguard.” Sinenyasan ko siyang lumabas na. Hay naku! Anong gusto niyang gawin ko? Ako pa ang magtatanggol sa dalawang `yon? God! Kung hindi lang talaga siya efficient sa work niya madalas ilalagay ko siya sa ibang department. One of the employees sent me a video of what happened kanina. Nakipagsigawan din pala `yong Jane. They know I will not be allowing posting this kind of videos online lalo at naganap sa opisina ko. I saved it for future use. Baka magamit ko ito para tigilan na ako ni Alex. He’s one stupid guy, afterall. --- Pupuntahan namin ang studio kung saan nagaganap ang livestream ng isang girlgroup. It’s in an app na kailangan silang bigyan ng viewers ng mga gifts. Mababa kasi ang kanilang mga views lately. People working behind the scenes were alarm when they saw me. “What had happened?” I asked the team leader. “Mabababa ang views and gifts na natatanggap nila this week.” Napansin ko rin ang arrangement ng mga girls. Magkalayo ng upuan iyong dati-rati ay hindi maghiwalay. There is something off with them. I’m sure with it. “Ay wala nang ship ko. Lubog.” Narinig kong sabi nitong si Jane. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. “Ay, Sorry po.” “What did just say? Anong ship?” “BlackHeart po. Huwag niyo po akong i-judge ha? Hindi ako tomboy. Cute lang kasi nila.” I confusedly look at Arnie. “Anong tinutukoy niya?” “Ano po kasi Ma`am. Siniship ng viewers sina Rogue at Ava. Blackheart ang tawag sa kanila ng mga supporters.” “If it’s gaining views, bakit sila magkalayo ngayon?” Usisa ko ulit. “Manager ba nila ang problema?” He nods. “Parents din ni Ava.” Nahilot ko ang ulo ko. This is just work for God’s sake! “Know what? I need to talk to them. Apektado ang company. They’re taking this too seriously. The girls are working. What’s wrong with fan service? Kausapin mo si Lexi. Ask her kung kailan ang available time ko. Tell them to change seat.” Pinuntahan na rin namin ang ibang content creators sa floor na `to. `Yong iba nagva-vlog ng foods. Some are doing DIY crafts. Isa lang ang pinagbabawal kong content—ang mukbang. Way too dangerous for the creators’ health. “Familiarize yourself sa mga studios, rooms and floors. You will run errands too.” Nili-lecture-ran ko sila habang pabalik kami sa opisina ko. “But they can’t order you around. Remember who your boss is. Understood?” Sabay pa silang sumagot. Why are they always in-synch? Minsan nakakairita na rin. Attentive and alert si Asher. Samantalang si Jane naman parang may hobby ng pagtulala lalo kapag may nakakasalubong kaming popular na content creator. Hindi na ako magtataka kung isang araw e magpa-autograph o makipag-selfie siya sa kanila. I think siya ang unang maggi-give up. I need to keep a busy schedule para mapagod na sila. --- Thirty minutes bago ang dinner. Hinihintay na ako ng dalawang bodyguard sa labas. Hindi na naman naisarang maigi ni Lexi ang pinto! Tsk. “Grabe. Nalulula ako kanina sa dami ng peymus creators.” That’s Jane for sure. “Ganda rin nila sa personal.” “Huwag ka ngang mabilis matulala. Magkakaroon ka ng negative feedback niyan.” Concern na sabi ni Asher. Sa kanilang dalawa mukhang si Asher ang mas marami nang experience sa pagiging bodyguard. “Mamaya, huwag kang papahalata na overwhelmed ka. Mas marami tayong makikitang sikat sa dinner.” “Oo nga. s**t naman. Marupok pa naman ako sa mga lodi ko. Lalo `Yong Blackheart. Huwag mo akong i-judge din. Hahaha!” “Baliw. Tunog defensive, Jane.” Sinara ko at muling binuksan ang pinto para malaman nilang palabas na ako. As usual si Asher ulit ang unang nakapansin. “Pupunta na tayo sa dinner. This will be a long night. Magiging short celebration na rin.” “Okay po, Ma`am.” Sagot ni Asher. Mukha namang worried itong si Jane. I never bother asking. Problema niya na `yan. Siya ang gumawa ng solusyon. --- Si Asher ang nagmamaneho. Pumikit na muna ako. Matagal-tagal pa itong byahe dahil sa traffic. God! Rush hours is hell of a problem! “Ma`am Regina…” That’s Jane. “What?” “Pwede po ba akong tumawag sa lola ko? Sandali lang po.” “Ok.” Humalukipkip ako saka tumingin sa labas. Parang gusto kong mag-out of town or something. Nararamdaman ko na ang bigat ng aking katawan. “Hello, La? Mali-late po ako ng uwi. Huwag niyo na akong hintayin.” Bingi ba ang kausap niya at pagkalakas ng boses niya? Niloudspeaker pa niya ang phone niya. “I-lock niyo na po ang gate, La. Si Fifi bigyan niyo ng tubig.” “Mag-iingat ka, Jane. Si Brian ba kasama mo?” “Ah hindi po. Sa iba po siya na-assign. Sige po, La. Baba ko na po.” “Ay siya nga pala. Galing ako sa jollyfoods kanina.” Masiglang sabi ng kanyang lola. “Bumili ako ng funmeal. Ilalagay ko na ba sa estante?” “Halla! Huwag muna, La. Titingnan ko pa kauwi ko. Thank you! Lab mo ko talaga. Baba ko na ha? Tulog ka na, La. Para maganda ka pa rin.” What’s with those toys? Mabilis na nga siyang matulala, mahilig pa siya sa mga bagay na pambata. Fit ba talaga `to sa pagiging bodyguard? “Angsaya mo ah.” Biro sa kanya ni Asher. “Para kang `yong anak ko `pag may bagong toys.” “Sentimental value lang ng mga funmeal.” Sagot nitong si Jane. “Pi-picture-ran ko `yong estante ko. Mayroon pa ako n`ong walkie-talkie e. Laruan namin ni Brian `yon noon. Nagpupulis-pulisan kami.” “Classic `yon!” sagot ni Asher. “May mga naghahanap ng ganoong toys. Mabebenta mo `yong mga classic items sa mataas na halaga.” “Ayoko nga. `Yong iba doon sobrang napamahal sa akin.” She’s too sentimental. It annoys me. I don’t want to be surrounded with people who’s too attached with something or too emotional. It pisses me off. That’s it! Baka sinadya ni Kuya Pao na idesignate siya sa akin dahil sa ganyang attitude niya. I immediately took out my phone. “Sinadya mo bang bigyan ako ng bodyguard na masyadong sentimental?! Alagain pa yata `to, Kuya!” He immediately seen my chat. Grabe! Emoji na tumatawa ang reply niya. Mas kumunot ang noo ko sa sumunod niyang message. “Why not? She’s the most qualified, Dear Sister. Mauunawaan niya ang pagiging emotionless mo.” Tatlong tumatawang emoji ulit. “Ipapadala ko ang copy mo ng kontrata natin. You’re surely gonna pay their salary.” Hindi ko na siya ni-reply. Anglakas naman ng tiwala niya sa dalawang `to. “Asher, sasabihin ko d`on sa creators, pa-wash out naman sa susunod na stream! Haha!” The heck? Anong pinagasasabi niya? “Anong wash out?! Can you just shut up? Nakakarindi na ang boses niyo!” Hindi ko na napigil mag-react. “Sasagot po ba ako sa tanong niyo Ma`am? O mag-shut up na ako?” God! Kailangan kong idispatsa agad itong Jane!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD