Chapter 8 - VIP

1294 Words
JANE’s POV “Excuse me?! Pinipilosopo mo ba ako?” Lagot na! Haha! Bueset na bibig din kasi `to minsan e. Hindi nag-iisip. Tsk! Pangatawanan ko na nga lang. “E naguguluhan po kasi ako e.” “God! Itikom mo `yang bibig mo!” E de itikom. Aba! Masunurin ako e. Nahagip ng tingin ko na natatawa si Asher saka nailing. Parang mapagsasabihan na naman ako mamaya. Buhay pa naman ako pagkarating namin sa Happy Grillmore. Pinagbuksan ko ng pinto si Ma`am. Wow! Irap ang tugon. Buti hindi ko naibulalas ang “Welcome” kundi lagot na naman ako. Strike three na sa unang araw pa lang ng duty. Ay exclusive yata itong restaurant for chudey’s bidyow. Mayroong nakapaskil na reserved for Vanguardia Entertainment sa harapan. Capital letters pa lahat. Pinagsisigawan ang dating. Very very vip naman talaga oh. De VIP na rin kami ni Asher kasi nasa likuran lang kami ni Ma`am. Nagpalakpakan ang mga naghihintay na bisita. Panay nakatutok kay Ma`am ang mga camera nila. Dapat pala nag-face powder man lang ako! Siyempre hagip na hagip kami! Tsk. Naisuklay ko ang mga daliri ko. Idadagdag ko sa akin mga necessities ang pampa-pretty. Expect the unexpected lagi. “Good evening everyone!” bati ni Ma`am Regina. “Sorry we’re late. It’s so ma-traffic talaga. Order niyo lang kung ano ang gusto niyo. You deserved this celebration.” Siyempre hiyawan sila. Karamihan sa kanila ay nafa-follow ko sa iba’t-ibang social media apps. Kilig na kilig ang pyuso ko! Busog na ang mga mata ko, didighay na ang mga ito mamaya. Haha! Hindi kami lumalayo kay Ma`am sa ayaw at sa gusto niya. Dapat din ay poker face lang. Pero hindi ko talaga maiwasan e! Lalo naman n`ong nagkatinginan kami n`ong medyo kras kong FameTuber, si Tonton Agaton. Alam ko medyo mabaho ang pangalan niya pero pogi naman siya. Nagbigay ng maikling mensahe si Ma`am. Parang angbait-bait niya oh. Naku! Hindi niyo nasasaksihan ang kasungitan niyan. Pero pare-pareho naman kaming umaasa sa sweldong galing sa kanila kaya makipalakpak na rin ako. May sarili kaming mesa ni Asher. Malapit-lapit sa kinauupuan ni Ma`am Regina. Panay lang ang tingin ko sa kanila. Siya ang priority namin hindi ang mga nakakatakam na pagkain. “Wow! We’re hitting hundreds thousand viewers!” rinig kong sabi ng isang creator. “Gagi. Naka-live pala ang event. Liliitan ko lang ang subo.” Sabi nito Asher. Binawasan nga niya ang laman ng kutsara niya. “Hirap naman `pag ganito ang kaharap ni Ma`am.” “Jusko! Pabebe pala dapat ang pagkain. Haha!” Biro ko pa. Parang may kaguluhan sa entrance. s**t naman! Wrong timing na naman `tong si Alex Monticillo. “Ash, tangina. `Yong Alex. Tara.” Huli na! Nakapasok na siya. Sumubo pa ako ng isang hipon bago tumungo sa kinauupuan ni Ma`am. I need energy para harapin second match with Alex Monticillo. “Stop the livestream.” Utos ni Ma`am Regina. Tumalima naman silang luhat. Wala kahit isa sa kanila ang kumukuha ng bidyo. Ang ilang pang vloggers ay pinakiusapan ang mga crew ng restaurant na huwag magbidyow. Grabe `yong authority ni Ma`am Regina. Matik tanggal angas oh. “May nakalimutan ka yatang imbitahan, Miss Regina.” Sarkastikong sabi ni Mr. Monticillo. “Have you forgotten na ako ang nagrekomenda sa karamihan sa kanila? Remember we pirated them?” “Anong pirated? Iniscam mo nga kami e!” sagot n`ong isa. “Humingi ka pa nga ng porsyento sa kinikita namin.” “Oh bawal na palang bigyan ng percentage ang manager?” panunuya nitong Alex. “Saan ba kayo pupulutin kung hindi ko kayo dinala sa Vanguardia?” “Mayabang.” Mahina kung nasambit. Hindi ko alam kung mahina kasi napatingin sa akin ang ilang vloggers. Tangina ng bibig ko talaga! Walang preno. Oh siya! Dapat brave ang bodyguard. “Umalis na po kayo.” Magalang kong sabi sa kanya. Bumaling ako sa guard. “Paki-assist si Mr. Monticillo.” “Hoy!” Dinuro-duro pa ako. “Wala kang karapatang paalisin ako. Customer ako dito.” Siya naman ang nauna e. De dinuro ko din! Haha! “Bobo ka ba? May nakikita ka bang ibang customer dito bukod sa mga content creators? Hindi mo nakita `yong reserved sa harap? Non-reader ka ba?!” Sige na! Sumuntok ka na, Gago. Para self-defense kung sakaling pinatikim kita ng one-two punch at kick sa bayag. Pumagitna si Tonton. Tanggal angas ko, Gagi. “Sir, umalis na kayo. Nakakahiya na sa ibang bisita. Grateful kami sa naitulong niyo pero mas pinahalagahan kami ni Ma`am Regina.” “Gago ka pala e!” Shit! Sinuntok ni Mr. Monticillo si Tonton! `Yong ibang vloggers hindi na maawat! Kinuyog nila ang gago. Deserved! Mabilis naming nilapitan si Ma`am Regina. Iginiya ko siya sa mas safe na lugar. Si Asher na ang tumawag ng police. Panay ang tawag ni Ma`am sa phone niya. Napapamura pa siya habang nakatuon ang pansin sa mga nagsusuntukan. “Ikulong niyo itong lalaking `to! I have evidences ng pag-stalk niya sa akin. Ginulo niya ang celebration ng mga employees ko! Huwag kayong tutulog-tulog! God!” “Pakicheck ang mga social media. Baka may nagla-live. Report mo agad.” Utos niya sa akin. Tumalima naman ako. Nag-log in ako. Tangina! Topak pa `tong selpon ko. Inalog-alog ko pa ampota. `Yan! Sinearch ko ang pangalan niya. Wala pa sa Fametube. Wala din sa Bookfame. Baka sa Fliptoker! s**t meron nga! Chineck ko sa angle ng pagkakavideo. “Asher, sa kanan. Sa Itaas!” Si Asher na ang nagtungo sa kinatatayuan ng isang lalaki. “Kaibigan ni Alex. They’re really looking for trouble! Damn it!” --- Grabe ang pers day ng duty ko! Napakahaba! Nasa hospital si Mr. Monticillo, dumaan pa kami sa police station para magpa-blotter si Ma`am Regina at iyong girlfriend ni Sir Tonton. Ganito pala maging bodyguard ng VIP—Very Iksusting Peeling. “Parang pagod na pagod ka, Apo. Mahirap ba ang trabaho?” “Opo. Pero okay lang. Nandito ang pera. Haha! Sarap nitong kape, La.” Tatlong oras lang yata ang tulog ko. Magdadala na ako ng extrang damit mamaya para ready kung sakaling abutin ulit ng diyes-oras ng gabi sa duty. “Aba, lahat naman ng luto ko e masarap sa panlasa mo.” “Maliban sa laing. Ayoko n`on. Haha!” “Nakita mo na `yong funmeal?” Tumango ako. “Angganda n`ong keychain, La. Ito na nga oh.” Nilagay kong pasabit ng susi ng motor. Chibi version ng mascot ng Jollyfoods. Haha! “Lagi ko itong dadalhin siyempre.” “Sayang naman. Hindi kayo magkasama ni Brian. Sana e matitignan-tignan ka niya.” “Abala sa trabaho naman `yong gan`on, La. Saka kaya ko ang sarili ko. Angdami kong nakitang famous!” Naikwento ko na nga `yong mga ganap kahapon hanggang sa suntukan. Walang labis, walang kulang! “Nasaktan ka ba? Kapag sinuntok ka, apo. Bumawi ka agad ha? kapag minura ka, murahin mo din. Huwag kang papatalo.” Lola Dearest ko `yan! “Opo naman! Custodio yata `to. Matatag! Hindi marupok! Maangas!” Ay pota. Anglakas ng ringtone ng selpon ko. Sino naman itong unregisted number na `to? Kinansel ko nga. “Hu u?” sent! Aba! Tumatawag na naman! De sinagot ko. Istorbo sa agahan e. “Sino ka ba?!” “Custodio, are you supposed to shout at your boss?” Shit! `Yong accent ng kasungitan at kamalditan ng pananalita! “Ma`am Regina?!” “Who else? Be early. Nilalagnat daw si Asher.” Binaba agad ang tawag! Nanlamig ang palad ko. Bueset kasi. Dapat tinext na lang niya kaysa tumawag e hindi naman naka-save ang number niya. “Okay ka lang ba?” “Tanggal angas ko, La. Ligo muna ako. Nagtext `yong bruhilita kong boss e.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD