JANE’S POV
Pinag-apura ako tapos tulog pa daw siya sabi ng kasambahay nila. Very good naman talaga! Napayoko ako. Naisuporta ko ang mga kamay ko sa tuhod ko. Hindi ko na na-plantsa `tong suit ko sa pag-aapura. Tsk! Mapawis-pawis na ang kililikili ko sa nerbyos habang nagmamaneho kanina ha. Wala rin palang saysay dahil issaprank lang ang lahat!
“Bumangon na siya kanina pero ewan ko. Bumalik sa kwarto e.” sabi ni Ate Leony. “Ganyan `yan si Ma`am. Hindi ikaw ang first time na na-prank.”
Saktong lumabas ng bahay si Sir Paolo. Napatuwid ako ng tayo. “Good morning po, Sir Paolo.”
“Aga mo naman, Jane. 1:00 pa daw ang alis niyo ni Regina.”
De nasabi ko na bakit ako maaga. Natawa pa siya e. Hindi naman ako nag-joke.
“She’s doing it again. You’ll receive an incentive kung makatagal ka ng one month, Jane. Kayo ni Asher.”
“Weh? Hindi nga po?”
“Naku. Ganyan din noong nakaraan si Sir.” Pagkumpirma ni Ate Leony. “Sa awa ng Diyos wala pang tumatagal kay Ma`am Regina.”
“Laging may first time, Manang.” Mayabang kong tugon. “Sayang din `yong incentive. Cash po ba `yon, Sir Pao? O benefits? Huwag niyo akong i-judge sir ha? Hindi ako mukampera. Nag-iipon kasi ako.”
Okay. Nangiti si sir. Carbon copy siya ni Ma`am Regina! Mas mature lang si Sir Pao. Gawa na rin siguro ng edad.
“I understand. Kahit sino kailangan ng pera. And I heard from Brian, nag-iipon ka daw para sa lola mo?”
Tsismoso naman talaga niya kahit kailan!
“Ah. Opo. Magbi-birthday na kasi siya. Gusto ko siyang ipaghanda ng medyo bongga naman po.”
“Ganoon ba? kailan ba ang kaarawan ng iyong lola?”
“November 20 po, Sir. Medyo malapit na rin.”
Tumango-tango si Sir. “Huwag kayong padadaig sa kapatid ko. Then, you surely can give her a great birthday celebration.” Binigyan pa niya ako ng 500 pesos bago umalis. Danyos daw sa kalokohan ng kapatid niya.
“Ganito po ba sila dito? Laging may katapat ng pera?” usisa ko kay Manang. “Hindi ko naman hiningi kay Sir e.”
“Naku, hija. Hiyang-hiya na si Sir Pao sa mga kalokohan ni Ma`am. Kaya ganyan. Ibili mo na lang ng kakailanganin mo. Saka tiyaga lang talaga, Jane. Sadyang pilya si Ma`am Regina.”
“Yakang-yaka. Nagdala na nga ako ng extrang damit baka maisipan na naman niyang mag-super-overtime e.”
“Oh, kumain ka muna. Baka topakin si Ma`am at biglang mag-aya. Baunin mo na rin itong sandwich. Sinasabi ko sa`yo iba ang toyo ng boss mo.”
“Pang-pancit at adobo ba manang? Haha!”
“Adobong pang-baranggay kamo, Neng.”
---
Walastik! Hindi nga nagkamali si Ate Leony! Wala pang ala-una e umalis na kami. Buti talaga nagpakabusog pa ako! Tutungo naman daw kami ngayon sa mall show ng The Clique. Ito `yong kinabibilangan nina Rogue at Ava. Kinilig ako bigla!
Gagamit kami ng escalator. Naku si Ma`am! Kaiksi ng skirt! Marami-rami pa namang fanboys sa likuran namin. Hinubad ko ang blazzier ko saka itinakip sa likuran niya. Nasagi ko yata siya kaya siya napalingon. Umiwas ako ng tingin. Focus lang tayo sa work. Saka hindi ko pala siya bati kasi masyado niya akong maaga pinag-duty. Kasora!
Kahanay niya sa VIP seats ang manager ng grupo. Ako naman ay katabi niya sa kaliwa. Akalain mong binigyan pa ako ng isa pang trabaho. I-take note ko pa daw kung ano reaksyon ng mga manonood. Matindi talaga sa toyo itong si Ma`am. De sana nagdala siya ng secretary niya. Tsk!
“Rogue and Ava will perform. Mag-crowd sourcings ka. Check mo ang social media. Kung magti-trend sila.”
“Okay po, Ma`am.”
“Mag-screenshot ka. Check kung may bashers.”
“Okay po.”
So ang attention ko ay nahati-hati sa kanya, sa performance at sa pagka-crowd sourcing. Ang ginawa ko e panay na lang screenshot. Mamaya ko na iaanalyze ang mga lintik na ito. Paasa pa `tong selpon ko talaga! Nag-lag na naman. Shinake-shake ko pa nga e.
“What are you doing? Ang sabi ko monitor mo ang social media.”
Nahihiya kong pinakita ang screen ng selpon ko. “Naghang po. Wait lang ma`am. O-okay din `to.”
Inirapan na naman ako. “You need to buy new phone, Custodio. Hindi makaka-keep up sa activities ang ganyang phone.”
E sa wala akong pambili. Ang trabaho ko lang naman ay protektahan siya. Bodyguard ako. Hindi PA. Grabe! Dapat may dagdag bayad ito e. Aksaya pa sa data itong pinapagawa niya. Hay! Humalukipkip ako sa imahinasyon. Haha! Pero gagawin ko pa rin ang utos niya, siyempre. Mahirap na.
Anglala ng trend! Nag-number one pa ang Blackheart after ng performance nila. Mega-screenshot muna ako. Pak! Maraming fanart. Angcute nila.
Napa-standing ovation pa ang mga vip after ng last performance ng grupo. Wow! Naka-smile si Ma`am Regina. True smile naman kaya `yan? O baka kaching-kaching smile kasi mainit ang pagtanggap ng manonood sa The Clique? Nangangamoy pera din `pag ganun.
Siguro both! Haha.
“Let’s head to the meeting.” Utos niya. Iginiya kami ng dalawang staff. “We will talk about the rising popularity of the group. Check mo ang reactions ng manager and parents ng mga girls.”
“Okay po.”
“Don’t dare intervene, Custodio. Pigilan mo ang bibig mo. Malaking pera ang pinag-uusapan dito. Do you get me?”
Nag-act ako na nag-zipper ng bibig.
“Crazy.”
Mukhang mapapasok ko na ang 90% ng mga five-star restaurant sa Metro dahil sa trabahong ito! Papasok lang hindi kakain! Haha! Focus sa work.
Inopen na ni Ma`am Regina ang gusto niyang i-project ng group. Taas kilay ang magulang ni Rogue. Ekis! Pumapangit pag tumataas ang kilay! Haha.
“Hindi ako papayag. Anong klaseng image ang gusto niyong makita ng kabataan? Immoral? Babae sa babae?” Sabi na ng aba e. May ganoong reaksyon. Sa korte pa lang ng kilay ni Misis.
“I say, it’s just fan service.” Kalmadong sagot ni Ma`am. “Na-check niyo na ba ang iba’t-ibang social media platforms? Rogue and Ava are trending. Fortunately, they catch the hearts of many viewers. Kahit alam naman nating average lang ang talent nila.”
Jusko! Madam! Bakit may kasamang pang-iinsult pa!
“Hindi. Hindi ako papayag.”
Hindi siya pinansin ni Ma`am. Parang naghihintay siya sa sagot ng ibang magulang at ng manager.
“Sina Rogue at Ava lang ba ang magkakapareha?” tanong ng isang magulang.
Sumenyas sa akin si Ma`am na lumapit. Tumalima naman ako agad.
“Kumusta ang ibang members?”
“Ma`am, ipinapareha din po sila sa ibang miyembro. Mas sikat laman po ang BlackHeart.”
“Singer ang anak namin. Hindi promotor ng kulto ng mga lesbiana.” Sabad na naman n`ong nanay ni Rogue.
“Kayo naman po, judgmental.”
Naku naman, self! Bibig mo na naman pasmado! Hays! De muntik na akong matamaan ng dagger eyes ni Misis! Umiwas ako ng konti. Gusto kong magtago sa likod ng upuan ni Ma`am.
“Okay.” Wika ni Ma`am. “Kung `yan ang pasya niyo. I am giving you a week to decide pa. Kung ayaw niyo talaga ay magpapa-audition ako ng mga bagong miyembro.”
Tumayo na si Ma`am.
“Halika na, Custodio.”
Nalampasan na ako ni Ma`am pero hindi ko maiwasang balikan ng tingin si Misis Judgmental. “Hindi po pantay ang kilay niyo, Misis. Baka i-judge kayo ng makasalubong niyo. Sige po.”
Tumalilis na ako ng lakad para maabutan ko si Ma`am Regina. Naku naman! Nakalabas na siya ng resto. Kinabahan ako dahil tumigil siya saka hinarap ako. nag-aabot na naman ang kilay niya. Lord! Isang buwan lamang po!
“Next time, pakilagyan ng tape ang bibig mo. Ugali mo bang makisabat sa usapan ng iba? Ganyan ka ba pinalaki ng lola mo?”
“Ma`am naman. Walang damayan ng kapamilya. Pasensya na po. Masyado po kasi siyang mapanghusga. Masakit kaya siyang magsalita, Ma`am.”
“Lesbian ka ba para masaktan sa sinabi niya?”
“E Ma`am, hindi mo naman kailangang maging butanding para ipagtanggol ang mga whale sharks.”
Umirap siya saka bumuntong hininga. “Bueset na ako sa`yo, Custodio. Please! Shut your damn mouth!”