Be Mine 30 CYRUS During lunch break at the office, sabay kami ni Ash bumili ng pagkain namin. “Ano nang balita, Pre? Nangungulit na sila Tito PD sa bahay nila Mom. Hindi pa raw ba sila magkakaapo?” Tanong ni Ash sa akin. Napangisi na lang ako. “Wala pa, Pre eh. Napag-usapan kasi namin ni Biancx, saka na kapag tingin niya okay na siya. Kapag ramdam na niya sa katawan niya na hindi na siya ulit magkakasakit. Even the Doctors can’t tell if babalik pa ba ‘yong sakit niya eh,” paliwanag ko pa. Napa-iling siya. “Alam mo, Pre. Takot lang ang kapatid ko. She doesn’t want her children to be like her. Natatakot siyang maranasan ng magiging anak niyo ‘yong naranasan niya before. She knows how hard it was to be weak. Pero ipa-intindi mo sa kanya na you will be there for her and for your childr

