Be Mine 31 BIANCX Exactly one month, after mag-grand opening ng Tababs. Sobrang big shot ang naging reaksyon ng mga customers. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang nag-hit at pumatok lahat ng pagkain no’ng opening. Pawi ang lahat ng pagod namin ni Ella. Kahit napaanak siya a day before the opening. Grabe! Every night, kahit hindi weekend, puno ang Tababs. At dahil do’n, mas dumami rin ang customer ng Café at ng Boutique. Grabe talaga. Hindi ako makapaniwala. Parang all-in-one success. Ang tagumpay ng isa, hatak ang lahat ng negosyo naming apat. “Pagod na ba ang Wifey ko?” Tanong ni Husby nang makita ako. Kakauwi lang kasi namin. Sumilip kami saglit sa Tababs kanina. Mukhang okay naman ang lagay ro’n. Kaya umuwi na rin kami kaagad. Bihira lang kami mag-stay do’n until

