Chapter 8: Talk With Him "Women do truly have that talent, huh?" sabi ni Professor Hugh, bahagyang tumango at tumingin sa akin ng may kakaibang ekspresyon. Tumalikod siya sa akin at kinuha ang pagkain na dala ko para sa kanya. Naguluhan ako sa sinabi niya kaya sinundan ko siya hanggang sa kusina. "What do you mean? He can't see my worth, so I need to move on!" galit na pagrarason ko. "I saw him pleasuring another girl. Anong gusto mong gawin ko? Magpakatanga?" Nagsimula nang mangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko. Masakit sa pakiramdam, but I'm not going to show my weakness to him or anyone else. Tiningnan niya ako habang inililipat niya sa plato ang dala kong ulam. "Wala akong sinabing magpakatanga ka. In general, I'm learning that women have the ability to move on that fast." "

