Chapter 7: Uncrushing Anton "Uncrush ko na 'tong si Professor Hugh, trenta na pala siya. Yuck!" sambit ni Marie Jane habang may tinitingnan sa isa niyang phone. Katatapos lang naming magreview at naisipan naming mag-group call. Bumangon si Cattleya at may itinayp sa isang phone niya. "Nasa trenta kaya ang true love. Ano ka ba? 'Yang mga edad na 'yan ang pagod nang maglaro. Kumbaga, seryoso na sila. Nasa marrying stage na kasi." "Kaya nga! Baka kapag niligawan ako ni Prof, hingiin agad ang kamay ko—" "Napakailusyunada mo talaga!" sigaw agad ni Cattleya kay MJ. Maging si Penelope ay nagsearch din yata. Namamangha niyang tinitigan ang kung ano mang naroon sa kabila niyang phone. "Na-post na sa website ng LU ang credentials niya! Wait, ha? Ako na ang magbabasa," prisinta niya. ""Hugh M

