Chapter 6: Hell Subject
Skye's POV
Nakahinga ako ng maluwag nang pinaupo na niya ako. I can hardly look at him. Even when he started talking to the class, I was unable to concentrate. I looked around, and everyone was paying close attention to the person speaking in front of them na himalang mangyari dahil maiingay ang blockmates kong 'to.
I noticed Cattleya, who is dreamily looking at the guy whose sleeves are now rolled up. He's tall, probably six feet or more. He had dark hair, deep, icy blue eyes, a strong jawline, and full lips. s**t! Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito katagal! Mas matagal pa kesa sa lantaran kong pagtitig kay Anton ko.
And he's hotter than Anton! How on earth?
Shocks!
No!
Dapat loyal ako sa crush ko. Dapat kay Anton lang ang pagtingin ko. Anton is my childhood crush, so dapat sa kanya lang ako.
"Miss Torres? Miss Torres?" I heard him call my name again.
Mabilis akong tumayo. "Po?" I started fidgeting with the hem of my blazer a little.
"You seems to be dreaming, Miss Torres." He sits in his chair, fingertips together and palms apart. Nakatitig siya sa akin ng seryoso.
Being called out made me feel so embarrassed. I tried to remain calm, but his demeanour intimidated me. "Ano po ba 'yon?" I broke eye contact with him as soon as I noticed his icy eyes. Tumingin na lang ako sa sahig.
"Miss Torres, what are the four economic concepts? This is only a review. I'm sure you're already familiar with economic principles."
Pumikit ako at kinabahan habang naririnig ko ang mahinang hagikgikan ng mga kasama ko sa klase. I am trying to recall the answer.
Nang magmulat ako ay nasa harap ko na siya, kaya napaatras ako ng kaunti. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako sa kahihiyan.
Then he took one more step. Amoy na amoy ko ang mabango niyang aftershave sa kinatatayuan ko. Parang kiniliti ang kaibuturan ko. Shocks talaga! Bakit ganito? Kay Anton lang dapat ang loyalty ko.
Napaigtad ako nang muli siyang magsalita. "I guessed mas mauuna pang i-release ang One Piece Odyssey kesa sa sagot mo, Miss June Sky Gomez Torres!"
"Wow! Si Prof, one-piece fan ka din?!" tanong ni Cattleya, natutuwa.
"Sir! One Piece fan din po kami! Kapapanood nga lang po namin ng OP Film: Red no'ong nakaraan, e!" pagmamalaki ni Marie Jane with a delight in her eyes.
"Sir! Nagpunta pa kaming SM Seaside para makanood!" sabi rin ni Penelope. Silang tatlo lang ang nagpunta noon. Hindi ako nakasama.
Nakita ko ang bahagyang pagngiti ng aming propesor ngunit naging seryoso ulit kaya natahimik ang mga kasama ko. "I'm waiting for your answer, Miss Torres."
I gnawed my inside cheek as I attempted to respond. Sana lang tama. "The four key economic concepts—scarcity, supply and demand, costs and benefits, and incentives"
He nods. "Miss Torres, it's good that you're paying attention in class. You may now take a seat. Please be on time from now on."
"Yes, Sir." I then sit down beside Mr. President.
"Mukhang exciting siyang maging professor," bulong niya sa akin.
Exciting ba 'yon? Lagi na niya akong ipahihiya, I'm sure. Lagi ko kasi siyang kinukulit sa bahay niya simula noong nakaraan. Is this his way of getting rid of me?
No way!
Lalabanan kita, Professor Hugh McConaughey!
Namalayan ko na lamang na nagdidismiss na siya ng klase nang magtayuan na ang mga kasama ko para magpaalam sa kanya. "Thank you, Prof. McConaughey!" halos sabay-sabay nilang sabi. Himala! Hindi nagpapasalamat ang mga 'to sa lahat ng propesor na nagtuturo sa amin. First time lang na nangyari ito. Goodbye lang o kaya see you again, Sir/Ma'am ang mga sinasabi nila, minsan sapilitan pa.
"There will be a quiz tomorrow. Better be ready. Read your notes."
Nanatili akong nakaupo. Sila lang ang nakatayo.
"And Miss Torres," he called me again.
"Po?" Tumayo ako.
"No more lates," he reminded me as he exited our class.
Nagsimulang mag-ingay ang mga kasama ko at kilig na kilig sila habang ikinukuwento kung gaano kaguwapo at kabango si Professor.
Napatanong din tuloy ako sa sarili ko. Ano kayang gamit niyang aftershave or perfume? Ang sarap sa ilong ng amoy niya. Hindi lang iyon ang isang beses na naamoy ko siya, pati rin sa bahay niya. Anton smells good as well, but Professor McConaughey's scent really draws my attention.
Umiling na naman ako. Hindi puwede 'to. Mukha yatang magkakaroon na talaga ako ng crush number two! At mababaliktad na yata? Parang magiging number one na siya!
No way! Hindi puwede! Paano na ang childhood crush ko kung ganito? Sayang ang effort ng mga pagpapacute ko sa kanya. At mukhang mas lumabo na ngayon dahil may Aliza May nang nakaharang.
Ugh! Kainis!
"Mukhang sinabon ka nang walang banlawan," buska sa akin ni Marie Jane, pagkalapit niya sa upuan ko. Inambahan ko siya ng suntok, kaya natatawa siyang umilag.
"Na-letchon ka, girl?" Cattleya giggled to annoy me.
"Isa ka pa!" I gave her a hard stare. I organised my binder in preparation for our next subject, Business Statistics. Simula ngayon, makikinig na ako lalo. Ayaw ko ng mapahiya sa klase. I don't belong on the dean's list, but I'm not that stupid either. Nasa normal lang na level ang utak ko, enough to go with the flow.
"Na-burn na, mas lalo pang sinunog. Double dead!" Nag-apiran silang tatlo sa harap ko.
"Maghintay lang kayo at tatawanan ko rin kayo kapag kayo ang ni-toasted niya." I scowled at them defiantly.
Natatawa nila akong inakbayan. "Di ka na mabiro, bully ka rin naman."
"Si Tanda, nariyan na!" Dinig naming sabi ng look-out sa harap ng pinto. That is our terror professor! Nambabagsak ng walang pakundangan! Mabuti sana kung nagtuturo siya. E, puro read this, read that lang naman ang utos niya sa klase niya. Then, after that, he will leave the class on time. Bahala na kaming umintindi kung ano ang mga binasa namin.
My blockmates frowned when he left.
"Parang gusto ko na lang maging patatas, pagod na akong mag-aral!" Pekeng iyak ng isa sa kanila.