(FLASHBACK 6 YEARS AGO)
Kasama ko sa pagpa-practice yung bespren kong si Efrick. Pareho kasi kaming varsity ng basketball team ng university namin. Kababata ko ang kupag nato.
Bata pa lang kami, magkasama na talaga kami sa iisang team mula elementary at highschool.suportado naman kasi ako nila Mom at Da sa paglalaro ko nitong sports na ‘to eh. Kahit may sakit ako hinayaan nalang din nila ako.
Nung nakita nila ako sa paglalaro ko one time sa may City Sports Complex between us at yung competitive at karibal naming University, mas dinagdagan pa ng parents ko ng almost 70 % ang allowance ko.
Todo ang pagbibigay nila ng suporta sakin. Sila pa nga nag-encourage sakin na subukang magtry-out as one of the players ng PBA eh, e ayoko kasi nga nag-aaral pa ako, saka, ayokong maging sikat for now. Kasi, alam mo na, tsk, sa matangkad at gwapo kong itsura, baka din a ako tantanan ng mga fans niyan. Haha.
Ako ng pala si Godric, sophomore student sa University naming. Civil Engineering ang kursong kinuha ko., ganun nadin yung kupag kong bespren, si Efrick. Architecture nga sana kukunin ko eh, e biglang paiba-iba yung taste ko. Haha.
Matangkad ako, gwapo, maputi, matalino, at higit sa lahat isa sa mga campus heartthrobs. By department kasi eh, sa college naming, ako lang naman at si Efrick. Saka, respetado din kami sa school. Ako yung president ng org ng kurso naming PICE at si Efrick naman yung V-president.
Medyo maraming chicks din ang umaalialigid. Nagtitilian sa tuwing dumadaan ako sa corridor.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi muna ako magsosyota. I-enjoy ko muna ang pagiging single ko para naman hindi ma less yung popularity sa school. Eh kasi, kung magkakagf ako. Syempre, huhupa na din yung magpapantasya sakin kasi nga committed na ako kaya hindi na muna.
Seryoso na kaming nagpapractice sa court ng school. Wala kasing disturb at maaga kaming pumasok lahat ng team ko. Almost 30 hectares kasi ang lapad ng University naming. At nakahiwalay ang Oval sa campus. Nasa tapat lang naman kasi ng Oval yung court naming.
“ Hoy pre, yung strategy natin”, sigaw ko kay bespren. Kasi 10 sec nalang natitira at lumalamang kami eh.
“ Ah oh ba. Mag-ala-the-flash ka boi. Haha”, pabirong sagot ni Efrick.
“Tumigi ka ugok!, seryoso ako!”, seryoso kong sigaw sa kanya.
“ Sige na, eto na!”, seryoso nya ding sagot sakin.
Nagmala invisible ako nung nilusutan lahat ng mga humaharang sakin.
Pinabounce ko yung bola with perfect angle na tantsa ko para makuha agad ni bespren, ng biglang may sumigaw.
“ Hi guys!, nagpa-practice kayo? Sorry ha di ko man lang kayo na cheer.”, nakakagulat na hiyang ni Alyssa. Ang captain ng cheerleading team na University naming na may gusto kay Efrick.
Halata naman sa ginawa niya may pagkaflirt siya.
“ Ay hindi kami nagpapractice!. Halata naman siguro diba Alyssa? Saka, anu bang ginagawa mo ditto? Exclusive lang ang mga players ditto ngayon. Bawal pumasok yung iba!”, papilosopo at nanggagalaiting bulalas ni bespren.
“ Kaw naman Ef eh. Ang hot mo.. bibisitahin lang sana kita ditto. Ayan oh, dinalhan pa kita ng towel at snacks”, pagpapaliwanag ni Alyssa habang tinataas ang dala sa may b****a ng pintuan ng court.
Alam niya kasing naiirita sa kanya si Efrick. Kahit naman ako eh, and for sure, pati lahat ng tropa na sususot din sa kanya, tago nga lang.
“ Shove-off Alyssa, layuan mo muna ako. Baka kung anong magawa ko pa sa’yo”, sabi ni bespren na halatang naiirita habang nagtitinpi.
Kita kong naiiyak na si Al, kaya nagsalita na din ako, tas pinuntahan ko siya.
“Hayaan mo nay un. Ba’t naman ka kasi pumunta ditto at nanggulat pa. Lam mo namang bilis na nanggagalaiti sa irita yun pagnagulat”.
“ Ako na nga itong nagmabait sa kanya, ako pa naging masama”, sabi niya na may pagtatampo at pagkainis.
“Umalis ka na lang muna. At ayusin mo ugali mo kung gusto mong magustuhan ka ng kumag na bespren kong yun”, sagot ko sa kanya ng pabiro.
“ SIge na nga, aalis na ako. Pero iiwan ko na lang ‘to ditto. Kaw nalang magbigay sa kanya papa Godric”, ngiti niyang sabi habang nanlalaki ang mata tas pa blink-blink pa sakin.
“Anu ka? Dalhin mo nalang yan. Uuudin nalang yan ditto. Hinding-hindi yan gagalawin ni Ef. Parang di kana nasanay. Umalis ka na Sho-sho!”, pagtanggi at pabiro kong pag-aabog sa kanya.
“ Pwew!”, sarkastiko niyang sabi sakin tas nagpatuloy nang umalis.
Agad kong tinungo si bespren ko sa may kabilang blechers. Inaayos niya mga gamit niya. tumakbo akong at nang papalapit na ay naglakad ng padahan-dahan.
“Hoi pre, akala ko ba nakaconcentrate kana kanina? Sumigaw lang admirer mo, natigilan kana eh. Haha”, paloko kong sabi sa bespren ko kasi talagang nagkasalubong na yung mga kilay niya.
“Tigilan mo ako Godrick! Kaw malilintikan sakin”, sagot niya na may threat.
“ Hoi kumag, calm down, I’m just making things exhilarating. Saka, natutuwa ako kasi dahil hanggang ngayon, nakabuntot parin sayo si Al. Walastik kong nakakapit. Pagbigyan mo na kasi. Hahaha”, tawa ako ng tawa habang hinahawakan ko ang aking sikmura.
“ Bespren, parang di mo naman ako kilala. Ayoko sa mga babaeng aggressive and most especially sa mga flirt”, sagot ni Efrick.
Lumapit ako sa kanya na nakatalikod parin dahil patuloy parin siya sa pagliligpit ng gamit niya. inakbayan ko siya at nagsabing, “ Tara na nga ugok! Magpalit na tayo ng damit sa locker room, may quiz pa tayo sa Discrete. Ang kupad naman kasing magligpit eh”. Pagbibiro ko na naman sa kanya.
Natapos na kaming mag-ayos sabay kaming pumasok.
Tiempo naman, saka din ang pagdating ng instructor naming si Maam Sabito. Magkatabi kamio ng upuan nitong pare ko. Beaurlington kasi apelyido ko tas Brynight naman yung kanya. Nagsimula na sin maam na magtawag ng mga pangalan namin.
Natapos lang ang kanyang pagtatawag sa apilyedong Ayokot ng may biglang pumasok sa pinto. Nagsitinginan naman kami sa figure na nakatayo sa b****a ng pinto. Kung baga parang na starstruck ako nung makita ko siya, eh kahit star na ako kung ituring sa campus naming.
Maganda, matangkad, sexy, maputi, mahaba ang buhok at mala diwata ang dating nung babae. Ang ganda niya God. Mabilis naman siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Maam.
“ What can I do for you hija?”, caring na pagtatanong ni Maam.
“ Ako nga pala yung bagong student niyo. Yung transferee po. Sabi pos akin ni Dean, nabanggit na daw niya ako sa lahat ng magiging instructor kop o”, magalang na pagsagot ng babae.
“ Ah, Miss Berqez right? Yung niece ni Dean? Nice to meet you hija”, bati ni Maam at inabot niya yung kamay niya para makipaghandshake.
Nagsmile naman yung babae pagkatapos may kinuha sa bag niya, yung certificate of enlistment tas binigay niya it okay Maam Sabito.
Kinuha naman ito ni Maam at maya-maya’y binalik niya na ito. Pagkatapos nagsabi si Maam na…
“ I’m afraid Mr. Godric Ivan Beaurlington and Mr. Efrick Igor Brynight. Magsi-split na kayo ng upuan. Mapapagitnaan niyo si Mr. Aphrodite Berqez. So Mr. Brynight, take the seat next to your previous one and the rest follow the same”, mandar ni Maam sa may mayuming tinig.
Bigla namang lumakad yung babae tapos tumingin pa siya sa akin at nagsmile.
Syempre, celebrity ako kaya inis-snob ko siya. Tas bigla ko nalang siyang nakitang nagsmile din kay besprent as nginitian naman ng kupag.
Paglingon niya pabalik sa harapan, napansin niya ata akong tumitingin sa kanya kaya nginitian niya ulit ako. This time, binalik ko ang ngiti niya slight lang. tas may sinabing bigla si Maam.
“So Miss Berqez? Would you mind introducing yourself to us please. I’m sure most of them ay gusto ka na ring makilala”, ngumiti si Maam sa kanya.
Bigla nalang tumayo si babae. At dumiretso sa gitna.
“Hi everyone, I’m Aphrodite Mionefleur Berqez. I’m from UPLB. Nasa ibang bansa kasi yung mga parents ko kaya sa Tito ko muna ako ditto sa Manila makikitira. Nice to meet you all guys. And I hope we all can be very fast friends”, malambing niyang waring sabayan pa ng nakakatulo-laway niyang ngiti.
May mangilan-ngilan pa siyang sinabi pero na stunned na ako. Lumilipad yung isip ko ng dahil sa kanya. First time nangyari to ah!.tsk…
Tama lang naman talaga sa kanya yung pangalan niya. Aphrodite, the goddess of beauty and love . Di naman mapagkakailang nakakahumaling siyang talaga.
Bigla nalang akong nagising sa pag-iilusyon ko ng muli na siyang bumalik sa upuan niya. naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa may bulsa ko, kinuha ko. May nagtext, si bespren. Anu naman kaya tinext nityo?
MESSAGE FROM: EFRICK
Walang ya! Napakahalata mo oko! May gusto ka sa kanya no? Umayos ka! Sagutin mo tanong ko. Hahaha.
Walang ya! Ganun ba ako ka halata? Napansin agad ni bespren. Tsk, kailangan kong bumawi, may pinuprotektahan akong pangalan. Hahaha. Nagreply ako.
MESSAGE TO: EFRICK
Ugok! Hindi ah, naisip ko lang si Alyssa kanina na sumisigaw. Natawa ako sa mukha mo. Mindi maipinta! LOL, tigilan mo ako. I have areputation to care.
Para naman hindi mafocus yung topic sakin, nilakbitan ko nalang din nung nangyari sa court, panuya ko kay bespren. Hahaha. Tas tinignan ko phone ko. 1 message receive. Tas inopen ko.
MESSAGE FROM: EFRICK
Dafuq! Langya ka unggoy ka! Tsk, sinira ulit yung moment ko. Tsk. Pero masaya naman ako na malamang ayaw mo sa kay Ms. Beautiful, cege, akin nalang ha. Hehehe.
Tsk. Hindi ko alam pero parang na bwiset ako sa reply ng kumag. Nagreply ulit ako.
MESSAGE TO: EFRICK
Kumag ka! Ano nalang gawin ni Alyssa sa kanya pag nalamang nakikipaglandi ka sa kanya? Wag na, akin na lang yan! Wala naman akong sabit, di katulad mo. Tumigil ka na, akin lang yan.
Sinned ko tasnag message sent naman.
Nilingon ko kunwari si bespren ko para masulyapan ko si Ms. Beautiful. Tas, nakita ko na lang na parang nagtataka siya, si Aphrodite, kasi nagp[apalitan kami ng messages ni bespren ko. Eh panu, parang tanga lang yung kumag, king makatawa ng pilit, wagas! Parang kung may anong kumiliti sa kanyan eh. Tas bigla ulit nagvibrate yung phone ko. Alam kong kay bespren galing eh kaya binuksan ko na rin.
MESSAGE FROM: EFRICK
LOL, sabi ko na nga ba eh. Woah! Book record to ah! First time sa history ng love life ng besfriend ko na ako nakabuko. Hahahaha. Sige, suko na ako. Pero aaminin ko sayo, may gusto din ako kay Miss Beautiful. Hahaha. Pero sayo na lang. Hahaha.
Langya to! Parang kanina lang, ako pa nang-aasar sa kanya eh. Eh ngayon, naging baliktad na. putek an yan at umamin pa talaga ang kupag sakin. Mamaya ka pagkavacant natin ugok ka. Nagreply ulit ako.
MESSAGE TO: EFRICK
Lang ya ka!Pinaalam mo pa sakin na karibal kita. And by the way, hindi lang basta-bastang Ms. Beautiful yan. Miss Temptation na yan. Lagot ka sakin mamaya Unggoy ka! At tumigil na nga tayo, baka mamaya nan mahalata pa tayo ni Maam or worse mahalata pa tayo ng Ms. Temptation ko. Wag ka nang magreply kumag. Seryoso ako!
Pagkatapos kong sinend nagmessage sent naman. Lumingon ulit ako sa kanya tapos, nakita kong tumawa siya tas nagsabing “ Ms. Tempatation daw” habang sinasantabi niya yung phone niya.
Aayos na sana ako ng upo ng tumama mata ko sa mata din naman ni Aphrodite. Nabasa kong nagtataka siya samin ng bespren ko. Hindi ko na binasag yung pagtitinginan namin. Napaisip tuloy ako.
/ Wow grabe! Ang sarap naman halikan ng buong mukha mo. Tas ang lips mo pa, I bet perfect fit sa akin. I wonder if God really has given me a favor. Tas ang ilong mo, ang tangos. Tas ang eyelashes mo ang kapal at medyo mahaba ng tama lang. ang ganda mo. Natayo lahat ng kabalhibuan ko sa katawan isang titig ko lang sa’yo. Pati narin yung anu ko, yun, yung, alam mo na..Hahaha./
Moment na moment na sana ako nang biglang narinig ko yung sinabi ni Maam Sabito. Patay, napansin nadin kasi nila..Hehe
“Ahemn. I see you Mr. Beaurlington and Ms. Berqez are quiet knowing each other deeper. Would you mind joining us in the class?”, natatawang waring ni Maam. Nako pati si Maam, umieksena na rin.tsk..
Dahil doon, tumawa lahat ng buong klase. Pati narin yung kumag ko na bespren ang lakas ng tawa. Mabilaukan ka sanang unggoy ka. Napahiga na sa armchair niya habang nahawak sa tyan niya kakatawa eh. Parang yung heina lang sa magic english kung tumawa ang kumag eh.
Si Aphrodite na mismo ang pumutol sa pagtitinginan namin at umayos na ng upo. Napansin kong nakatungo lang siya. Nagba-blush din eh.. namula bahagya yung pisngi niya, nasabi ko kasi halata naman eh, maputi kasi siya. Umayos na din ako ng upo at ngumiti. Matagal natapos yung tawanan na yun. Wala na akong magawa, nakisabay nalang din ako para hindi na bigyan ng kung anong meaning ng mga kaklase ko. Hehe.