Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Vaughn sa may salakaya naman dali dali nalamang akong pumunta sa kusina upang kumuha nang tinapay at dumiretso sa akinfg kwarto. Hindi ko balak na makisalamuha kay Vaughn ngayong alam kong ayaw niya rin sa akin. Hindi ko man alam ang dahilan ngunit nararamdaman ko naman iyon.
Naligo at nagbihis ako pagkatapos kong kainin ang tinapay na hinanda ni Aling Maya kaninang umaga bago siya umalis papunta sa kalapit na bayan. Hula ko ay hinihintay ni Vaughn ang kaniyang lola kaya siya nandoon sa sala upang madali niyang malaman kung nakauwi na bai to. Dumiretso ako sa king mesa at kinuha ang mga librong hindi ko pa nababasa at sinimulang basain ito.
Nalaman kong Terra pala ang pangalan nang kahariang ito. Pinamumunuan ito ni King Jian Silveterra na siyang direct descendant ni King Johan I. Sinasabi rin nang librong ito na may anak si King Jian ngunit hindi alam nang lahat kung babae ba ito o lalaki. Dali dali na lamang na itinago ng asawa ng hari ang kanilang anak at magmula noon ay hindi na ito nakita pang muli. Hindi naman nabanggit kung sino ang asawa kaya sa tingin ko ay isang commoner lamang ito.
Hindi siguro tanggap nang mga Fae ang napangasawa ni King Jian kung kaya hindi na nila sinabi ito sa mga libro.
Napabuntong hininga nman ako dahil kailangan kong alamin kung sino ang babaeng iyon. Kailangan kong malaman lahat, isa iyon sa mga patakaran namin ni ama. Ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa nang makaramdam ako nang kaonting kirot sa aking ulo at pagkaraan nang ilang saglit ay narinig ko ang boses ni Hermes.
Napairap ako nang mata ngunit kalaunan ay napangiti rin dahil sa wakas ay may kakampi na ako sa misyon kong ito. Hindi man ganoon kahalata sa akin ngunit sobrang nagpapasalamat ako sa mga pinsan kong todo suporta sa akin. “What is it Hermes? Miss me already?”
Itinigil ko muna ang pagbabasa at nakipagusap kay Hermes. Kailangan kong mahanap ang asawa ni King Jian at sa tingin ko naman ay makakatulong silang tatlo sa akin. “Don’t be so full of yourself, cousin. Aphrodite was just happy to know you are okay and ask me to check on you.”
“All good, how about you guys?” Kumuha ako nang papel at panulat upang siulat lahat nang tanong na kailangan ko ng kasagutan at isulat ang mga susunod na hakbang ko para sa misyong ito. Kailangan kong maging detalyado dahil hindi na ako makakabalik sa Underworld kapag pumalpak ako rito
.
“We are all fine, besides we are strong unlike you.” Napangisi naman ako sa kaniyang sinabi. Kahit papaano ay namiss ko ang pagaasaran nila. Hindi nga talaga sila mabubuhay nang hindi niloloko ang isa’t isa. “I have a favor to ask you guys.”
“Woah, hold on little cousin. Gods don’t do favors; it seems you are in a big trouble.” Well, totoo iyon, katunayan nga ay ang mga pabor na ang nagiging bayran naming sa isa’t isa dahil mayroon naman kami lahat. Malaking bagay kapag humingi kami nang pabor sa isa’t isa at hindi naman ako nagdadalawang isip humigi nito sa mga pinsan kong alam kong tutulungan pa rin ako kahit anong mangyari. “Well, I am, Hermes, and I need information about the wife of King Jian Silveterra of Terra Kingdom. I don’t have the luxury to travel and go to libraries here.”
Hinintay ko ang kaniyang sasabihin habang gumagawa nang plano at isinusulat ito sa papel na kinuha ko. Hindi ko alam kung ilang araw ang lalakbayin ko upang makapunta sa kapitolyo nang kaharian dahil wala pa man akong nahahanap na mapa nang mundong ito. “Well, Hermes? Not interested?”
“Hold up, Hunt. We’re still discussing here; you know the rules.” Napapisil ako sa tuktok anng aking ilong dahil sa kaniyang sinabi. May ginawa kasing batas itong si Apollo kapag humihingi nang pabor ang dalawa niyang kapatid sa kaniya. Una ay dapat kapantay ng pabor na ibibigay ang hinihiling na kapalit. Pangalawa, walang kaso ang oras o tagal nang pabor na ito basta maenjoy nila ang ipinapagawa. Pangatlo, dapat masunod ang usapan at kasunduan kung kailan kukuhanin ang bayad sa pabor.
Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kahirap ang ipinapagawa ko dahil alam ko namang kayang kaya ito ni Hermes. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit kailangan niya pang ipagsabi ito sa mga kapatid niya kung sa kaniya lang naman ako humingi nang pabor. Iba talaga ang pagkachismoso nang pinsan kong ito at umabot pa sa Fae World, hindi na lang makuntento sa Olympus.
Pagkaraan nang ilang saglit na pananahimik ni Hermes ay sa wakas narinig ko nang muli ang kaniyang boses. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan e alam ko namang tutulungan talaga nila ako. Iba talaga trip nang tatlong ito, sana talaga isinama ko na lamang sila nang sabay sabay kaming mahirap dito.
“Okay, Hunt. We agreed to help you if you agree to our payment first.” Napairap ako nang mata dahil sa kaartehan nila. Kung nandito lamang sila ay kanina ko pa sila pinaalis gamit ang mahika. Napatigil ako nang maalala wala ng apala akong mahika, napabuntong hininga nalamang ako. Karma ko na ba ito sa lahat nang bagay na nagawa ko sa Underworld?
“And what is that?”
“We’ll be invited on your wedding day.”
“Ok---Whatt???” Napatayo ako dahil sa sinabi ni Hermes. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano dahil wala akong narinig na tawa mula sa kaniya. Anong kasal ang piangsasabi nito e hindi nga ako makabalik sa Underworld tapos wala pa akong kapangyarihan, uunahin ko pa yon? At isa pa, paano naman ako magpapakasal e wala naman akong napupusuan.
“You heard me right, Hunt. We’ll be invited on you wedding day.” Napabuntong hininga ako dahil iba nga ang trip nang mga ito. Pinulot kong muli ang upuan na natumba nang tumayo ako bigla bigla dahil sa gulat nang sinabi ni Hermes. Wala naman akong nagawa kaya tumango na lamang ako, ngunit naalala kong hindi niya nga pala ito nakikita.
“Fine. You’ll wait for a century then.”
“We’ll be collecting it in the near future, so you have to be ready cousin.” Napairap ako, nais ba nilang maghanap na ako nang babaeng mapapangasawa ko? Sira ba mga utak nila? Alam nilang nandito ako sa Fae World at alam din nilang kinaiinisan ko ang lahi nila kaya papaano ako maghahanap nang babaeng mamahalin mula rito sa mundong ito. “Fine, now can you do what I said?”
“Of course, Hunt, anything for our cousin. So, the wife yeah?” Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung pangilan na bai to ngunit pakiramdam ko ay pinaglalaruan lamang ako nang mga pinsan ko. Wala naman akong magawa dahil mas mabuti nang humingi ako nang tulong kaysa maghirap ako nang todo todo. “Yeah”
“Got it! Be back to you soon. You take care in there cousin.” Unti kong naramdaman muli ang kirot bago ito dahan dahang nawala. Mukhang naputol na muli ang aming koneksyon ni Hermes. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kawalang magawa at napagdesisyonang matulog. Iisipin ko bukas kung papaano baa ko makakarating sa kapitolyo sa tulong ni Aling Maya, sana lamang ay nandito na siya.
Kinaumagahan ay naamoy ko ang mabangong luto ni Aling Maya kaya naman napagtanto kong nakauwi nga siya kagabi. Agad agad akong bumangon at dumiretso sa banyo upang magligo at magbihis pagkatapos noon ay lumabas na ako. Nadatnan ko ang maraming lalagyan nang mga sangkap na nakalutang sa kusina kaya naman napailing ako at napangiti. Kakaiba talaga magluto si Aling Maya.
“Anong niluluto mo ngayon Aling Maya?” Wika ko habang naglalakad palapit sa kaniya. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong wala pa si Vaughn mukhang napuyat kakahintay kay Aling Maya kaya siguro hindi pa gising. Kumuha ako nang baso at uminom nang tubig sa may gripo dahil nauhaw ako mula sa aking tulog.
“O, gising ka na pala iho. Napakaaga mo yata ngayon. Beef and beans at tsaka pancake iho, natutunan ko ito kahapon nang pumunta ako sa kalapit na bayan. Sigurado akong magugustuhan niyo ito.” Napangiti naman ako at pinanood na lamang siyang magluto. Hindi ko man alam ang mgaputaheng sinabi niya ay nakikita ko namang masasarap nga ang mga ito.
Naglakad na ako palapit sa mesa nang malapit nang matapos si Aling Maya at sakto namang bumukas ang pintuan ni Vaughn. Hindi ko siya tinignan at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Ilang sandali lamang ay sumunod na rin si Aling Maya sa akin sa mesa kasama ang mga lumilipad na mga pagkain. Hinintay naming si Vaughn dahil lagging gusto ni Aling Maya na sabay sabay kumain hindi ko nga lang alam ang rason kung bakit. Nang maupo siya ay tahimik nanaman kaming muli.
“Ilang araw ka pa rito Vaughn?” Napatuloy lamang ako sa pagkain at tulad nang nakagawian ay nakikinig sa kung ano mang pinaguusapan nila. Hindi ko naman natis na tignan si Vaughn dahil sa tagal niyang sumagot sa tanong ni Aling Maya. “Dalawang araw pa, lola. Kailangan ko pa kasing bumili nang mga kagamitan sa Hyro bago ako bumalik sa Kapitolyo.”
Hindi ko alam kung saan ang Hyro kaya naman itinatak ko ito sa aking isipan upang hanapin mamaya sa mga libro. Napansin ko naman sa gilid nang aking mga mata na napatango tango si Aling Maya habang sumusubo nang kaniyang beef and beans. “Naisip ko lamang kasi, bakit hindi mo isama itong si Hunt sa Kapitolyo?”
Napatigil ako sa pagsubo nang pancake at pakiramdam ko ay tumigil ang oras dahil biglang tumahimik ang lamesa. Kahit ang huni nang mga hayop sa labas ay hindi ko marinig. Napatingin naman ako kay Aling Maya at napansin kong nakangiti siya nang malawak sa kaniyang apo. Ano naman kayang nakain nang matandang ito at naisipan niya pa akong isama sa kaniyang apo? Hindi niya ba nararamdaman na ayaw naming sa isa’t isa?
Napabitaw si Vaughn sa hawak niyang kutsara at napainom nang tubig. Nakataas na ang kaniyang mga kilay na animo ay nainis sa tanong na iyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil maski ako ay maiinis kapag ginawa sa akin iyon. “Ano namang gagawin niyang lalaking iyan doon?”
“Pwede siyang maghanap nang trabaho roon, o di kaya ay ipasok mo na lamang siya military sa tingin ko naman ay kaya niya ito.” Napanganga ako dahil sa sinabi ni Aling Maya. Pakiramdam ko ay alam niya ang aking misyon dahil siya mismo ang naglalapit sa akin patungo rito. Hindi kaya nakakabasa siya nang isip? Halos mawalan ako nang kulay dahil sa naisip ko.
“Ano? Hindi!” Nagulat naman ako nang magdabog si Vaughn sa mesa. Ano naman kayang masama na isama ako papuntang Kapitolyo at ipasok sa military? Kung tutuusin mas madali akong makakapasok dahil isa siyang heneral. Bakit ng aba hindi ko ito naisip noong una pa lamang? Napailing ako sa aking isipan dahil sa katangahan ko, mukhang naapektuhan pati ang aking pagiisip sa ginawa sa akin ni ama.
“Oo, at pinal na desisyon ko na iyon. Ipapasok mo siya sa military nang sa gayon ay pareho niyong matignan ang isa’t isa.”
“Aling Maya, hindi ko naman po kailangan magtrabaho at tsaka mas gusto ko po ang tahimik na buhay dito sa bahay niyo.” Wika ko nang hindi masyadong halata na gustong gusto ko nga sa planong ginagawa ni Aling Maya para sa akin.
“Hunt, iho. Kailangan mo ring magtrabaho nang mabuhay mo ang pamilya mo sa hinaharap. Ganoon ka rin Vaughn kaya huwag kang magdabog dabog diyan.” Bakit ba lahat nalang nang tao ipinapaalala ang pamilya o di kaya ay kasal, e wala nga akong balak maghanap nang ganon hanggat hindi ako nakakauwi sa Underworld.
Nagkatinginan kami ni Vaughn at pakiramdam ko ay naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa mga tinging iyon. Tumayo siya bigla kaya naman natumba ang kaniyang upuan at nagmartsa palabas nang bahay. Mukhang nanalo si Aling Maya kaya napangiti ako sa aking looban. Hindi ko man kayang sikmurain ang makasama si Vaughn, mukhang wala rin naman akong pagpipilian dahil binigay na nang mga Fates ang daan sa aking tadhana at kailangan ko na lamang itong lakbayin patungo sa dulo.