PROLOGUE
Pagsapit ng madaling araw ay pinapunta na ako sa may harapan. Nandoon si Hecate at mayroong malaking bilog sa sahig.
Mayroon ding mga kandila na nasindihan sa tabi ng malaking bilog. Ito na ang ritual para sa acquiring.
Sabi nila mabilis lamang ito at mabubuksan nito ang God appearance ko kung kaya’t hindi ko maaring alisin ang aking mask.
Tinanguan ako ni Hecate hudyat na kailangan ko ng tumapak sa loob ng bilog ng masimulan na ang ritual.
Pagkatapak ko sa bilog ay tumahimik na ang lahat ng nandito, pati ang music ay tumigil na rin. Lahat ay nakaabang sa pagpapalit ng aking itsura dahil ito ang opisyal na transpormasyon ko.
Hinintay namin ang tamang oras at ng matapos ay sinimulan na ni Hecate ang summoning ritual.
Umikot ikot siya sa labas ng bilog at maya maya ay sinugatan niya ang kanyang sarili. Pinatulo niya ang dugo na kulay ginto sa loob ng bilog at bigla na lamang humangin ng malakas.
Mas nilakasan pa ni Hecate ang kanyang boses dahil malapit ng matapos ang ritual.
Marami sa mga souls ang napasigaw dahil sa lakas ng hangin, ang mga kagamitan sa loob ng throne room ay nagsisiliparan. Namatay ang mga kandila sa chandelier at tumilapon ang mga mesa at upuan.
Nagsisitakbhan na ang karamihan sa mga bisita ngunit marami pa ring gustong makita ang ritual dahil minsan lamang ito mangyari, hindi namin alam kung kailan ulit magbibigay ang mga Fates ng bagong diyos.
Maya maya ay may liwanag na lumabas sa loob ng bilog at unti unti itong lumakas hanggang sa halos masakop na nito ang kabbuoan ng bilog. Nakakasilaw na liwanag ito at karamihan sa mga creatures ng Underworld ay napasigaw dahil dito.
Sumisigaw na si Hecate sa labas ng bilog, hindi ko na rin makita ang kabuoan ng throne room dahil sa liwanag at napapikit na lamang ako. Unti unti ay naramdaman ko na ang pagtubo ng dalawang sungay sa gilid ng aking ulo. Naramdaman ko na rin ang kabuong lakas ko.
Unti unti kong naramdaman ang black energy na nagraradiate magmula sa akin. Pakiramdam ko ay napupuno ako dahil sa panibagong lakas na mayroon ako ngayon.
Tumigil na si Hecate sa pagchant ng spell ngunit hindi pa rin nawawala ang liwanag.
Binuksan ko ang aking mata ngunit nasilaw lang ako sa liwanag na dulot nito.
“Hecate, what is happening?” Rinig kong tanong ni ama.
Hindi pa rin tumitigil ang malalakas na hangin kahit alam kong tapos na ang ritual. Ano ang nangyayari? Bakit ganito?
Maya maya ay nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa aking ulo. Parang binibiyak ito at pinupukpok ng napakaraming martilyo.
“AGHHHHHHHH!!!!”
Hindi ko kailanman natandaan ang ganitong epekto ng ritual sa isang diyos. Ano ba ang nangyayari?
Nakaramdam na rin ako ng panghihina at nagsisimula na akong manginig sa lamig. Napaluhod na ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang matinding liwanag.
“HECATE DO SOMETHING!!” Rinig kong sigaw ni ama at parang nagkakagulo na nga sa labas ng bilog.
“AGHHHHHHHH!!!!!!”
Sapo sapo ko na ang ulo ko dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Maya maya ay sumakit rin ang likod ko at parang may tumutubo rito.
“AGHHHHHHHH”
Parang pinupunit ang aking balat sa likuran dahil parang may gustong lumabas dito. Naramdaman kong sobrang init na ng katawan ko, tipong nakakapaso na sa init.
Unti unti ng nawala ang liwanag at ang hangin ngunit hindi ko na rin kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Bumagsak ang aking katawan sa sahig. Narinig ko ang mga utos ni ama at ang mga spell ni Hecate bago ako nilamon ng kadiliman.