CHAPTER 1

2729 Words
I am currently walking my way back to my room after doing some rounds on the outer villages of the realm and wearing my usual outfit, a black tunic with red and gold linings plus my mask, a black and grey that covers half of my face. Maraming tao ang nagsasabi na sobrang init sa Underworld, or walang buhay ang paligid, siguro dahil galing lamang ito sa imahinasyon nila. Underworld is a beautiful place, but no one can go in and out of this realm. Hindi gaanon kaliwanag ang sinag ng araw at hindi rin ganoon kalamig ang ihip ng hangin. It is neutral compared to what everyone thinks. The souls are not that bloodthirsty and cruel, lahat ng masasama ay nakakulong sa Tartarus. My father wanted peace and order despite his reputation. His people most love him despite being cruel and strict; it was part of him being the God of the Underworld. It was almost midnight, and everyone in the palace was asleep. After rounding a corner, I finally arrived in my room. After changing into a comfortable shirt and pants adapted from the ordinary folks, I went to bed. But after lying, someone knocked at the door and entered. I hurriedly put my mask on before anyone saw my bare face. “Mahal na Prinsipe, pinapatawag po kayo ng Mahal na Hari sa throne room.” I groaned at tumalikod upang ipagpatuloy ang pahinga ko. “Hindi ba pwedeng bukas nalang yan? Tell him I am tired.” sagot ako at sinubukan ng matulog ngunit hindi pa rin umaalis ang advisor ng aking ama. “Urgent daw po Mahal na Prinsipe, pasensya na po.” Umigting ang panga ko at bumuga ng hangin. Wala naman akong choice kung hindi sundin ang aking ama. “Alright, I’ll be there in a minute.” sagot ko at umalis naman agad ang adviser na iyon. Bumuntong hininga ako at bumangon upang magpalit ng damit. Ano nanaman kaya ang ipaguutos sakin? I just came from patrolling, can’t he let me stay for a day? Wala na akong nagawa kung hindi ang mabihis at pumunta sa throne room. I made sure my mask was on before going out of my room. Pagkarating sa lower ground ng palasyo, nakita ko na ang mga guwardiya na nakasuot ng itim, pula at gold na armor, ang kulay ng aking ama. Ang mga guwardiya dito ay hindi mga tao, kung hindi ay mga goblins. Ang mga militar ay mga cyclops na siyang nagsimulang magbigay serbisyo sa aking ama simula pa lamang noong natalo ang mga Titans. Itim ang kabuohan na kulay ng palasyo, hindi naman ganoon kadilim dahil may mga ilaw naman sa bawat parte nito. Marami ding gold na muwebles at mga gemstones na nakadisplay. Part of my Father’s power is the earth’s riches at kasali doon ang minerals. Pagkapasok sa throne room ay makikita kaagad ang trono ng aking ama na gawa sa obsidian stone. Kulay itim ito at kumikinang dahil sa liwanag galing sa mga ilaw. Marble white ang flooring ng throne room, at may pulang karpet papunta sa may harapan. May mga guwardiya rin na nagbabantay sa loob kahit hindi naman kailangan. Habang naglalakad ako ay yumuyuko ang mga guwardiyang nadadaanan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa respeto o dahil sa takot. Pagkarating sa harap ay tumigil ako at yumuko bago nakipagtitigan sa aking ama. Nagraradiate ang dark energy magmula sakanya kahit naka-anyong tao siya. “What is it father?” sagot ko sakanya pagkatapos ng ilang saglit. I don’t understand why he is sending me to those missions e pwede naman ang mga tauhan nalang namin sa palasyo ang utusan niya. Does he really hate me that much? Matagal pa bago siya nagsalita, lagi niyang ginagawa ito, ang paghintayin ako sa harap ng maraming tao. Showing he is the strongest among everyone else. Ofcourse, siya ang pinakamalakas dito, this is his realm after all. Kaya niyang bawiian ng buhay ang lahat ng naninirahan dito sa pitik lamang ng anyang kamay. He is that powerful, kaya naman maraming natatakot sakanya pero that does not change the fact na iniidolo siya ng mga mamamayan ng Underworld. “I have heard a report about a fae crossing into our borders, malapit sa Tartarus. I want you to investigate on this one.” Fae also known as the Fair folks, bakit naman kaya sila pumunta dito sa Underworld? Umigting ang panga ko at bumigat ang aking paghinga. “But Father, Tartarus is two weeks away from here. If I go now, baka wala na akong maabutan doon. Besides, I just came from the outer villages….” “Silence, you will go there young man. That is an order.” pagpuputol niya sa aking sinasabi. Matagal ko pa siyang tinignan bago sumuko at yumuko. Hindi naman ako mananalo dito, I never won anyway. Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya at nananihimik na lamang. “You may go, I expect you to be on your way before sundown.” Nagtangis ang bagang ko dahil sa panibagong utos na ibinigay niya sa akin. Kailan baa ko magiging worthy sa mata ng aking ama? “Yes, Father.” Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa kwarto ko at ipagpatuloy ang naudlot kong pahinga. Inalis ko ang mask na nagcocover ng kalahati ng mukha ko. Hindi ako pwedeng magpakita sa mga mamamayan dahil sabi ni ama, mas mapapadali ang pagtapos ko sa mga misyon ko kapag hindi nila nakikita ang itsura ko. Bumuntong hininga ako at tinignan ang mukha ko sa harap ng salamin. I have a dark hair, just like my father. My eyes are black, while my father have brown. Sabi niya nakuha ko daw ito sa ina ko. My cheekbones are high and my jaw lines are sharp. Pinkish red ang labi ko. Matangkad din ako katulad ni ama. Pagkatapos kong titigan ang sarili ko ay natulog na lamang ako upang mabawi ang lakas ko. Nakita ko nanaman ang babae, brown ang kanyang mahaba at maalon na buhok. Katulad ng dati ay nakatalikod pa rin siya. “Hello?” Hinintay ko ang kanyang paglingon ngunit walang nangyari. Bumuntong hininga ako dahil ganito palagi ang nangyayari kapag nakikita ko siya. I started walking toward her pero habang lumalapit ay parang mas lumalayo siya, so I stopped. Madilim ang piligid ngunit may ilaw sa pwesto niya. May konting usok din sa kanyang paanan kaya hindi ko makita ang mga paa niya. Hindi ko maramdaman na masama siya kaya hindi ako natatakot sa pwedeng mangyari at chill lamang na naghintay. Hindi ko na maalala noong unang nagpakita siya sa akin. Ganitong ganito rin, everytime na lalapit ako ay mawawala siya. Noon ay natatakot ako sa pagbisita niy sa panaginip ko, ngunit kalaunan ay nawala na ito. Nagiiba iba rin ang takbo ng panaginip ko kaya hindi ko alam ang mangyayari ngayon. Kahit kailan ay hindi ko pa nakita ang kanyang mukha. Nacucurious ako ngunit wala namang ibang pwedeng idescribe sakanya kung hindi ang buhok niya. Maya maya pa ay dahan-dahan siyanv humarap akin. Nagulat ako, dahil ngayon lamang ito mangyayari, hindi ko alam kung anong ineexpect kong makikita ko. Ngunit nakakabulag na liwanag lamang ang nakita ko. Hindi ko siya makita kaya inilihis ko nalang ang tingin ko sa paligid ng magsimula itong magkakulay. Una kong napansin ang damuhan sa paanan niya, may usok pa rin sa paanan niya ngunit kumakalat na ang damuhan papunta sa pwesto ko. May mga puno rin na nagsisimulang mabuo, matitingkad ang kulay nila at napakataas. Huling lumabas ang langit, hindi ganoon kaliwanag katulad na lamang ng realm ni ama. “Sino ka? Anong kailangan mo?” sunod sunod na tanong ko sakanya. Ngasimula siyang maglakad papunta sa kinaroronan ko at dahil sa gulat ay napahakbang ako patalikod at tumayo sa fighting stance ko. “Huwag kang lumapit” sigaw ko sakanya at sinimulang humugot ng energy sa source ng powers ko. May lumabas na usok sa mga kamay ko na kulay itim. Inipon ko ang energy sa kamay ko at gumawa ng bilog na kulay itim. Darkness is my power, which is what I got from my father. Wala akong maramdamang energy magmula sakanya at hindi ko alam kung dahil ba sa panaginip lang ito o di kaya ay kaya niya talagang iconceal ang kanyang aura. Palapit siya ng palapit sa akin at napansin kong sobrang puti ng kanyang balat ngunit hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha. “Who are you? I command you to say your name.” Dali dali kong hinawakan ang mukha ko at parang nanlumo ako dahil wala ang mask na lagi kong sinusuot. Ngayon ko lamang ito naisip, hindi maaring makita niya ang mukha ko. Umigting ang panga ko at nagsimulang lumaki ang energy ball sa kamay ko. “I am you, my prince.” Mahinhing sabi niya at nilamon na ako ng liwanag. Napamulat at napansing hingal na hingal at pawis na pawis ako dahil sa panaginip. Napahilamos ako ng mukha at bumangon. “That is so weird.” Wika ko sarili ko habang naglalakad papunta sa comfort room. Binuksan ko ang shower at pinindot ang cold water button upang lumamig ang tubig. Nagbabad ako sa malamig na tubig upang mahimasmasan. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, “I am you? Ano yon? Sabog ba siya? Mukha ba akong babae?” pagkausap ko sa sarili ko. Habang nagbibihis ay biglang lumitaw ang pinsan ko from nowhere at dahil sa gulat ay naibato ko ang hanger na nakuha ko sa mortal world. “What the heck is wrong with you Hermes? Anong ginagawa mo dito?” Pasigaw na sagot ko sakanya. Ang hilig talaga niyang magteleport sa kung saan saan. “Chill ka lang cousin may message lang ako kay Tito; you know my job. I heard you’ll go to Tartarus?” “Don’t say a word about it.” Umigting ang panga ko dahl pinaalala niya nanaman ang bago kong misyon. Una yung babae, ngayon ang misyon ko sa Tartarus, can this day get any worse? Tinalikuran ko siya at namili ng damit na susuotin ko para sa paglalakbay. “Common’ cous, you don’t know how hard it is for me not to pry.” “You are the most talkative man I have ever met, Hermes.” Which is true, dahil na rin siguro sa pagiging messenger of the Gods. “Hey, what about my brother?” “Sunod siya sayo.” Sabi ko at lumabas sa walk-in closet na integrated sa comfort room na gawa sa marble, perks of being the son of the God of Riches. I don’t understand why they usually visit our realm. Sabi ng karamihan, my father’s realm is most beautiful among all the realms. They did not know that most of the things they see are illusions from my father’s magic. Ang totoo, konti lamang ang mga halaman dito at karamihan ay ilusyon lamang. Hindi ko maimagine kung gaano kalakas ang magic ni ama para mamaintain ang illusion sa buong realm considering this is a huge one. Humarap ako sa salamin upang ayusin ang aking sarili. I typically wear black and grey, since these colors suits me the most kaya madalas na natatawag akong shadow. Most of the time, I wear my father’s colors which are black red and gold. “You are so boring Hunt. Lagi ka nalang nagtratrabaho can’t you just chill with us sometime?” Malakas na sabi ni Hermes habang humahabol sakin galing sa comfort room. Bumuntong hininga ako at tinapos ang pagaayos at sinuot ang mask na naging trademark ko. I don’t think other Gods have seen me without my mask, konti lang talaga ang nakakakita ng buong mukha ko, including my annoying cousin. Tsaka naman tumabi si Hermes sa akin at inalis ang mask na kakasuot ko palang. Tinignan ko siya ng masama at nagbato ng black energy ball na tumama sa kanyang sikmura at hinugot pabalik ang maskarang kinuha niya. “Quit playing Hermes, I need to visit Hecate first before going to Tartarus.” Umubo ubo pa siya bago umayos ng tayo, I am sure hindi siya nasaktan dahil part ng powers niya ang strength, over-acting lang siya madalas. “That hurts Hunt, ang lakas mo talaga e ang liit liit lang ng energy ball na iyon. Anyway, I’ll come with you, maraming kwento si Hecate sa mortal world.” Pinagpag niya ang kanyang damit dahil nagusot ito sa enerhiyang ibinato ko. Nagsimula na akong malakad palabas ng kuwarto ko at sumunod naman siya sa akin. Pagkalabas ay siyang pagyuko ng mga guwardiya na nakadestino malapit sa kuwarto ko. Ayaw ko ng guwardiya sa gabi kung kaya’t wala sila pagkarating ko kaning madaling araw. Hindi ko pa rin makalimutan ang babae sa panaginip ko. Who could that be? She looks powerful. Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi niya at bakit siya nagpapakita sa akin? Binilisan ko ang paglalakad pababa at palabas ng palasyo patungo sa forest malapit sa east side. Doon makikita ang cottage ni Hecate at malapit na rin magmula doon ang River of Lithe. Pagkalabas ay naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin. Kahit alas-dies na ng umaga ay hindi pa rin ganoon kainit ang sikat ng araw. My father can’t copy the exact brightness of the sun and I think this suits Underworld better. Binilisan ko ang paglalakad magmula sa garden hanggang sa forest. May mga nakasalubong pa akong mga cyclops na nagtratraining malapit sa may forest. Yumuyuko sila at hindi ko naman sila pinapansin. May mga nymph din akong nakita sa may garden na nagaayos ng mga pananim. Even though they are illusions, creatures treat them well kahit hindi iyon utos galing sa aking ama. “Slow down Hunt, hindi aalis si Hecate sa cottage niya.” Wika ni Hermes habang tumatakbo palapit sa akin upang masabayan ako. Lahat kasi ng maadanan kinakausap. I rolled my eyes. “Shut up Hermes. Tsaka bakit ba hindi ka pa bumabalik sa Olympus?” “I have lots of time cousin besides, wala namang magawa doon.” I shake my head because of his unreasonable answers. Lahat ng Gods ay busy, well except for him and his brother. Pagkarating doon sa cottage ay nakita ko si Hecate sa kanyang garden at namimitas ng ingredients. Gagawa nanaman siguro siya ng panibagong potion for the mortals. “Hecate, I need a spell for my new mission.” Direktahang sabi ko sakanya pagkalapit ko. Malamang alam na niya ang misyon ko ngayon, malakas ang radar ng mga Gods. “Good morning to you too, Prince Hunt. Oh! And you, Hermes, welcome to the Underworld.” Sabay ngiti niya sa amin ni Hermes at kumaway naman itong katabi ko. “Thank you, Goddess Hecate, buti ka pa winelcome mo ako, yung isa jan hindi. Nananakit pa.” Nagpunas pa siya kunwari ng kanyang luha na inirapan ko lamang. Tumawa naman si Hecate sa sinabi ni Hermes at namulot ng panibagong mga halaman at inilagay sa isang lalagyan. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay, nasa kaliwang kamay niya ang mga ingredients at nagsabi ng latin spell pagkatapos ay may lumabas na puting usok sa kanyang mga kamay. Si Hecate ay Goddess of witchcraft, magic, and necromancy. Father gave him unlimited access to the Underworld and her cottage in exchange for her judgments for the prisoners of the Underworld. Madalas siya ang nagbibigay ng mga malulupit na punishment sa mga makasalanan which saves my father from thinking about it. “Here, it can remove the enhanced senses and the shifting of your target.” Inabot niya sa akin ang kulay grey na likido na nakalagay sa clear glass. Tinanguhan ko siya bilang pasasalamat at bumalik na sa palasyo upang maghanda sa bagong misyon ko. Iniwan ko na rin si Hermes doon dahil marami pa akong aasikasuhin. Pagkarating sa garden ng palasyo ay nakita ko ang alagang aso ni ama na si Cerberus, the three-headed hound dog na madalas nagbabantay sa gate of the Underworld. “Come here, Cerberus.” Pinulot ko ang bola na laruan nila at itinapon ito sa malayong lugar. Lagi namang nahahanap ni Cerberus ang bola kaya hindi na ako nagdalawang isip na ibato ito ng may halong magic. Father trained them well. Pagkabalik sa kuwarto ay inayos ko ang mga damit na gagamitin ko at nag nagpahinga saglit bago simulan ang bagong misyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD