‘King Jian’s son should be called Vaughn, the peace maker among the Gods and the Faes.’ Napatingin ako kay Vaughn habang nanlalaki ang aking mga mata dahil sa aking nalaman. Kung ganoon, si Vaughn ang anak nang hari? Siya ang rightful heir sa trono nang Terra. Napatingin akong muli sa hawak niyang papel at nang mabasa itong muli ay sa wakas nakuha ko na ang aking boses. “You are the heir.” Mahinang wika ko. Tinignan ako nang dahan dahan ni Vaughn na kapareho kong nanlalaki ang mga mata. “But how?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi namin namalayan ang tatlo na siyang may hawak na pala nang papel na naglalaman nang impormasyong hindi dapat malaman nang iba. Narinig ko ang singhap nina Apollo at Aphrodite habang si Hermes naman ay halos lumuwa ang mata habang nakatingin kay Vaughn. Bi

