“You are a Fae, but I don’t know what kind of Fae you are.” Napatitig lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano. Anong akala niya sa akin? Isa akong Fae na katulad nila? Napailing iling na lamang ako sa aking isipan. Papaano ako magiging Fae e isa akong diyos.
“You got to be kidding me, Vaughn.” Wika ko at tinitigan siya gamit ang aking seryosong ekspresyon kung saan matatakot lahat ang mga kalaban ko kapag nakikita nila ako. Ngunit matibay talaga ang heneral na ito dahil hindi man lamang siya kumurap at pinantayan pa ang intensidad nito.
“I’m serious, Hunt. You need to shift now or the pain would only worsen your condition.” Napakunot ang aking noo, anong shift ba kasi iyon? Papaano ko naman iyon magagawa kung hind inga ako isang katulad nila?
“Your back is hurting because you are not shifting to your animal form. It needs release, Hunt. Try it and you’ll gain additional power.” Kaya ba sumasakit ang aking likod dahil parte iyon nang pagshift nang isang Fae? Ngunit bakit ako nagkaroon nang ganitong kapangyarihan kung isa akong diyos? Mas nagsalubong lalo ang aking kilay dahil sa hindi ko alam kung maniniwala ba ako.
Tumalikod ako sa kaniya at naglakad palayo. Masyado na akong naapektuhan nang mga Fae na pati ang mga sinasabi nila ay pinaniniwalaan ko na. Hindi dapat ito maaari, hanggat maaari ay kailangan ko lamang kumuha nang impormasyon mula sa kanila at lumayo. Una kong misyon ang makarating sa kapitolyo at pagaralan ang mga bagay bagay bago ako bumalik sa Underworld.
Siguro dahil lamang ito sa kawalan nang aking God connection kaya sumasakit ang aking likod. Hindi ko muna ito sinabi kay Hermes dahil alam kong masyado pa silang maraming ginagawa sa ngayon at dinagdag ko pa ang pagpapahanap sa asawa ni Haring Jian. Hindi ko rin alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila ang haka haka ni Vaughn dahil wala namang saysay ito.
Pagkatapos nang sandaling iyon nagtuloy na lamang kaming muli ni Vaughn sa paglalakbay at hindi na pinansin ang isa’t isa. Hindi naman na sumakit ang aking likuran at nagpapasalamat naman ako doon dahil mas napabilis ang aming paglalakad at nakarating kami sa pinakamalapit na bayan bago pa man lumubog ang araw. Kasama ko si Vaughn na naghanap nang matutuluyan at nang makahanap ay sabay kaming kumuha nang tig-isa kaming kwarto tsaka nagpahinga.
Habang nagkahiga sa kama ay nagulat na lamang ako nang may kumatok sa aking pintuan kaya naman dali dali akong pumunta roon at binuksan ito. Nakita ko si Vaughn at napansin kong basa ang kaniyang buhok, malamang ay naligo ito. Tinasaan ko siya nang kilay upang magtanong kung bakit siya nandito. Mukhang naintindihan niya naman ito dahil tumikhim siya bago nagsalita.
“Kailangan nating kumain at makisagap nang balita kung ano ang nangyari habang wala ako sa kapitolyo.” Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin iyon kaya naman napahinga na lamang ako nang malalim at sinundan siya. Bumaba kami sa unahang palapag dahil tatlong palapag ang gusali na tinutuluyan naming ngayong gabi.
Pagkababa ay napansin ko ang madaming tao ang nakakalat. Mausok rin at maingay na para bang lahat ay nagkakasaya. Napahawak ako sa tuktok nang aking ilong dahil sa inis. Hindi ko alam ngunit sobrang naririndi ako sa ingay na ginagawa nila. Kahit ang pagtapik lamang sa mesa ay naririnig ko pa. Pumikit ako at bumuntong hininga bago hinanap si Vaughn upang sundan ito.
Nakita kong nakaupo siya sa mahabang upuan kasama ang mga lalaking may katandaan at may malalaking katawan at tyan.
Mayroon ding mga babae sa mga hita nila at halos wala na itong mga suot sa ikli ng mga damit nila. Lumapit na lamang ako sa mesa malapit sa may mga nagbebenta nang alak at nagorder nang pagkain.
Malapit lamang ito sa lugar kung saan umupo si Vaughn kaya naman kitang kita at rinig na rinig ko pa rin ang pinaguusapan nila mula rito. Nagulat naman ako nang makitang halos nakuha na niya ang loob nang mga lalaki sa mesang iyon. Iba rin gumalaw ang isang ito kaya kailangan kong magingat sa kaniya lalo pa’t mas madalas kaming magsasama ngayon.
“Ganoon pa rin naman sa Caldonia, mahigpit pa rin ang reyna at balita ko ay babalik na muna sa Hilgovia ang kaniyang pamilya dahil sa isang selebrasyon na magaganap. Nagpaiwan naman si Queen Miette dahil wala daw maiiwan sa kahariang ito.”
“Hindi ko talaga maintindihan ang pagiging mahigpit ni Reyna Miette. Hindi naman ganito si Haring Jian e.”
“Wala tayong magagawa, si Queen Miette nalang ang natitirang Silveterra sa kaharian natin.”
Rinig kong usapan nil amula sa mesa kung saan nakaupo si Vaughn. Kung gayon ay hindi na si Haring Jian ang nagpapatakbo sa kaharian. Sino naman kaya itong si Reyna Miette. Inilagay ko ang mga impormasyong ito sa aking utak nang sa gayon ay mahanap ko ang mga sagot kapag nakarating na ako sa kapitolyo.
“Here is your order.” Nagulat ako nang bigla na lamang may bumagsak na isang plato na may lamang pagkain sa harapan ko. Pagtingin ko sa taong may gawa nito ay kumindat lamang siya sa akin at muling kumuha nang orders nang ibang nakaupo rin sa bar. Kung kilala lamang ako nang Fae na ito, baka hindi niya gagawin ang ginawa niya.
Napailing na lamang ako at kumain. Masarap naman ang luto nila ngunit hindi kasing sarap nang mga gawa ni Aling Maya. Hindi ko maiwasan ang ipagkompara dahil ito ang pangalawang pagkaing natikman ko na gawa nang isang Fae.
“Ano pang balita ang mayroon?” Wika ni Vaughn at ipinagpatuloyt ko lamang ang aking pagkain habnag nakikinig sa usapan nila. Mas mainam na ito nang sa gayon ay makahagilap ako nang mga impormasyon nang hindi nila namamalayan.
“May mga goblins pa rin ang nagpapaikot ikot sa ilang parte ng kaharian, lalong lalo na sa mga madidilim na banda. Ang narinig ko sa isang military ay galing daw ang mga ito sa Underworld.”
Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ang sinabi niya. Anong ginagawa nang mga goblins dito? Kahit kailan ay hindi namin sila pinayagang lumabas sa Underworld dahil isa sila sa mga nagaalaga nang mga halaman kasama ang mga nymph nang aming kaharian. Alam kaya ito ni ama? Kung gayon ay bakit hinahayaan niya itong makarating sa lugar nang mga kalaban?
Hindi kaya pinadala niya ang mga ito upang ipahanap ako? O di kaya naman ay masiguro niyang ginagawa ko nang maayos ang aking misyon? Ang dami daming ideya ang pumapasok sa aking isipan at unti unti namang sumasakit ang aking ulo dahil dito kaya pumikit ako at hindi na muna nagisip nang kung ano ano tsaka ko ipinagpatuloy na lamang ang pakikinig.
“Hayaan niyo na lamang ang mga goblins na iyon dahil hindi magandang magkaroon muli nang ugnayan ang mga Fae sa mga diyos. Kung nandito lamang si Haring Jian ay hindi niya hahayaang magkaroon nang kahit anong interaksyon mula sa mga ito.”
“Kung sana lamang ay buhay pa siya.”
Tumahimik naman ang buong mesa at napatingin ako mula doon. Hindi ko alam na patay na pala ang Haring Jian dahil wala namang nabanggit sa mga librong nabasa ako ang tungkol sa kanyang pagpanaw. Kung gayon ay sino si Reyna Miette? Kapatid ba ito nang hari o ito ang kaniyang asawa? Ngunit anong kinalaman nang Hilgovia sa kaniya? At narinig ko pang may pamilya siya. Kung gayon ay kamag-anak niya ito.
Mukhang maraming sikretong tinatago ang pamilyang Silveterra at kailangan kong kalkalin ang bawat isang sikretong tinatago tago nila kahit gaano pa man ito katagal. Natapos na akong kumain ngunit hindi ko pa na narinig pang nagsalita ang mga lalaki sa mesa patungkol sa kaharian kaya naman tumayo na ako at nagtungo sa gilid.
Napansin kong lumipat nang mesa si Vaughn at sigurado akong ganoon rin ang gagawin niya sa kanina upang makakakalap nang impormasyon. Kumuha na lamang ako nang isang inumin mula sa babaeng dumaan sa aking harapan habang naghihintay. Pinagmasdan kong muli ang lugar at napansin kong hindi na ganoon kadami ang tao marahil ay dahil sa lumalalim na ang gabi.
“I heard they are now looking for another sets of cadet. Nais pa raw palakasin ni Reyna Miette ang hukbo nang sa gayon ay hindi basta basta masakop ang Terra nang ibang kahairan.”
“Kahit kailan naman ay hindi nasakop nang ibang kaharian ang Terra. Marahil ay takot lamang si Reyna Miette kaya ganito ang kaniyang ginagawa.”
“Hindi siya kasing lakas ni Haring Jian. Sabi nila hindi daw nauubusan nang kapangyarihan noon si Haring Jian kaya kahit kailan ay hindi tayo nasakop.”
“Iyong kapangyarihan na apoy na nagmula sa pinakaunang hari. Isa talaga ito sa mga bagay kung kaya natatawag na malakas ang ating kaharian. Ngunit nakita niyo na bang gumamit nang apoy si Reyna Miette?”
Nakita kong umiling iling ang mga tao sa mesa na kung titignan ay halos kasing edad lamang namin ni Vaughn o di kaya ay mas bata nang ilang taon. Kung ganon ay mayroong kapangyarihan nang apoy ang royal family. Idinagdag ko nanaman ang kaalamang ito mula sa mga impormasyong kinakalap ko.
Napatingin naman ako kay Vaughn nang maalala ang sinabi nang una na tumatanggap na naman sila ng mga cadets para sa military kaya saktong sakto ang pagpunta ko sa kapitolyo. Nakita ko namang nakatingin din siya sa akin kaya tinanguhan ko na lamang siya bilang pagacknowledge. Mukhang ito talaga ang nakatadhna sa akin dahil sila na mismo ang gumagawa nang paraan upang mapadali ang misyon ko. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti sa aking naisip.
Pagkatapos noon ay nagpasalamat na si Vaughn at umakyat pabalik sa kaniyang kwarto. Naghintay naman ako nang ilang sandali pa bago umakyat sa aking silid. Pagkapasok ay naligo na muna ako at nagbihis bago dumako sa aking mesa sa loob nang silid. Inilabas ko rin ang papel at panulat na dala ko mula sa bahay ni Aling Maya at isinulat ang mga impormasyong nakalap ko ngayon.
Habang nagsusulat ay naramdaman ko naman ang mindlink naming ni Hermes kaya dali dali ko itong binuksan upang makibalita sa kanila. Itinigil ko muna ang aking pagsusulat at nagpokus sa mga sasabihin ni Hermes at umaasa akong may makukuha ako mula sa kaniya.
“What’s up cousin?” Bungad niya sa akin at kung magkasama lamang kaming dalawa ngayon sa Underworld katulad nang dati ay titignan ko lamang siya hanggang sa masagot niya ang sarili niyang sagot. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon kaya naman sumagot ako sa kaniya kahit na tamad na tamad akong magsalita.
“How’s the search?”
“Woah, chill cousin. We have a lot of time to talk about that.” Napailing iling na lamang ako. Tumayo na ako mula sa mesa at humiga na lamang sa higaan habang nakikipagusap dahil alam kong marami pang satsat ang mga ito bago nila sabihin ang mga kailangan ko.
“So, how’s the trip?” Napairap ako nang tama nga ang hinala ko. Chismoso talaga ang pinsan kong ito. Napapisil na lamang ako sa tuktok nang aking ilong at napangiti nang maliit. “Quiet”
“That is very common, Hunt. Well, anything else?”
“I found out that King Jian Silveterra is dead, and the reigning family is now Queen Miette. Have you heard about her?”
“You are such a fast information seeker, cousin. Well, according to the books I’ve read, Queen Miette is a distant relative of King Jian who grew up in Hilgovia and married their king.”
So, my question has been answered then, relative niya ang babaeng iyon at hindi ang kaniyang asawa. Kung gayon, na saan ang babaeng ito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita kahit na namatay na ang kaniyang asawa?
“How about the wife? Have you found anything about it?”
“Well….” Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin kaya naman napabangon ako dahil sa inip, inaasar ba ako nang Hermes na ito? “Well what Hermes?”
“Hey chill man, okay? I’ve read that she was a beauty, but no one knows her name. “
“Can you at least describe her?”
“She is tall they say and has eyes darker than any other.” Hinintay ko pa ang kasunod nang kaniyang sasabihin ngunit nang wala na ay napabuntong hininga na lamang ako. Papaano ko mahahanap ang taong iyon kung ganon lamang ang impormasyong mayroon siya? Napakaunusual naman nang babaeng ito at kahit sa libro nang mga diyos ay walang record na nabanggit patungkol sa kaniya.
“That’s it?”
“Yup.” Huminga ako nang malalim at humigang muli sa aking kama. Mukhang mahihirapan akong buklatin ang sikreto nang babaeng ito kung pati ang mga diyos na katulad naming ay walang alam patungkol sa kaniya.
“Thanks Hermes”
“No problem big guy.” Pagkatapos noon ay naputol na ang koneksyon namin at huminga ako nang malalim dahil sa nasagap kong balita. Nakakapagtaka talaga ang babaeng iyon. Naisip kong muli ang sinabi ni Vaughn kanina na isa akong Fae at kailangan kong magshift bilang isang hayop. Napahawak ako sa aking likod kung saan ko naramdaman ang matinding p*******t.
Mukhang hindi lamang ang sikreto nang royal family nang Terra ang aking misyon. Sa ngayon ay kailangan ko ring hanapin ang sagot sa kung bakit sumasakit ang aking likod at kung papaano ko mababawi ang connection ko bilang isang diyos nang sa gayon ay makausap ko si ama patungkol dito.
Tumayo ako at isinulat sa papel sa aking mesa ang aking mga katanungan at mga dapat kong gawin. Pagkatapos noon ay kumuha ako nang tubig at uminom bago bumalik sa higaan upang magpahinga. Alam kong isang mahabang lakaran na naman ang gagawin namin ni Vaughn bukas at kailangan kong maging handa para dito.