“Let the duel, begin!” Malakas na anunsiyo nang aming training commander kasabay nang pagtunog nang kampana. Nagtitigan naman kami ni Vaughn habang unti unting inikutan ang isa’t isa. Hindi ko maalala kung naglaban na kami sa ganitong paraan noon ngunit pakiramdam ko ay mmasayang makipaglaban sa kaniya. “You learned a lot of things these past few days, Hunt. Why don’t you show me what those things are?” “You’re talking too much now Vaughn, is that the outcome of spending too much time with my cousins?” Pangaasar ko pabalik sa kaniya at itinuloy naman namin ang pagikot sa isa’t isa. Napailing naman siya at mabilis na umatake patungo sa akin gamit ang kaniyang armas. Hindi ko rin naman naiwasan ang mapangiti sa biglaang pagatake at mabilis na sinangga ito gamit ang aking black sword. Gumawa

