CLICK!
“One more, Baby.” Sabi ko kay Liway pagkatapos ay muli kong pinindot ang hawak kong camera para kunan s’ya ng litrato. Tapos chineck ko ang kuha at napangiti ako.
“Hoy, patingin naman ako! Ayos lang ba?” Sabi ng girlfriend tapos sinalubong ko ang paningin n’ya.
“Oo, ayos na ayos, Love. Ang ganda-ganda mo as always pero mamaya mo na tingnan. Pose ka pa dali.” Sabi ko kaya sinimangutan n’ya ako.
Nandito kami ngayon sa Baywalk habang nagpapahangin at naghihintay ng sunset. Bukod du’n, narinig namin na may masarap na nagtitinda ng sisig sa area kaya dinayo namin para tikman.
Bago kami nagkita rito ni Liway, hindi ko kinalimutang bitbitin ang DSLR camera ko para kumuha ng larawan for memories. Ang totoo, libangan ko ang photography. At ang paborito kong subject ay nature, wildlife, portrait, still life at architectural.
CLICK!
Napangisi ako nang tingnan ko ulit ang kuha ko kay Liway at lalong humanga sa ganda ng girlfriend ko.
“Ang daya mo, ba’t ka nakangiti? Siguro tinatawanan mo ‘ko, ‘no?” Pang-aakusa n’ya kaya umismid ako. Lakas ng amats, wala! At dahil makulit s’ya at mapilit, pinakita ko na rin sa kan’ya ang mga pictures n’ya.
“Grabe, Babe, ang galing mo naman kumuha. Kitang-kita pati pimple ko, o?” Sabay kaming tumawa nang makumpirma kong totoo ang sinasabi n’ya. Tapos hinalikan ko s’ya sa pisngi bago masuyong hinaplos ‘yun.
“Maganda kasi ang muse ko kaya maganda ang mga shots ko.” Sabi ko, pwera biro.
“Naku, binola pa talaga ako. Dahil d’yan, I love you malala.” Tumawa ako sa sinabi n’ya. Ang babaeng ‘to, hindi ko alam kung saan napupulot ang mga salitaan eh. Sino ba sa ‘min ang gen z, s’ya ba o ako? Kulit kahit kelan.
“Kain na tayo, mahal. Gutom na mga bulate ko sa tiyan. Saka naglalaway na ako sa sisig kasi naaamoy ko na.” Sabi n’ya tapos biglang kumalam ang tiyan bilang pagsegunda. Di na kami nagpatumpik-tumpik pa’t agad na tinungo ang sikat na sisigan para tikman ang pinagmamalaki nilang putahe! Mag-a-ala food vlogger muna kami ng langga ko.
***
“ANG DAMI kong nakain, hindi na ako makahinga.” Natawa ako sa reklamo ni Liway habang hinihimas ang tiyan n’ya.
Nandito kami ngayon sa gutter area sa Baywalk pa rin habang umiinom ng iced coffee. Also, nakaupo kami sa isang spot na maganda and perfect for sunset watching. At ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw kaya forda abang ako na makuhanan ‘yun ng picture. At the same time, excited na rin akong panuorin ito kasama ang girlfriend ko.
Lately, madalas kaming nasa apartment n’ya nagdi-date and bonding. Hectic kasi ang mga schedule namin both school and work kaya wala na kaming energy na lumabas pero ngayon ay medyo maluwag-luwag naman kaya sinamantala na namin.
“Ako rin kaya nga magpababa tayo ng kinain sa pamamagitan ng pagkakape.” Sabi ko na sinang-ayunan n’ya.
Maya-maya ay sabay na kaming napatingin sa nagkukulay kahel na kalangitan. Ilang minuto rin kaming walang imik dahil abala kami sa pag-lasap sa bawat sandali.
“Babe, tingnan mo ‘yung mga ibon, naghahabulan sila.” Sabi ni Liway kaya napatingin ako sa mga ‘yun at natawa kasi para silang naglalaro ng mata-mataya. Nagpapaunahan at nagpapagalingan din sila sa paglipad at pagsirko-sirko sa ere. Hindi ko tuloy napigilang kunin ang camera ko’t matiyaga silang inabangan at nang makatyempo ako’y kinuhanan ko sila ng magandang picture.
“Wow, ang galing mo talaga! Ang ganda ng shot mo sa kanila!” Papuri ni Liway though hindi ako masyadong satisfied.
“May i-gaganda pa ‘to, Babe. Ang bilis nilang lumipad kaya hindi ko makunan ng maayos. Kailangan ko pa ng practice.” Sabi ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng picture ng iba’t ibang bagay tulad ng dagat, mga bato at ng mismong sunset hanggang makuntento ako. Tapos napalingon ako kay Liway na abala sa panunuod ng paglubog ng araw.
Oh my gosh.
Ang ganda-ganda ni Liway habang nakukulayan ng dapit-hapon ang katawan n’ya. Kitang-kita rin ang ningning sa mga mata n’ya na indikasyon ng pag-asa, kaligayahan at pag-ibig. Yung itim na itim n’yang buhok ay masuyong isinasayaw ng malamig at preskong hangin. At ang mga labi n’yang nakangiti ang lalong bumihag sa ‘kin.
Dahil sa hustong kagandahang nakikita ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong itutok sa kan’ya ang aking camera at kunan s’ya ng litrato.
Tapos napukaw s’ya sa ginagawa ko kaya napatingin s’ya sa ‘kin. Takang-taka ang reaksyon ng mukha n’ya at hindi ko ‘yun napigilang i-capture ulit.
“Isay, mahal, ano na lang hitsura ko d’yan!” Natatawa n’yang saad pero umiling ako’t in-assure s’ya na kahit ano pang hitsura n’ya ay maganda pa rin s’ya sa ‘king mga mata.
“Sorry, Love. Na-distract lang kasi ako sa kagandahan mo. Mas maganda ka pa sa sunset kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na kunan ka ng picture.” Pag-amin ko. Kita kong pinamulahan s’ya ng pisngi kaya lalo pa s’yang naging cute sa paningin ko!
Gosh, sarap pisilin ng cheeks n’ya!
“Kota ka na sa pagsasabi na “maganda ako”. Ano’ng gusto mong reward?” Aniya kaya nagningning ang mga mata ko.
Tinatanong pa ba ‘yan?
“Syempre, kiss. Maraming maraming kiss!” Sagot ko dahilan para humalakhak s’ya. At dahil nag-pout ako, hindi na s’ya nagdalawang-isip na halikan ako kahit smack lang.
Tapos muli naming pinagpatuloy ang panunuod ng paglunog araw. Isinandal ko sa balikat ni Liway ang ulo ko tapos ay hinawakan naman n’ya ang aking kamay.
Kapayapaan— ‘yun ang eksaktong damdamin na nangingibabaw sa ‘kin. At alam kong ganu’n din ang nararamdaman n’ya.
Masayang-masaya ang puso ko sa simpleng sandaling ‘to sa buhay namin ni Liway at hindi na ako makapaghintay na dumating ‘yung panahon na gugugulin ko ang bawat pagsikat at paglubog ng araw na kasama s’ya.