Trouble Sleeping

1011 Words
NASA dreamland na yata ako’t malapit ko nang kainin ang coffee flavored cotton candy ko sa chocolate factory ni Willy Wonka nang makaramdam ako ng pag-uga sa kutsong hinihigaan namin ng girlfriend kong si Isay. Yun ang dahilan kung bakit nahugot ako sa mundo ng panaginip at pupungas-pungas pang idinilat ang aking mga mata para alamin kung lumindol ba. Pero sinalubong ako ng sunod-sunod na buntong-hininga ng babaeng katabi ko. Nakatalikod s’ya sa ‘kin at naka-fetal position pero mukhang hindi pa s’ya natutulog. “Baby, may problema ba? Bakit gising ka pa?” Nagulat pa si Isay nang hawakan ko s’ya sa bewang tapos dahan-dahan s’yang humarap sa ‘kin. “Sorry, Love, naistorbo ko ba tulog mo?” Oo pero wala akong pakialam sa cotton candy na kakainin ko na sana kasi mas concern ako sa pagkakakunot ng noo at salubong na kilay ng babaeng mahal ko. Masuyo kong hinaplos ang pisngi n’ya kaya ngumit sa kan’ya. “Hindi naman.” Sagot ko. Pakiramdam ko gumaan ang loob n’ya nang ilapat ko ang kamay ko sa kan’yang mukha at masuyo kong pinaglaro sa balat n’ya ang aking hinlalaki. Sa katunayan, manaka-naka n’yang halikan ang kamay ko, bagay na ikinatuwa ko naman. “Trouble sleeping?” Tanong ko. Tumango s’ya. Ang totoo, ilang gabi na rin nagkukuwento sa ‘kin si Isay tungkol sa sitwasyon n’ya. Nahihirapan s’yang matulog ng maayos, bagay na nagiging dahilan para hindi s’ya makapag-concentrate sa lessons nila sa school. Alam ko ang pakiramdam na para bang umaangat sa lupa ang mga paa mo ‘pag puyat ka kaya hangga’t maaari ay inaayos ko ang sleeping routine ko dahil hindi ako puede maging lutang sa trabaho ko. Sa kaso ng girlfriend ko, malaking factor ang stress na nararansan n’ya para hindi s’ya nito patulugin sa gabi ng maayos lalo pa’t on going ang major exams nila na sinabayan pa ng Foundation Day ng university kung saan s’ya nag-aaral. At ayon sa kan’ya, may pinaghahandaan silang video presentation. Kilala ko si Isay, masipag s’ya, matiyaga at palaban na klase ng babae. Ilang beses ko na ring nakita ang dedikasyon n’ya sa pag-aaral at masasabi kong sobra n’ya akong napabilib sa fighting spirit n’ya. Bukod du’n, hindi madali ang college kaya hindi ko rin s’ya masisisi kung madalas s’yang stress at frustrated ‘pag may mga major events sila. “Gusto mo bang ikuwento sa ‘kin kung ano’ng iniisip mo?” Sabi ko. Kita kong lumambot ang ekspresyon ng mga mata n’ya tapos ngumiti s’ya. “Marami akong iniisip, Babe. Iniisip ko ang future ko. Nao-overwhelm ako. Minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung nasa tamang kurso pa ba ako.” Pag-amin n’ya. Tumango lang ako bilang acknowledgement at hinayaan ko s’yang mag-rants nang mag-rants at magkuwento. Hindi ako umuusap hangga’t hindi n’ya sinasabi. At nang matapos s’ya magsalita ay niyakap ko lang s’ya ng mahigpit habang pinaglalaro sa mga daliri ko ang malambot at mabango n’yang buhok. “Thank you, Liway, kasi nakinig ka lang. Alam ko naman ang gagawin ko. Alam ko naman ang sagot sa mga tanong ko kasi lagi mong pinapaalala sa ‘kin ang dapat kong gawin. Kaso, minsan, nakaka-stress pa rin.” Aniya. “Gawin mo lang kung ano ang kaya mo. Yung iba na wala na sa kontrol mo, hayaan mong magpalutang-lutang sa ere kasi hindi mo na sila problema. Let the universe do the magic, my love.” Sabi ko kaya natawa s’ya. Hinalikan ko s’ya sa noo bago pinagpatuloy ang paglalaro sa buhok n’ya. Sinimulan ko na ring i-massage ang anit n’ya para antukin s’ya. “Love?” “Hmmm?” “Puede bang kantahan mo ‘ko?” Gusto ko sanang tumutol kasi sintunado ako pero gagawin ko pa rin ang gusto n’ya kasi mahal ko s’ya. “Ano’ng gusto mong kantahin ko? May request ka ba?” Pero nagsimula na rin akong mag-isip ng puedeng kantahin. Yung nakakaantok para naman makatulog na s’ya agad. Need n’ya magpahinga at may klase pa bukas ang bebe ko. “Wala. Ikaw na bahala.” “O, sige.” Sabi ko tapos sinimulan ko nang kantahin ang unang kanta na pumasok sa isip ko. “Dami ng smoke, nag-load, nag-toke, na-choke tapos nag-elevate...” Di pa nga ako tapos kumanta tumatawa na s’ya! “Seryoso ka ba d’yan?” Tanong n’ya. “Oo. LSS ako rito last time pa, eh.” Nakangisi kong sagot. Nang magtama ang paningin namin ay agad n’yang binasa ang ekspresyon ng aking mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo. At napailing na lang s’ya kasi wala s’yang bahid ng pagsisinungaling na nabasa rito. “Pambihira. Ano na lang gagawin ko ‘pag wala ka?” Aniya kaya lalong lumapad ang ngisi ko. Tapos nakita kong bumaba sa labi ko ang tingin n’ya kaya nag-pout ako. Natawa s’ya pero pinagbigyan na rin n’ya ang hiling kong halikan ako. Tapos sinabi kong tumalikod s’ya kasi yayakapin ko s’ya, bagay na ginawa naman n’ya. “Malamang dope, nag-coke, na-broke kasi hindi ka nag-behave.” Pagpapatuloy ko sa ‘king pagkanta habang masuyong hinahalikan ang bawat bahagi ng naka-expose n’yang balat sa leeg at balikat. “Love, inaantok na ako. Infairness sa kanta mo, effective.” Mahina n’yang saad sapat para marinig ko. Proud ako kaya napangiti ako. Paano, ginawa kong lullaby ‘yung tono nu’ng chorus ng kantang supposedly ay astig at mabilis! Grabe, I’m so artistic, eme. “Pikit mo na mata mo, Love. Hindi kita iiwanan. Dito lang ako sa tabi mo.” Sabi ko sa kan’ya. Hindi ko na narinig ang sagot ni Isay bukod sa mahinang hilik n’ya kaya naman natuwa ako kasi sa wakas makakapagpahinga na ang mahal ko. Lalo akong nagsumiksik sa kan’yang leeg at ilang minutong dinama ang mainit n’yang katawan at tunog ng kan’yang paghinga bago ako tuluyang hinele nito pabalik sa dreamland. “I love you, Liway...” Ewan ko pero narinig ko pa yatang sinabi ‘yan ni Isay. Kaya kahit nakapikit na ako ay sumagot pa rin ako. “Love you more, Baby girl. Sweet dreams.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD