"UHM, BABE, you okay?" Nakangisi kong tanong kay Liway nang maramdaman kong malamig ang kamay n'ya. Pero hindi dahil natatae s'ya or what, ha? Alam ko 'yun kasi nandito kami ngayon sa amusement park. For the first time since the last time we date outside eh ngayon na lang kami lumabas ulit. At napagkasunduan namin na magpunta sa amusement park kasi gusto ko at sinusunod ni Liway ang mga gusto ko.
O, sino kayo d'yan?
"Oo naman. 'Kala mo sa 'kin, takot? Puede ba, Isay?" Napahalakhak ako dahil sa sinabi n'yang 'yun! Luh, wala naman akong sinasabi, ba't ang defensive n'ya?
"So, ibig bang sabihin, excited ka nang pumasok tayo sa Horror House? Hindi ka matatakot? Kaya mo? Talagang-talaga?" Pang-aasar ko. Tapos tiningnan ako ni Liway ng masama pero imbes masindak ay lalo akong humalakhak.
Hindi fan ng horror related stuffs ang girlfriend ko, kabaliktaran ko s'ya pero dahil gusto kong pumasok kami sa Horror House ay wala s'yang choice kundi samahan ako. Na-appreciate ko naman ang pagpayag n'ya kahit na halatang tutol s'ya.
"Syempre, excited ako. Tagal naman. Saka sinong takot? Baka ikaw." Ganti n'ya. Nag-smirk na lang ako habang tila batang sabik na sabik sa pila papasok sa naturang bahay ng katatakutan.
Unti-unti nang umaabante ang pila hanggang sa makarating kami sa pinto. Matapos naming i-present ang QR code sa 'ming cellphone para makapasok sa loob ay tinatakan na kami sa braso bago pina-proceed sa loob. May mga kasabayan kaming namamasyal pero hindi ko na sila pinakialaman dahil naka-focus ako sa girlfriend ko na nanginginig na ang kamay.
"Babe, kaya mo ba?" Tanong ko sa kan'ya. Nakonsensya ako bigla kasi baka himatayin s'ya pero hindi ko pa naririnig ang sagot n'ya eh bigla akong may naramdamang humawak na malamig na kamay sa braso ko kaya napasigaw ako sa matinding takot!
"AHHHHHHHHHHH!!!!! LIWAY, BABE, NASA'N KA!!!!"
"Mahal, nandito ako!" Sabi n'ya kaya napayakap ako sa kan'ya. Hingal na hingal pa ako sa sigaw ko nang maramdaman ko ang vibration sa kan'yang dibdib kasi tumatawa ang defuta!!! Dahil sa pride eh agad akong kumalas sa pagkakayapos sa kan'ya.
"Akala ko ba hindi ka takot?" Pang-aasar n'ya.
"Hindi nga! Nagulat lang ako, 'no?" Katwiran ko. Pero ramdam kong hindi s'ya bilib sa sinabi ko kaya para mapangatawan ko ang "nagulat effect" ko ay nauna akong lumakad.
"Isabella Malaya, nasa'n ka? Bakit hindi mo 'ko hinahawakan sa kamay?" Napangisi ako sa sinabi n'ya. Sa likod ng isip ko, bahala s'ya sa buhay n'ya, total, hindi s'ya naniniwala sa sinabi ko na hindi nga ako takot.
"Isay, bumalik ka nga rito!" Aniya pero hindi ko s'ya pinakinggan. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad habang sinusundan ang mga LED lights for direction. Nagsimula na rin kaming makarinig ng mga sigaw ng ibang bisita kaya aaminin kong kinabahan na ako. Pero nagpaka-alerto ako para hindi na maulit 'yung "hindi nakakababaeng" sigaw ko kanina.
Pero tangina, nakakatakot talaga!
"Isay! Isay, Babe, halika nga rito! Miss na kita!" Sabi ni Liway. Babalikan ko na sana s'ya kaso paglingon ko sa likod ko eh nabunggo ako isang matigas na bagay. Pero saktong tigas lang kasi mas naramdaman ko 'yung lamig. At nang tingalain ko kung ano 'yun para tuluyang masipat ay gano'n na lang ang hilakbot ko dahil pigura 'yun ng isang nakakatakot na ewan, multo? Engkanto? Halimaw?
Que horror, bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko na para bang maiiyak na 'ko! Hindi na nga ako nakapagsalita nang makaramdam ako ang malalamig nilang kamay sa balat ko kaya muli ay sumigaw na naman ako habang hinahanap ang girlfriend ko!
Ang mga sumunod na eksena ay sa labas ng Horror House habang hinihimas ni Liway ang likod ko't pinapatahan ako sa pag-iyak.
"Ikaw kasi iniwan mo 'ko!" Maktol ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit ano'ng gawin ko kasi hindi ko mapigilan. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa trauma sa loob!
"Langga, hindi kita iniwan. Ikaw ang bumitaw sa kamay ko. Tinatawag pa nga kita, 'di ba? Pero dire-diretso ka lang sa paglalakad." Mahinahon n'yang saad. Lalo akong naiyak kasi kasalanan ko naman talaga. O, 'di ba? Ang gaga ko lang.
"O s'ya, s'ya Tahan na, mahal. Nandito na ako. Hindi ka na masasaktan ng mga panget na multong 'yun." Sinsero n'yang saad bago ako niyakap. Pinagpatuloy ko naman ang paghikbi ko sa kan'yang balikat habang pinapakalma ang aking sarili. Ang ending kasi ako ang takot na takot samantalang s'ya ang inaasar ko kanina bago kami pumasok sa Horror House.
Bigla ko tuloy naalala 'yung nag-hiking kami sa Mt. Ulap. Sinabihan ko s'ya na baka marupok na ang mga tuhod n'ya't hindi na n'ya kayang umakyat sa bundok. Sa huli, ako 'yung hingal-kabayo at laylay ang dila kahit na wala pa kami sa first peak samantalang s'ya, ayun, maganda pa rin at nakatawa.
Kayabangan ko kasi.
"Sakay na lang tayo sa Ferris wheel." Sabi ko sabay nguso. Natawa naman s'ya bago ako hinalikan.
"Sure ka ba na kaya mo na?" Aniya. Na-touch naman ako sa concern n'ya sa 'kin. 'Kita ko kasi na alalang-alala s'ya kanina lalo nu'ng hindi n'ya ako mapatahan.
Ganu'n kasi ako 'pag na-overwhelm, iniiyak ko talaga 'yung emosyon.
"Oo, basta hindi mo na 'ko bibitawan, ha?" Kita ko s'yang napakamot ulo pero isa sa mga natutuhan ni Liway para iwas diskusyon sa 'kin ay kagatin ang kan'yang dila at sumang-ayon na ako ang laging tama.
"Yes po, mahal. Let's go na? Ganda raw ng view sa taas, eh." Sabi n'ya dahilan para ma-excite ako. Pero bago kami tuluyang maglakad ay inangkla ko sa kan'yang leeg ang mga braso ko't kinabig ang mukha n'ya para halikan. Gulat s'ya pero ngumisi na lang ng pagkatamis-tamis nang maghiwalay ang aming labi.
"Para sa'n 'yun?"
"For always saving me. You're my savior kaya."
After ko kasing sumigaw nun ay naalarma si Liway kaya dali-dali syang tumakbo sa kinaroroonan ko't niyakap ako ng mahigpit. Pinagsisigawan nya rin yung mga nagkukunwaring multo na wag akong lapitan. Wala tuloy silang nagawa kundi mapakamot na lang ng ulo.
"Sabi mo 'yan, ah? Walang bawian!"
"Yes po. Walang bawian. Thank you, Liway. And I love you!"
"I love you more, always and forever, kahit na nagtatapang-tapangan ka lang lagi." Aniya sabay halakhak. Balak ko sana s'yang konyatan pero biglang tumakbo ang baliw! Natawa na lang ako bago ko s'ya hinabol. Gaganti ang api syempre.
Gosh, Liway. I love you so freaking much.