Yours And Mine

1473 Words
NAPANGITI ako nang makita ko si Isay ‘paglabas ko sa changing room dito sa clinic. Katatapos lang ng shift ko at dito s’ya dumiretso para abangan ako. Galing kasi s’ya sa bahay ng classmate n’ya na nasa area for the research paper ng grupo nila. Sakto, may plano kaming manuod ng sine tonight ng bebe ko dahil showing na ‘yung pelikulang inaabangan namin. Pero bago pa ako tuluyang makalapit kay Isay, humarang na sa daan ko ang co-assistant kong lalaki na bumati at lumapit sa girlfriend ko. Napahinto ako nang kausapin n’ya si Isay kaya hinayaan ko na lang muna sila saglit. Nagkunwari akong may binubutingting sa flower vase ni Doc para naman hindi awkward. Hindi ko alam kung ano’ng pinag-uusapan nila pero nagsisimula na akong mainip. Gusto ko na kasing hagkan at halikan si Isay pero ‘di ako makalapit. Napabuntong-hininga ako nang manawa na akong kumustahin ang mga bulaklak sa vase na hawak ko kaya muli kong binalingan ng tingin si Isay at ang katrabaho ko. Tapos ganu’n na lang ang gulat ko nang marinig ko silang nagtatawanan at mukhang masayang-masaya pa sila sa kung ano’ng pinag-uusapan nila. Correction, hindi ako nagseselos. Eme lang. Hindi ko mapigilang makaramdam ng panibugho kasi sino ba naman ang hindi? Pero gusto ko lang linawin na hindi ko ito usual na nararamdaman. Siguro miss ko lang si Isay kasi ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil busy s’ya sa research paper nila tapos aagawin pa ng iba ang atensiyon n’ya sa ‘kin? No way! I love her so so much, I want her, now. “Ehem.” Umubo ako. Inulit ko pa ‘yun at mas nilakasan para kapwa sila mapalingon sa ‘kin. Nang magtama ang paningin namin ni Isay ay ngumiti s’ya sa ‘kin at lumakad palapit sa kinaroroonan ko. Tapos hindi na ako nag-aksaya ng panahon, imbes na simpleng yakap ay siniil ko ng halik ang girlfriend ko bagay na ikinagulat n’ya pero ‘di na rin s’ya pumalag sa dulo. Nakita kong pinamulahan ng pisngi ang katrabaho ko tapos sumenyas na rin s’ya na mauuna nang umuwi. Tumango lang ako habang nakatitig sa kan’ya kahit na hanggang maghiwalay ang mga labi namin ni Isay. “Hey, darling. Okay ka lang?” Anya. Napakurap ako ng mga mata nang haplusin n’ya ang pisngi ko. Tapos ay masuyo akong tumingin sa kan’ya. “Yeah.” Matipid kong sagot. “Parang hindi.” “Okay lang ako, Love.” Pag-assure ko sa kan’ya. Hindi ko na hinintay na magsalita si Isay kasi muli ko s’yang hinalikan sa labi bago kinabig palapit sa katawan ko para sabay na kaming lumakad palabas ng clinic. My bebe, mine, mine. *** “GRABE, ang ganda nu’ng pinanuod natin! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin inaasahan ‘yung twist sa dulo. Ang galing ng screenwriter nila! Kudos sa production!” Sabi ni Isay habang ako naman ay ngiting wagas na pinapanuod at pinapakinggan ang pagkukuwento ng mahal ko. Ang ganda-ganda n’ya tapos nangningning pa ang kan’yang mga mata habang pinag-uusapan ang bagay na gustong-gusto n’ya. “Alam kong mas magiging magaling na screenwriter ka pa kesa sa writer ng movie na pinanuod natin, Love.” Sabi ko kaya natawa si Isay bago kinurot ang pisngi ko. Kahit masakit, nakangiti pa rin ako. “Lakas ko talaga sa ‘yo.” Sabi n’ya. “Of course.” Sagot ko bago binalingan ang menu na pansamantala kong inabandona para pakinggan ang istorya ng bebe ko. “Naka-order ka na ba, mahal ko?” “Ay, yes, yes meron na. Tawagin na natin ang waitress.” Sabi n’ya sabay lingon sa likuran para magtawag ng waitress. Agad na lumapit sa ‘min ang isang babae. Akma ko nang sasabihin ang order ko pero mas naka-focus s’ya kay Isay kaya naman hinayaan ko na lang na mauna ang girlfriend ko na magsalita. “And that’s my order.” Sabi ni Isay sabay baling sa ‘kin. “Ano sa ‘yo, Love?” Sasagot na sana ako pero natigilan ako nang makita kong hindi nakatingin sa ‘kin ang waitress. Kasi nakangisi pa rin s’ya habang nakatitig kay Isay! “Uhm, sure ka, ‘yun lang order mo?” Malandi n’yang tanong kay Isay. Alam kong malandi ‘yung tono n’ya kasi, basta, alam ko lang! “Ha? Oo, ‘yun lang. Yung sa girlf…” “Pero meron kaming promo. Kapag in-avail mo ‘to, may free dessert ka. Although puede ko naman ibigay ‘yung free dessert basta pumayag ka lang lumabas kasama ko sa susunod.” Pareho kaming nagulat ni Isay dahil sa sinabi n’ya. Nagkatitigan din kami tapos ay muli kong binalik ang tingin ko sa maharot na waitress na ‘to. “Sorry, Miss, pero may girlfriend na ang babaeng niyayaya mong lumabas.” Sabi ko. Naramdaman yata ni Isay ang tensyon sa boses ko kaya hinawakan n’ya ang kamay ko para mapakalma ako. “Huh? Well, I don’t care kasi I’m sure na hindi sila bagay.” Nagtiim-bagang ako pagkasabi n’ya nu’n lalo pa nang ibaling n’yang muli ang kan’yang atensyon kay Isay sabay hawak sa braso nito. “Kaya pumayag ka na. Promise, hindi ka magsisisi kasi may alam akong place na magandang puntahan.” “Sorry pero ang bastos mo sa part na hindi na sakop ng trabaho mo ang ginagawa mo sa customer mo. Isa pa, sinabi ko na na may girlfriend ang babaeng pinopormahan mo at ako ‘yun. Ngayon, kung ayaw mong ireklamo kita sa manager mo, kunin mo na lang order namin at umalis ka na. Or, kung gusto mo, kami na lang aalis kasi bigla akong nawalan ng gana na kumain sa lugar n’yo.” Pagtataray ko. Agad namang kinain ng hiya ang waitress kaya napatayo na si Isay para pumagitna sa ‘min. Pero hindi ako nagpasupil, inirapan ko pa lalo ang naturang babae kaya ang ending ay niyaya na lang ako ni Isay na umalis na. *** NAPABUNTONG HININGA ako kasi nakasimangot pa rin si Isay sa ‘kin at ayaw akong kausapin. Kanina pa kami rito sa kotse pero nasa parking lot pa naman kami ng mall na kinaroroonan namin. Tinatanong ko s’ya kung saan na lang kami kakain pero hindi sumasagot ang langga ko. OMG, galit ba s’ya sa ‘kin? “Ano sapalagay mo ‘yung ginawa mo kanina? Babe, kamuntik ka pang mapaaway!” Frustrated n’yang saad. Alam ko naman ‘yun pero deserve din kasing mapahiya nu’ng epal na babaeng ‘yun! Okay, alam kong hindi na ako logical sa part na ‘to. Feeling ko kasi nainsulto ako. At nagselos talaga ako. Pero syempre mali pa rin ang inasal ko. “I’m sorry.” Malungkot kong saad sabay yuko ng ulo. Narinig ko namang napabuntong-hininga si Isay bago hinawakan at pinisil-pisil ang hita ko. “I know you’re sorry at tinatanggap ko ang apology mo, Love. Gusto ko lang malaman mo na kahit sino pa man ang lumandi sa ‘kin d’yan eh walang effect kasi ikaw lang ang gusto ko.” Anya kaya napangiti ako. “Alam ko naman ‘yun. Nagselos lang talaga ako kaya ‘di ko napigilan ang bugso ng damdamin ko. Sana hindi kita nasakal.” Natatakot ako na baka magbago ang tingin sa ‘kin ni Isay pero understanding ang girlfriend ko. Hindi n’ya pinaramdam sa ‘kin na nadismaya ko s’ya. “Hinding-hindi. Normal na magselos ka kasi ‘yan din ang mararamdaman ko ‘pag may kung sinong umaali-aligid sa ‘yo, ‘no? Basta, ano’t ano pa man ang mangyari, sa ‘yo ako at akin ka. Okay? And, Love, ang hot mo pala talaga mag-selos, ‘no? Bibihira ko lang kasi makita pero napaka-territorial! Rawr!” Anya kaya nagkatawanan kami. Tapos hindi na ako nagdalawang-isip na hapitin ang mukha n’ya para halikan ang labi n’ya. I miss her so much na parang ayaw ko nang tigilan ang paghalik sa kan’ya. Kaya kapwa kami hingal kabayo nang maghiwalay ang aming mga labi. “Gosh, calm down. Masusugatan mo na labi ko. Ano, sabik lang?” Pang-aasar n’ya. Natawa naman ako bago binuhay ang makina ng sasakyan ko. “Mag-order na lang tayo ng takeout tapos sa bahay na lang tayo kumain. Para naman masolo na kita kesa naman makasapak pa ako ng mga pampam…” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang hampasin ni Isay ang hita ko. “Love, mapapa-away ka pa, eh!” “Charot lang, ikaw naman!” Natatawa kong saad. Inirapan lang ako ni Isay sabay iling. Pero along the way, naramdaman kong hinawakan n’ya ang libreng kamay ko saka pinisil-pisil ‘yun. Napapangiti naman ako habang nakatutok sa daan ‘pagkat ramdam ko ang pagmamahal n’ya kahit hindi n’ya ito sabihin. Alam ko, ramdam ko na sa akin s'ya at sa kan'ya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD