Pick One Paper Challenge

1321 Words
MAY NAPANUOD akong challenge sa social media na gusto kong gawin namin ng girlfriend kong si Liway. Kaya nag-ready ako ng mga papel kung saan mamimili s'ya ng puede naming gawin for our date. Ngising-aso ako habang inihahanda ang mga materyales nang maabutan n'ya. Galing kasi s'ya sa CR at katatapos lang n'yang maligo. "Hi, darling." Aniya sabay sipat sa bagay na itinatago ko sa 'king likuran. "Isay, ano 'yan? Patingin!" Sabi n'ya pero imbes na sundin s'ya kaagad eh tumingkayad muna ako para nakawan s'ya ng halik sa labi. Ang bango!! Kagigil. "Akala mo siguro madi-distract mo 'ko, 'no? Ano nga kasi 'yang tinatago mo d'yan sa likod mo?" Natatawa n'yang tanong. Sinubukan n'yang dungawin pero umiwas ako para hindi n'ya makita. Lalong nagsalubong ang kilay ng maganda kong girlfriend dahilan para mapangisi ako. "Wala naman pero may gusto akong gawin tayo..." Kita kong tumaas ang isa n'yang kilay kaya napahalakhak ako. Tumawa rin s'ya matapos n'yang ma-gets ang dahilan ng pagtawa ko. "Hoy, hindi 'yun kamanyakan, baliw!" Sabi n'ya kaya umismid ako. Ba't ka defensive, mahal ko? "Charan." Sabi ko sabay pakita sa kan'ya ang dalawang papel na sinulatan ko ng puede n'yang pagpilian for our date spot for today's video. "Ano 'yan?" "May uso kasing challenge ngayon sa t****k, naisip ko na subukan natin. Pili ka ng isa, tapos 'yun ang gagawin natin for our date." Ngumiti si Liway sabay tango tapos nag-concentrate sa pagpili ng papel. Maya-maya ay kinuha n'ya ang nasa itaas na bahagi at binasa 'yun. "Museum date?" Ngumisi ako sabay "oo" bilang pagkumpirma sa nabasa n'ya. Kulang na lang pumalakpak ang dalawang tenga n'ya sa labis na saya. Alam kong matagal na n'yang planong bumisita sa isang local museum dito sa 'min pero hindi magtugma ang aming schedule kaya hindi s'ya pumupunta. Kaya hindi na kami nag-aksaya ng panahon at nag-drive na kami papunta sa first venue ng aming date. Excited na ako kasi first time kong bumisita sa isang museum. Si Liway kasi maraming beses na. Although we're both fascinated sa mga bagay-bagay sa past pero mas historygeek ang girlfriend ko. Like, as in, mahilig s'yang manuod ng mga old film and documentary regarding mankind at ang paborito n'yang subject noong nag-aaral s'ya ay social studies, world history and Philippine history. Taob nga ako sa mga trivia's na alam n'ya kasi ang galing-galing talaga n'ya. Kaya alam kong matutuwa si Liway na pupunta kami ngayon sa museum. "Grabe, parang ayoko nang umalis sa loob, Babe. Ang daming interesanteng bagay!" Aniya na sinundan ng isang malapad na ngiti. Kalalabas lang namin sa naturang museum na binisita namin today at sobrang nag-enjoy kami. May point na kulang na lang ay ma-out of place ako kay Liway at sa babaeng museum curator dahil sila na lang ang nagdadaldalan. Pero natutuwa naman akong panuorin sila at pakinggan kasi para silang teacher na nagtuturo! Feeling ko tuloy bumalik ako sa klase namin sa social studies ng 'di oras. "Ano'ng sunod nating gagawin?" Tanong n'ya. Medyo gutom na kami kaya inilabas ko na ang mga papel na pagpipilian n'ya kung saan kami kakain. Well, Korean restaurant ang nakuha n'ya kaya du'n kami nag-lunch. And since nasa mall na kami, nag-window shopping muna kami para magpatunaw. Tapos may nakita kaming ice skating rink si Liway at naalala n'yang gusto kong matutong mag-figure skating. Kaya hindi na ako nagpapilit pa't dali-dali kaming pumasok doon para magpa-register. Again, pareho naming first time pero hanep kasi ang galing agad bumalanse ni Liway! "Babe, hintayin mo 'ko!" Sigaw ko. Natawa s'ya tapos binalikan ako. Giniginaw na ako kaya 'di na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. "Okay ka lang ba, mahal ko?" Pilya n'yang tanong. Hinawakan n'ya ang mga kamay kong balot ng gloves saka tinulungan ako para makapagpadulas. "Mukha ba akong okay? Iniwanan mo kaya ako!" Maktol ko kaya hinilakan n'ya ako sa labi para mawala ang tampo ko. Effective naman kasi ngising aso na ako 'pagkatapos. After nu'n ay inalalayan na n'ya ako para sabay na kaming mag-skate. O, 'di ba? Feeling ko prinsesa akong inaalalayan ng aking reyna. Pero, as usual, mas marami pa rin akong umpog moments na tinawanan pa talaga ni Liway. Paka-epal talaga. "Grabe, Babe, ang sakit ng pwet ko." Reklamo ko tapos natawa sa 'kin si Liway. Agad n'yang hinawakan ang pwet ko't minasa-masahe 'yun. "O, ayan? Okay na ba?" Tanong n'ya. "More pa, mamaya 'pag-uwi." Sabi ko kaya napangisi s'ya sa 'kin. Kinompirma ko 'yun ng pagngisi rin. Ganito talaga kami magmanyakan. "Ano pang susunod nating gagawin?" Tanong n'ya matapos kong ilabas ang another set of papers na pagpipilian n'ya. Katatapos lang namin bumili ng maiinom kasi nauhaw kami sa paglalaro at paglalandian sa skating rink kanina. Yun lang talaga 'yun. "Ah, arcade!" Nagulat ako kasi sumigaw s'ya matapos n'yang basahin at bunutin ang nasa ibabang bahagi na papel. But, at the same time, natuwa rin ako kasi gusto ko ring maglaro. Kahit man lang sa parteng 'yan ay makapaghiganti ako sa kan'ya du'n sa ice skating rink kanina. Feeling ko kasi palpak performance ko du'n! So, para sa 'ming arcade date ng langga ko, nandito kami ngayon sa basketball machine para magparamihan ng puntos sa maisu-shoot na bola. Tawa pa kami ng tawa habang naglalaro kaya hindi kami makapag-concentrate. Lalo pa akong nawala sa focus nang tamaan ng bola si Liway sa ulo kasi napalingon s'ya sa 'kin. Plano kasi n'ya akong asarin dahil nakakalamang na s'ya, ayan, kinarma. "Parang naalog utak ko du'n, love, ah?" Reklamo ni Liway kaya lalo akong natawa. Pero naawa rin naman ako sa kan'ya kasi mukhang nasaktan s'ya kaya chineck ko rin kung may bukol s'ya and unfortunately nabukulan nga ang bebe ko. Kiss ko na lang muna for temporary relieve of pain. Anyway, sa pagpapatuloy ng aming date. Nandito naman kami ngayon sa shooting arcade game kung saan pinilit lang ako ni Liway kasi tuwang-tuwa s'ya sa pakikipagbarilan sa mga zombies samantalang ako eh diring-diri sa makatotohanang graphic nito. Also, ang bigat ng pekeng baril, ngalay na ngalay ang braso ko kaya ang ending na-game over agad ang character ko. Hinayaan ko na lang na maglaro si Liway habang kinukuhanan s'ya ng picture lalo pa't kitang-kita kong nawiwili s'ya sa ginagawa n'ya. At nang lumabas ang salitang "Victory" sa screen ay sabay kaming napatalon sa tuwa. Well, proud girlfriend here. Marami pa kaming arcade games na nilaro na pareho kaming nag-enjoy. Pero isa sa pinaka paborito ko ay 'yung huli naming sinubukan, ang claw machine. "Teka, langga, makukuha ko 'to." Sabi ni Liway habang todo concentrate kung saan magandang anggulo ibaba ang claw. Napakagat labi rin ako habang pinapanuod kung paanong strategy ang gagawin n'ya. Nag-promise kasi s'ya sa 'kin na kukunin n'ya ang stuff toy na gusto ko sa loob ng naturang machine na nilalaro namin. "Please, please, please, kumagat ka." Aniya at nang masungkit ng kamay ng machine ang damit ng laruan na target n'ya ay napatalon kami sa tuwa. Tapos pinanuod namin ang pag-angat nito at pagpunta sa butas kung saan inihulog nito du'n ang aming premyo! Mabilis na kinuha ni Liway ang laruan saka binigay sa 'kin. Hindi naman malaki 'yung stuff toy pero para sa 'kin espesyal 'yun at walang katulad kasi pinaghirapan 'yung kunin ng girlfriend ko. "Masaya ka ba, love?" Tanong n'ya sa 'kin. Tumango ako sabay halik sa kan'ya. Dapat ako ang nagtatanong n'yan sa kan'ya pero mukhang alam ko na ang sagot. Kitang-kita 'yun sa mukha n'ya at ningning ng kan'yang mga mata. "Thank you, Isay, kasi kahit napagod tayo, worth it naman ang araw na 'to. Espesyal ang lahat ng araw na kasama kita pero 'yung ngayon sobrang naging espesyal." Sabi n'ya bago ako niyakap at hinalikan sa noo. Niyakap ko rin s'ya ng mahigpit at nagpasalamat sa universe dahil binigyan n'ya ako ng tao na makakasama kong gawin ang lahat ng kabaliwan na gusto kong gawin at magiging kapareha ko sa mga simple pero memorable na date namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD