Misunderstanding

1199 Words
“LIWAY, payagan mo na akong sumama sa swimming namin ng mga classmates ko. Promise, magpapakapabait ako para hindi ka mag-alala.” Napabuntong hininga ako matapos akong maktulan ni Isay. Pero buo na ang desisyon kong hindi s’ya payagang sumama sa night swimming nila dahil delikado ‘yun at baka mapahamak s’ya. Hindi n’yo ‘ko masisisi, hindi marunong lumangoy si Isay. Plus praning ako, pa’no kung may mangyaring masama sa kan’ya tapos hindi ko s’ya matulungan kaagad? Yun ang mga dahilan kung bakit naging sarado ang mga tenga ko sa pagpapaalam n’ya kahit dapat ay hindi ko s’ya pinagbabawalan. “Sumama ka na lang kaya para naman mabantayan mo ‘ko.” Sabi n’ya kaya napatingin ako sa kan’ya sabay iling. Ayoko. Hindi ko ka-edaran ang mga classmates n’ya at baka ma-out of place lang ako. Kaya sinabi ko sa kan’ya na hindi ako available kahit wala naman talaga akong gagawin sa petsang ‘yun. “Ang labo mo naman kausap. Ayaw mo ‘kong payagang sumama sa mga kaklase ko pero ayaw mo rin akong samahan. Alam mo kung gan’yan ka, bahala ka sa buhay mo, gagawin ko pa rin ang gusto ko.” Sabi n’ya. At dahil mainit din ang ulo ko’y hindi ako nagpatinag sa kan’ya. “Bahala ka kung ‘yan ang gusto mo.” Sagot ko. Kita kong nabigla s’ya sa sinabi ko pero hindi ko na ‘yun binawi pa. Hindi kami nag-imikan ni Isay hanggang sa nagpaalam na s’ya para umuwi. Although hinatid ko naman s’ya sa kanila, walang goodbye kiss at walang goodnight ng gabing ‘yun. *** NANG SUMUNOD NA ARAW, hindi kami nag-uusap ng girlfriend ko. Siguro, nagpapatigasan kami ng loob at nagpapataasan ng ego. Nami-miss ko na s’ya, given ‘yun, pero ayoko s’yang suyuin dahil baka isipin n’yang panalo s’ya at pinagbibigyan ko na s’ya sa gusto n’yang mangyari. Kaya lumipas ang maghapon hanggang mag-gabi na wala akong naririnig tungkol kay Isay. Inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho kaya hanggang pag-uwi sa apartment ko ay gusto ko na lang matulog dahil sa tinding pagod. RING… RING… “Sino ba ‘yun?” Inis kong tanong matapos kong magising sa sunod-sunod na tawag sa ‘king cell phone. Tapos nagtaka pa ako nang makita kong galing ‘yun sa isang unregistered number. Nagdalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko o bababaan ko na lang ng tawag at iba-block. Pero may kung ano’ng puwersa ang nagtulak sa ‘kin para sagutin ang naturang tawag. “Hello?” Tanong ko sa kabnilang linya. Nag-inat-inat pa nga ako bago sumandal sa headboard ng aking kama. “Hello po? Si Ate Liway po ba ‘to?” Boses ‘yun ng hindi ko kilalang babae kaya agad na nagsalubong ang aking kilay. “Oo. Sino ‘to?” “Kaklase po ako ni Isay. Ate, nandito po kami ngayon sa ospital. Dinala po namin s’ya rito kasi kamuntik na po s’yang malunod kanina. Pumunta na po kayo kasi hinahanap n’ya kayo nu’ng nagising s’ya.” Hindi ko na masyadong narinig ang sinasabi ng babaeng kausap ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Tapos nanlalabo na rin ang mga mata ko sa luha pero nakuha ko pang i-ground ang sarili ko upang hindi mataranta at makapag-isip ng maayos. Nang masigurado kong ligtas na’t malayo sa kapahamakan ang girlfriend ko ay nag-drive na ako ng maingat patungo sa ospital na kinaroroonan n’ya base sa address na binigay ng kausap ko. Habang daan, hindi ko mapigilang kainin ng matinding konsensya kasi nagawa kong tiisin si Isay nang dahil lang sa ayokong maapakan ang pride ko. Nakuha kong matulog ng mahimbing nang hindi s’ya nakukumusta. Sa likod ng isip ko, sinisisi ko ang sarili ko. Aandap-andap ang dibdib ko nang tahakin ko ang pasilyo ng ospital papunta sa kuwarto kung nasa’n si Isay matapos kong ipagtanong sa information desk ang kinaroroonan n’ya. Sa pinto pa lang ay sinalubong na ako ng ilan n’yang kaklase. Bago ako pumasok sa silid ay nagpasalamat ako sa kanila kasi dinala agad nila si Isay sa ospital, hindi iniwan o pinabayaan at higit sa lahat ay tinawagan ako. “Liway, baby.” Sabi ni Isay matapos akong makita ‘pag pasok ko sa pinto. Agad na natunaw ang puso ko kaya nagmadali akong maglakad papunta sa kan’ya para hagkan s’ya. Hindi ko na rin napigilang umiyak sa sitwasyon n’ya. “Ano’ng nangyari, mahal? Sabi ng kaklase mo, kamuntik ka na raw malunod?” Tanong ko matapos suriin ang mukha at katawan n’ya. So far, mukhang okay s’ya. “Oo. Kasalanan ko kasi pinilit kong pumunta sa malalim na bahagi nu’ng pool kahit pinagsabihan na nila ako. Nagmamayabang kasi ako. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong lumangoy pero ayun, napahamak ako. Sorry kasi hindi ako nakinig sa ‘yo. Hindi siguro ‘to mangyayari kung ‘di na lang ako sumama sa night swimming namin.” Anya na punong-puno ng pagsisisi at pagka-guilty ang mukha at boses. Napailing ako’t niyakap s’ya ulit bago nagsalita. “Ayos lang na sumama ka, Isay, kasi karapatan mo ‘yan. Ang hindi ayos eh ‘yung may nangyaring masama sa ‘yo. Sorry din kasi naging mahigpit ako sa ‘yo, bagay na hindi ko dapat ginawa. Tapos hindi man lang kita kinumusta. May kasalanan din ako rito dahil pinabayaan kita. Sana sumama na lang ako para nabantayan kita. Hindi sana nangyari ‘to.” Sabi ko. Tumango naman si Isay saka ako niyakap. Nag-sorry ulit ako sa kan’ya bagay na tinanggap n’ya tulad nang pagtanggap ko sa pagpapaumanhin n’ya. “I-set aside na lang natin ang nangyari. Ang mahalaga safe ako, Babe.” Sabi n’ya na sinang-ayunan ko. Masuyo kong hinaplos ang mukha n’ya saka hinalikan ang kan’yang labi. “Hindi ko kakayanin ‘pag nawala ka sa ‘kin, Isay. Wag mo na ulit ako tatakutin ng ganu’n, ha? Para akong aatakihin sa puso!” Nagkatawanan kami sa sinabi ko. “Ako naman ang hindi papayag na iwanan mo kasi inatake ka sa puso.” “Seryoso ako du’n, langga.” “Mas seryoso ako du’n, Liway.” Anya. Ayan na naman s’ya, ayaw patalo. Pero na-realize ko na pareho lang kaming takot mawala ang isa’t isa. “Thank you kasi pumunta ka. Mas magiging okay na ako dahil nakita kita.” Pag-amin n’ya. “Walang anoman. At wag kang mag-alala kasi aalagaan kita hanggang bumuti ang pakiramdam mo, love. Hindi rin muna kita papakawalan sa tabi ko, kung kinakailangang itali kita sa bewang ko, gagawin ko wag ka lang mawala sa paningin ko. Pero syempre, biro lang.” Nagkatawanan ulit kami ni Isay bago ko s’ya hinalikan sa noo. “Love you, Baby girl.” Sinsero kong saad. Niyakap naman n’ya ako ng mahigpit bago sumagot. “Love you more, Mima.” Anya kaya natawa ako. Okay na ang pakiramdam ko dahil safe si Isay. Thankful din ako kasi walang nangyaring masama sa babaeng pinakamamahal ko. Ayokong mawala s’ya sa ‘kin. Hindi ko kakayanin. Meron din akong natutuhan sa misunderstanding na ‘to. Una na du’n ay matutong makinig at huli ay ibaba ang ego lalo na kung para sa babaeng mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD