"GRABE, ang sarap naman nitong cake na 'to! Wait, bakit may pa-cake ka pala, mahal? Ano'ng okasyon?" Napangiti ako sa tanong na 'yun ni Isay. Busy pa naman ako sa pagkuha ng isa pang piraso ng masarap na cake na binili ko para sa kan'ya.
"Uhmmm, to celebrate?" Sagot ko bago hilahin ang upuan sa tabi n'ya saka umupo.
"Celebrate what? Hindi naman natin monthsary or birthday?"
"Gusto ko lang bumili ng cake kasi naalala ko last time nagki-crave ka rito. So, sabi ko, bibilhan kita para sabay nating kainin. Nagustuhan mo ba?" Masuyo kong tanong bago inalis ang excess icing sa labi ng maganda kong girlfriend pero makalat kumain.
"Ang sweet mo naman! Dahil d'yan, kiss kita. Pero mamaya na pagkaubos ko nito, sarap eh. Halata bang gustong-gusto ko?" Natawa ako tapos pinagpatuloy na rin ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay nag-volunteer si Isay na maghugas ng pinggan kahit na sinabi kong ako na. Pero in all fairness sa girlfriend ko, 50/50 kami sa mga gawaing-bahay.
Halimbawa, 'pag ako ang nagluto, s'ya ang naghuhugas ng pinagkainan namin o minsan ay baliktad naman. Hindi pa kami nagli-live in pero napaka-normal na sa 'min ng ganu'ng setup. Malaking bagay din ang mga tulong n'ya kasi napapagaan n'ya ang buhay ko lalo na 'pag pagod ako sa trabaho at wala nang panahon para magluto ng matinong pagkain. As in, plakda na lang pag-uwi sa bahay.
"Ay!" Sigaw ni Isay. Kinabahan ako ng husto kaya napatakbo ako sa kinaroroona n'ya at nakita ko s'yang nakatuntong sa bangko para palitan ng bagong bombilya ang busted light bulb ko sa CR. Siguro nawalan s'ya ng balanse kanina.
"Ano sapalagay mo 'yang ginagawa mo? Baka madisgrasya ka!" Nakataas kilay at nakapamewang kong tanong. Natawa naman s'ya bago pinagpatuloy ang ginagawa. Dali-dali ko naman s'yang inalalayan saka hinawakan ng mabuti ang upuang tinutuntungan n'ya.
"Ako ang kinakabahan sa ginagawa mo, eh." Pag-amin ko. Pinanuod ko lang s'ya habang tila eskpertong pinipihit ang pundidong ilaw para alisin sa socket.
"Hindi naman ako mapapaano. Saka nandyan ka para saluhin ako pag nalaglag ako, Babe." Sabi n'ya kaya napangiti na lang ako. Of course, hindi ko papayagang masaktan ang girlfriend ko.
"Napansin ko kasi na hindi na gumagana 'tong ilaw sa CR nu'ng gagamit ako kanina. Mabuti may stock ka kaya naisip kong palitan." Sabi n'ya. Bigla ko tuloy naalala na nu'ng nakaraang araw pa kumukurap-kurap ang naturang bombilya. Wala lang akong time palitan hanggang sa nakalimutan ko na't tuluyang napundi.
"Done." Aniya.
Inalalayan ko s'yang makababa ng upuan tapos ay ipinulupot n'ya sa 'king leeg ang mga braso n'ya't kinabig ako para halikan. Hindi pa nga ako agad naka-reak at tawang-tawa ang lukaret dahil natameme ako. Ngumisi na lang ako saka ninakawan s'ya ng isa pang halik.
Ano'ng magagawa ko kung nabitin ako?
"Thank you." Magiliw kong sabi sa kan'ya. Naka-angkla pa rin ang mga braso n'ya sa leeg ko at nandito pa rin kami sa CR. Nagsimula kaming sumayaw nang dahan-dahan.
"Thank you saan? Sa pagpapalit ng ilaw?"
"Higit pa du'n. Thank you kasi dumating ka sa buhay ko. Thank you kasi nakilala kita. At minahal mo 'ko." Kita kong lumambot ang ekspresyon ng mga mata ni Isay kaya alam kong tumagos sa puso n'ya ang mga katagang binitiwan ko.
"Walang anoman, sinta. Pero hindi lang ikaw ang magpapasalamat kasi ako rin. Korny man pakinggan pero binigyan mo ng kulay ang buhay ko. Marami akong natutuhan sa 'yo kung alam mo lang. At lahat ng 'yun, tini-treasure ko." Ngising-aso na ako sa mga sinasabi n'ya kaya muli ko s'yang hinalikan bilang tugon, bagay na buong pagmamahal naman n'yang tinugunan. Tapos nagkatawanan kami nang maghiwalay ang aming mga labi.
***
"PATATAS, check. Carrots, check..." Napatingin ako kay Isay na busy sa pakikipagtitigan sa chocolate na nasa harapan n'ya. Magkasama kami ngayon sa grocery.
Sa totoo lang, kami 'yung uri ng couple na domesticated. Bonding na namin ang mag-stay sa bahay, gumawa ng mga household choirs, mag-grocery, magluto, name it. We enjoy outdoor activities din naman such as hiking but my girlfriend isn't a type na mayayaya mong lumabas palagi lalo na kapag rest day namin, ako sa work, s'ya sa school. Pareho kasing pagod na pagod ang aming utak at katawang lupa kaya mas prefer naming mag-stay at home.
Kahit pagtulog, bonding namin! Hehe
"Love, gusto mo ba 'yan?" Tanong ko sa kan'ya. Tapos nilingon n'ya ako saka tinanguan na parang nagpapaawang pusa.
Grabe, ang cute!
"Kaso kulang na ang pera ko. Lalagpas sa budget ko kaya saka na lang siguro." Sabi n'ya. Pero hindi ko s'ya pinakinggan, sa halip, kumuha ako ng tatlong pirasong chocolate bar saka inilagay 'yun sa cart na tulak-tulak ko.
"Liway, wala akong pambayad d'yan!" Maktol n'ya.
"Sinabi ko bang babayaran mo? Akin na 'to."
"Wag na. Nakakahiya, Babe." Natawa ako sa sinabi n'ya but at the same time gusto kong ipaintindi sa kan'ya na ayos lang at walang kaso 'yun.
"Naalala mo 'yung nag-first place kayo sa film festival n'yo? Hindi tayo nakapag-celebrate kasi nagkasakit ka ulit kinagabihan. Nabinat ka kasi. Kaya naisip ko, magluluto ako ng masarap ngayon para naman matuloy na ang celebration natin. Yang chocolate saka yung cake kanina, reward mo for doing such a great job. So, wag ka nang tumanggi, sige ka, baka magtampo ang grasya." Sinsero kong saad sabay halik sa pisngi n'ya. Ngumiti naman ng pagkalapad-lapad at pagkatamis-tamis ang bebe kong maganda.
"Nakakarami ka na ng halik sa 'kin, ah?" Aniya kaya napahalakhak ako. Nagsimula na ulit kaming maglakad habang naglilibot upang kompletuhin ang mga rekados ng putaheng plano kong lutuin for our dinner date.
"Bakit? Ayaw mo?"
"Sinabi ko bang ayaw ko?"
"Yun naman pala, eh. Yaan mo, mamaya, mas marami ka pang makukuhang kiss kasi ang galing-galing mo. Proud ako sa 'yo, Langga."
"Thank you, Gah. Aabangan ko 'yang kiss mo, ha? 'Lam mo kasi, 'yan 'yung pinaka gusto ko sa lahat ng mga reward ko."
"Ah, gano'n ba? Sige, balik ko na 'tong mga tsokolate."
"Hoy, charot lang naman! Di ka na mabiro!" Alburoto n'ya bago kami nagkatawanan. Hindi na rin mabura ang ngiti ko sa labi kasi masayang-masaya ang pakiramdam ko.
Kahit gaano pala kasimple ang mga bagay na ginagawa n'yo, nagiging espesyal kasi kasama mo ang taong mahal mo.