Craving For You

931 Words
NAPAHALAKHAK ako nang sumayad sa tagiliran ko ang mga daliri ni Liway. Dahil du'n, napatingin s'yas a 'kin habang nagtataka. Kasalukuyan pa naman kaming nakahiga sa kama, magkayakap habang s'ya ay abalang-abala sa paghalik sa leeg ko. "At ano'ng nakakatawa?" Tanong n'ya. Ramdam kong pinaglalaro n'ya pa rin sa balat ko ang mga daliri n'ya kaya magkahalong tuwa at sarap ang namumutawi sa 'king dibdib. "Alam mo namang may kiliti ako d'yan." Sabi ko sabay nguso sa bewang ko. Napa-"oh" naman s'ya but not apologetic sa halip eh tuluyan na nga akong kinilit ng baliw! Grabe 'yung tawa ko kasunod nu'n. Tapos hindi na ako naka-reak pa nang paibabawan n'ya ako't itaas ang mga braso ko sa 'king ulunan habang saktong higpit na hawak ang mga 'yun. "Hi, Darling. You really look gorgeous." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang rumehistro sa 'king pandinig ang sexy n'yang boses. "Ang ganda-ganda mo, Isay. Para kang Diyosa na galing sa langit tapos bumaba sa lupa." Alam kong sinsero ang pagkakasabi n'ya ng mga papuring 'yun but still nagtataka pa rin ako. "Ano'ng meron, Love? Bakit parang ang extra sweet and clingy mo yata?" Natatawa kong tanong. Pinagmasdan ko lang ang pagguhit ng mapanuksong ngiti sa kan'yang labi bago n'ya inilapit sa 'kin sa 'kin ang kan'yang mukha. "Wala naman. But, ano, I'm craving for you." Hindi na ako nakapagsalita nang angkinin n'ya ang aking labi at nagsalo kami sa isang mainit na halik. Hindi ko maikakaila na sobrang sarap ng ginagawa n'ya sa 'kin kaya napa-ungol na ako. At tila nagugustuhan ng girlfriend ko ang aking reaksyon kaya mas nilaliman n'ya pa kan'yang mga halik. May punto na kinagat-kagat na rin n'ya ang pang-ibabang labi ko bago pinasadahan 'yun ng mainit n'yang dila. "Open your damn mouth, young lady." Goodness, ang baritono ng boses at ang demanding! Pero dahil pasaway ako, lalo kong hindi ibinuka ang bibig ko. Nang maramdaman n'yang nakikipaglaro ako sa kan'ya ay muli n'yang pinagapang ang kan'yang kamay saka hinimas ang tagiliran ko. Napa-igtad ako sa kiliti at natawa. Yun ang sinamantala ng walang hiya para tuluyang ipasok sa 'king bibig ang kan'yang dila. Wala na akong nagawa kaya nagpasakop na lang ako ng maluwag sa loob. "Hmmmmm... gosh, Isay..."Aniya. Napangiti na lang ako at hinayaan s'yang mag-lead sa 'ming halikan. May punto na naglaban sumandali ang mga dila namin tapos ay sinipsip n'ya ito dahilan para mapakiwal ako. Maya-maya pa ay naramdaman kong gumapang ang mga halik n'ya papunta sa likod ng aking tenga kung saan dinilaan n'ya pa't kinagat-kagat ang earlobe ko. Nang magsawa na s'ya ay bumaba na papunta sa 'king leeg ang kan'yang labi hanggang makarating na ito sa parteng collarbone. "Liway, ano bang... Ugh... ano bang ginagawa mo..." Foggy na ang isip ko at nag-iinit na ako sa ginagawa sa 'kin ng girlfriend ko. Sapo ko ang kan'yang ulo at hinahayaan ko lang s'ya sa gusto n'ya. "Sorry, sweetheart. Sabi ko, 'di ba, I'm carving for you? So, will indulge myself, relax ka lang d'yan." Hindi na ako kumontra. Sinulit ko na lang ang bawat sandali. *** "HI, BEAUTIFUL." Sabi ni Liway sabay halik sa 'king pisngi. Niyakap din n'ya ako habang nakatalikod pero bahagya pa akong nagulat sa kan'ya. Ang alam ko kasi naghihilik pa s'ya sa kama nang iwan ko s'ya't nagsimula akong magluto ng dinner namin. Napagod yata ang baby ko sa kaharutan n'ya kanina. "How's my sweet bebe?" "I'm good, mahal." Nakangisi kong saad bago pinagpatuloy ang paghahalo sa pasta. "Ang bango naman n'yang niluluto mo. Pero alam mo bang mas mabango ka?" Ang pilya, shet! "Tama ka na, acclaa!" Natatawa kong saad. Sinabayan na rin n'ya ako ng tawa at pagkatapos ay ninakawan na naman ako ng halik ng gaga. Napangisi na lang ako. "Love, kuha mo nga 'yung pinggan para makapaghain na ako." Pakisuyo ko. "Sure." Sagot n'ya bago isa-isang kinuha sa upper part ng cabinet ang mga pinggan saka inabot sa 'kin. "Will prepare our drinks. What do you want?" Tanong n'ya. "You." "I know, I know, but I'm freaking serious here, Isay." Aba, salagay, s'ya lang puedeng mangharot? "Seryoso rin ako. I want to drink your..." Tapos sabay kaming tumingin sa ano n'ya. Nang muling magtama ang mga mata namin ay ganu'n na lamang ang tawa ko kasi sobrang pula ng mukha n'ya! Tae, hiyang-hiya s'ya sa kagagahan ko! "Bwiset ka talaga." Bulong n'ya pero narinig ko naman. Ngising-aso lang ako bago ko pinatay ang kalan at rumampa papalapit sa kan'ya. Agad kong inangkla ang mga braso ko sa kan'yang leeg saka kinabig s'ya papalapit sa 'kin. Pero hindi ko agad s'ya agad hinalikan kahit na may point na gusto na n'yang sunggaban ang labi ko. Sa halip, dahan-dahan kong hinalikan ang kan'yang noo, magkabilang pisngi, mga mata na agad n'yang ipinikit at syempre ang kan'yang ilong. Tangka na akong hihiwalay sa pagkakalingkis sa kan'ya nang magmaktol s'ya't pigilan ako. "Hey, paano naman 'to?" Na ang tinutukoy ay ang naka-pout n'yang labi. Napahagikhik ako sabay halik sa labi n'ya. Pero smack lang 'yun kaya as usual nag-reklamo na naman s'ya. "Mamaya na 'yung iba, pakainin mo muna ako. Gusto mo ikaw lang kumakain, maawa ka naman sa 'kin." Sabi ko dahilan para muli s'yang pamulahan ng pisngi. Shet, ang cute n'ya talagang asarin! "Ano'ng magagawa ko? Nagki-crave nga ako sa 'yo. Promise, ha? Pagkatapos nating kumain, ikaw ang dessert ko." Mapanukso n'yang sabi sabay palo sa pwet ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko't namangha sa kagagahan n'ya. Shet, ako na ang my jowa na mahilig! Pero hindi n'ya alam mas mahilig ako. Mahilig magmahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD