BLURB!!
UMPISAHAN KONA. TINATAMAD NA AKO SA KABILA HAHA.. SANA MAGUSTUHAN NIYO AT SUPORTAHAN, SALAMAT PO.
Ito ay bawal sa mga bata 18 pababa, ito ay para lamang sa mga matatanda at batang isip charot. Seryuso, ito ay bawal sa mga batang may gatas pa sa labi, kung ayaw mong maging nanay o tatay ng maaga, intindi? Thank you.
BLURB!!
SA EDAD NA LABING WALO, napilitan siyang maging haligi ng tahanan. Iniwan sila ng kanilang ina, at naging lasenggero naman ang ama. Well, lasenggero naman talaga ang haligi ng tahanan, kaya siguro iniwan sila ng ilaw ng tahanan.
Ang hirap na nga ng buhay nila. Wala naman ginawa ang aming ama kundi ang uminom, after magtrabaho sa bukid. Maliit na nga ang sahod, doon pa napupunta ang sahod niya.
At sa halip na protektahan sila, mas pinili nitong ubusin ang araw sa alak at bisyo. Kaya siya na lang ang natitirang sandigan ng sampu niyang mga kapatid, bata pa, pero pasan na ang bigat ng mundo.
Upang maitawid ang gutom at pang-araw-araw na kailangan, pumasok siyang katulong sa bahay ng kamag-anak ng kanilang ama. Si Tita Silvia, Maliit lang ang sahod, ngunit sapat na para may maipakain siya sa kanyang pamilya. Kahit masungit at maarte si Tita Silvia, tiniis niya ang lahat kapalit ng kaunting kabayaran at tirahan.
Hanggang sa makilala niya si Kuya Benjie, ang kapatid ng asawa ni Tita Silvia. Tahimik, misteryoso, at laging nandoon sa paligid. Sa una, iwas siya sa presensya nito. Pero habang lumilipas ang mga araw, napapansin niyang palagi itong nakatingin, parang may gustong sabihin ngunit hindi masabi.
At sa gitna ng hirap, pagod, at mga problemang sunod-sunod, si Kuya Benjie ang nag-abot ng tulong, noong pinakakailangan niya. Simula noon, nag-iba na ang takbo ng lahat.
Isang utang na loob na naging simula ng mga lihim nila.
Isang pagkalingang humantong sa bawal na pagtingin at pagnanasa.
At isang desisyong tatalikod sa tama, alang-alang sa pamilya at sa sarili niya.