THRêê

1112 Words
Chapter 03 JHONALYN POV KINABUKASAN AY BUMALIK ulet ako sa bahay ng tiyahin ko. Alas sais palang ng umaga ay lumarga na ako habang tulog pa ang mga kapatid ko. Pero nag-iwan ako ng pagkain. Para paggising nila ay may pang-almusal sila. Saging saba ang iniwan ko sa kanila at kamote. Niluto ko muna bago ako umalis. Hiningi ko lang iyon sa kapitbahay para may pagkain sila. Sumakay ako ng trycicle, patungo sa bayan. Kinakabahan ako, kahit pumunta na ako kahapon, ngunit pinapalakas ko lang ang loob ko. Kailangan ko 'tong gawin, para sa mga kapatid ko. Pagdating sa lugar nila tiya Silvia ay nag-doorbell ulet ako. Wala akong dalang gamit, ang gusto ko kasi ay stay out para makasama ko ang mga kapatid ko. Nag-aalala kasi ako, at mga bata pa ang mga kapatid ko. Hindi kona maaasahan ang papa ko dahil palagi siyang lasing. Natigilan na naman ako dahil 'yung lalake kahapon ang nagbukas ng gate. Hindi ko alam kung boy ba ng tiyahin ko ang lalaking ito. Pero ang gwapo naman niya at ang ganda ng katawan niya. Atsaka hindi siya mukhang boy. " Hello." Bati ko kahit nahihiya ako, at sumasalsal ng mabilis ang puso ko. Ang bilis ng t***k ng aking puso kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung kinakabahan ako, o ano. " Pasok." Tipid nitong sabi saka binuksan ng malaki ang gate. Kaagad naman akong pumasok sa loob at hindi ko napigilan mabangga si kuya saka maamoy ang pabango niya. Infairness, ang bango niya, kahit mukha siyang gusgusin. Humingi naman ako ng pasensya at tumango lang ito na tila hindi marunong ngumiti. Then nauna na ako sa kanya pumunta sa bahay. Pumasok ako sa loob ng bahay dahil nakabukas naman ang pintuan. Siguro dahil may gate, kaya bukas ang pintuan. " Nandito kana pala. Bakit wala kang dalang gamit?" Napalingon ako sa tiyahin ko ng marinig ko ang boses niya, sa masungit na tono. Galing siya sa isang kwarto at hindi ko alam kung ano iyon. " Mag-stay out lang po sana ako, tiya." " Aba! Marunong kapa sa magiging amo mo." Masungit na sabi nito, kasabay ng paglagay ng mga braso sa dibdib na tila donya. " Kung hindi ka, mag-stay in dito. Huwag ka ng magtrabaho." Pagbabanta nito sakin dahilan para matakot ako. At nagsalita ng mahina. " Wala po kasing mag-aasikaso sa mga kapatid ko, tiya." Katwiran ko sa kanya. " At bakit? Problema ko ba 'yun? Ikaw nangangailangan diba?" Masungit nitong wika habang may pagka-matapobre ang boses niya. " Atsaka marami kayong magkakapatid. Paalaga mona lang sa kanila." Hindi na lang ako umimik at baka mas lalo pa ako mawalan ng trabaho. Kahit subrang sama ng loob ko. At parang gusto kung umiyak, hindi ko kasi makakasama ang mga kapatid ko. Hindi ako sanay na malayo sa kanila. " Saka, tuwing weekend naman ay uuwe ka sainyo, makikita mo parin ang mga kapatid mo." Dagdag pa niyang sabi. " Sige po, tiya." Pagpayag ko, kahit labag sa kalooban ko. " Okey, ganito ang gagawin mo. Sa umaga, 5am, gigising kana para magluto ng almusal. Then ikaw maglilinis ng bahay dahil wala naman ibang katulong kundi ikaw. Magdidilig ng mga halaman sa labas at magwawalis. Aasikasuhin mo rin ang anak ko sa mga pangangailangan niya. Naiintindihan mo ba?" Tanong niya sakin at muling nagsalita. " Ikaw rin ang maglalaba at mamalantsa." Ang dami naman. Sabi ko sa isip at hindi sinaboses. " Opo." Sagot kona lang sa kanya. " Good, 3 thousand a month. At ayaw kung bale ka ng bale. Naiintindihan mo?" " Opo, tiya." Muli ay sagot ko. Hind ko napigilan maawa sa sarili ko. Paano ba naman, sa dami ng trabaho, tapos 3 thousand lang ang sahod ko. Kamag pa 'yan ah? Paano ko, bubuhayin ang mga kapatid ko nito. " Okey, magluto kana at papasok pa mamaya ang sir mo saka ang anak ko." Utos pa niya sakin at tinuro ang daan patungo sa kusina saka pumunta nasa taas. Iniwan na lang ako bigla. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga at parang gusto kung umiyak. Para akong nanghihina sa mga gagawin ko. Parang gusto kona lang umuwe. Ngunit paano kami kakain kung wala akong trabaho? Muli ay napabuntong hininga na lang ako ng malalim saka pumunta sa kusina. May nakita akong papel sa mesa at binasa. Nakalagay doon kung ano ang mga lulutuin ko at ano ang mga dapat kung gawin sa kusina. Inumpisahan ko ng magluto, habang kumukulo ang tiyan ko. Hindi kasi ako kumain ng almusal at sa mga kapatid ko iyon. Natatakam tuloy ako sa mga niluluto ko. Simple lang naman ang mga pinaluluto ni tiya at puro prito-prito lang. Pero kahit gano'n pa man ay natatakam ako at mas lalo ako nagugutom sa mga amoy ng pagkain. Nakakain kami no'n, kapag sweldo ni mama at papa. Kahit simpleng ulam lang ay masaya na kami. At sarap na sarap. Tiniis kona lang ang gutom at uminum ng tubig para hindi ako matakam at kumurot sa hotdog. Abala ako sa pagluluto ng biglang may pumasok sa loob ng kusina at nakita ko 'yung lalake na nagbukas ng gate sakin kahapon saka kanina. Kaagad naman akong umiwas ng tingin dahil nakatingin rin siya sakin. Parang kinakabahan ako na ewan. Then narinig ko ang boses ng tiyahin ko. At pumasok sa kusina. " Benjie, nandito kana pala. Kumain kana, mukhang nakaluto na-" Aniya at tumingin sakin. " What's your name again?" Tanong ni tiya Silvia. " Jhonalyn po." Mahina kung sagot. Napatango-tango si tiya Silvia at binalik ko naman ang atensyon sa pagluluto ko. Habang nag-uusap sila sa may likuran ko. " Siya pala ang bagong katulong natin. Pamangkin ko siya sa malayong kamag-anak. Pwede mo siyang utusan kapag may ipag-uutos ka." Sabi ng tiyahin ko sa lalake. Pero hindi ko narinig ang boses niya, bilang sagot. Langya, ang dami kona ngang ginagawa, dagdag pa pala. " Tapos kana ba, Jhonalyn?" Natigilan naman ako at lumingon sa tiyahin ko. " Opo." Sagot ko sa kanya. " Okey, maghanda kana at baba na ang mag-ama ko. Bilis-bilisan mo ang kilos dahil marami ka pang gagawin." Masungit nitong wika saka naupo nasa may hapagkainan. Kumilos naman ako at naghanda na ng mga pinggan, kubyertos, baso at iba pa. Makalipas ng ilang sandali ay dumating na rin ang mag-ama ni tiya Silvia. Pinakilala niya ako sa mag-ama niya. At sinungitan naman ako ng anak niya. Masungit pala ang babae. Pansin ko ay mas matanda siya sakin ng ilang taon. At mukhang nasa kolehiyo na siya. Base sa kanyang suot. Nagsimula na silang kumain at sinabi ni tiya na ayusin kona raw ang mga lalabhan ko sa likod bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD