TwØ

1221 Words
Chapter 02 JHONALYN POV SIMULA NG UMALIS SI mama sa bahay ay mas lalong lumala si papa. Hindi na siya nagtatrabaho sa bukid para may makain kami, at palagi na lang umiinom ng alak, palagi na lang siyang lango sa alak. Wala na nga kaming makain dahil napupunta lang sa alak niya. Puro utang na rin kami sa tindahan, dahil kapag walang binibigay si papa ay nangungutang kami kay aling Mercy. Nanghihingi na rin kami sa mga kapitbahay, para lang may makain ang mga kapatid ko. Kapalit naman niyon ay pinagtsi-tsismisan kami ng mga tao. Tinitiis na lang namin, para makakain. Hindi na rin ako nakakapag-aral at ang iba ko pang kapatid dahil wala palaging laman ang sikmura namin. Kapag nanghihingi kami kay papa ng pera ay nagagalit siya at binubulyawan niya kami. Hindi ko tuloy naiwasan sumama ang loob ko sa kanya. Kung nagtatrabaho lang sana siya at hindi umiinom, edi sana ay may pagkain kami sa hapagkainan. Kaya lang, mas inuuna niya pa ang uminom, kesa ang pakainin niya kaming mga anak niya. Hindi ko tuloy napigilan mag-isip na magtrabaho na lang. Kasi kung aasahan ko ang papa namin ay baka tumirik na ang mga mata namin sa gutom. " Saan ka pupunta ate?" Tanong sakin ni Joel, Nang makitang nagbibihis ako ng pang-alis. Pero simpleng damit lang naman. Wala naman akong maganda o magarang damit dahil lahat puro kupas na. Wala naman kasi kaming pambili, dahil sa hirap ng buhay. Isang kahig, isang tuka lang kami, kaya wala kaming bagong damit. " Pupuntahan ko 'yung dating pinasukan ni mama na kamag anak natin. Nagbabakasali akong makapasok sa kanila. Kailangan ko ng magtrabaho, kung hindi ay magugutom tayo dito." Paliwanag ko sa kanya. " Si papa kasi eh. Palagi na lang umiinom." Parang inis na sabi nito. " Wala na tayo magagawa, basta, ikaw na lang muna ang bahala sa mga kapatid natin. Maghahanap muna ako ng trabaho." Bilin ko sa kanya na may pilit na ngiti sa labi at hinaplos ang buhok niya. Pinipilit kung magpakatatag sa harapan ng mga kapatid ko. Kahit lugmok na ang haligi ng tahanan. Ayaw ko naman iwan ang mga kapatid ko para lang hindi ako mahirapan. Hindi ako gano'n na kapatid at naaawa ako sa kanila. Kaya kahit mahirap para sakin, bilang panganay ay umiiyak na lang ako sa isang tabi na hindi nila nakikita at nagtatanong kay lord, kung bakit ganito ang buhay namin. Ayaw ko maging mahina sa harapan nila at baka maging mahina rin sila. May isa pa akong magulang, pero pakiramdam ko ay parang wala na kaming magulang. " Sige ate, ingat ka sa biyahe. Sana ay makahanap kana ng trabaho." Sabi ng kapatid ko sakin at ngumiti ako sa kanya. Subra akong nahihirapan kapag wala sila makain, dibale na ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Pero sila? Hindi ko kaya, lalo na kapag umiiyak na sila. At gagawin ko 'to, para sa kanila. Ayaw kung makitang umiiyak o nagugutom ang mga kapatid ko. Nagpaalam rin ako sa iba ko pang kapatid at kumaway pa sila sakin habang may ngiti sa labi. Kahit nahihirapan kami sa buhay at wala kaming makain kung minsan ay nakukuha parin nilang ngumiti at magsaya. Sumakay na ako ng trycycle nang may dumaan. Nangutang pa ako ng isang daan sa kaibigan kung si maymay, para lang may pamasahe ako. Sana lang talaga ay kunin ako ng tiyahin ko, bilang katulong. Para may trabaho na ako at may makain na ang mga kapatid ko. Doon dati nagtatrabaho si mama, malayong kamag-anak ng papa ko. Umalis lang ang mama ko dahil masama raw ang ugali. Hindi kinaya ni mama, kaya nag-labandera na lang siya sa lugar namin kahit maliit ang bayad. Importante ay kumakain parin kami. Natatakot man ako ngayun, pero kailangan kung magtrabaho para sa mga kapatid ko. May kapatid pa naman akong sakitin. Si Mona. May hika kasi ang kapatid ko. Kaya kailangan kung magtrabaho, para hindi kami mabaon sa utang. Pagdating sa bayan kung saan nakatira ang tiyahin kung may kaya sa buhay. Actually ay hindi lang basta, may kaya sa buhay. Kundi mayaman pa ang kamag-anak namin na ito. Kaya lang may ugali, at hindi nakatagal ang mama ko sa kanila. Kaagad akong nag-doorbell sa may gate. Alam ko ang lugar na ito dahil minsan na akong sinama ni mama dito. Kapag kailangan niya ng tulong. Naghintay naman ako ng ilang minuto bago bumukas ang gate. Natigilan ako dahil isang lalake ang nagbukas ng gate. " Yes?" Malamig nitong tanong habang nakatingin sakin. Nailang naman ako sa paraan ng tingin niya. Hindi ko kilala ang lalake at ngayun ko lang siya nakita. " Ahm, andiyan po ba si tiya Silvia?" Nahihiya kung tanong sa kanya, habang magkasalikop ang mga palad ko. " Nasa loob, bakit?" Tanong niya rin sakin. Hindi rin ako makatingin sa kanya dahil walang pang-itaas ang lalake. Naiilang tuloy ako sa kanya. " Ahm, pwede ko po ba siya makausap?" Muli ay tanong ko. " Sige, pumasok kana." Sabi nito saka binuksan ng malaki ang pintuan ng gate para makapasok ako. Sinamahan niya pa ako patungo sa loob ng bahay. Pagpasok sa loob ay nakita ko agad ang tiyahin ko, kasama ng asawa niya na pababa ng hagdanan. Nagulat pa ang tiyahin ko at tumikwas agad ang kilay ng makita ako. Kilala na niya ako dahil minsan na ako pumunta dito. " Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong niya sakin nang makababa na sila ng hagdanan. Ang taray talaga ng tiyahin kona 'to, kaya siguro hindi tumagal si mama dito. " Hello po, tiya. Gusto ko lang po, mamasukan sa inyo." " At bakit naman? Diba may mga magulang ka? At nag-aaral kapa." " Huminto na po ako sa pag-aaral. Naghiwalay na po kasi ang mga magulang ko." Pagku-kwento ko sa kanya. Wala na ang lalaking nagbukas ng gate kanina. Hindi ko alam, kung sino iyon. " Tignan mo nga naman, kung kailan marami kayong magkakapatid, saka pa naghiwalay ang mga magulang mo. Mga walanghiya talaga." Nang-uuyam na sabi ni tiya sakin. Hindi naman ako umimik at nanatili lang akong tahimik saka hindi nag-komento. " Oh, sige. Tutal wala akong katiwala ngayon at naghahanap ako ng katulong. Kukunin na kita. Pero ayaw kong nagbo-boyfriend at tatamad. Kapag ginawa mo ang isa sa mga iyon ay tatanggalin kita." Saad nito sakin. Nakangiti naman akong tumango dahil sa labis na saya. Sa wakas ay makakapagtrabaho na ako at may pagkain na kami. Hindi na magugutom ang mga kapatid ko. Kahit na masungit ang tiyahin ko. " Salamat po." Wika ko pa sa kanya. " Okey, bumalik ka bukas, at bukas na tayo mag-uusap dahil may lakad kami." Sabi nito, kaya tumango ako. " Sige na, umuwe kana." Pagtataboy niya sa akin na hindi manlang akong inalok ng pagkain at maiinum. Ang sama talaga ng ugali. Sana lang ay tumagal ako dito, para sa mga kapatid ko. Lumabas na nga ako ng bahay at nakita ko muli ang lalaking nagbukas ng gate kanina. Nakatingin siya sakin, kaya naman ay umiwas ako ng tingin sa kanya. Then umuwe na ako samin. Simula na bukas ang paghihirap ko. Pero alang-alang sa mga kapatid ko. Gagawin ko ang lahat. Hindi ako pwede sumuko. Lalo na kung, ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko. Wala na naman pakialam samin ang papa namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD