Chapter 14 JHØNALYN PØV KUMAKAIN AKO SA KUSINA nang pumasok si kuya Benjie sa loob. Tapos may nilagay na pera sa mesa. " Ayan, pera mo. Baka magtampo kapa." Sabi nito. Hindi ko kasi siya pinapansin kanina. Ewan ko ba, tinamaan ako ng kasaltikan at hindi ko siya pinapansin, nang dahil lang sa sukli. Para tuloy akong ewan. Nagmamaganda yarn? " Huwag na po. Busy lang po kasi ako kanina. Atsaka, bakit naman ako magtatampo. Hindi naman kita boyfriend." Wika kona hindi tumitingin dito, dahil nahihiya ako, saka inurong ko ang pera palayo sakin. " Sige na, sayo na 'yan. Nakalimutan kung bayaran ang utang ko do'n. Matanda na talaga ako." Sabi nito na may kasamang tawa saka naupo at nakisuyo na ipaghanda ko siya ng pagkain. Tanghali na ng mga oras na iyon at katatapos ko lang maglinis ng buon

