Chapter 37 JHØNALYN PŌV PAGDATING NAMIN SA pharmacy na kakilala ni kuya benjie. Siya ang lumapit sa babae doon at kumausap. Napakunot naman agad ang nuo ko dahil habang nag-uusap ang dalawa ay may pahawak-hawak pa ng kamay ang babae kay kuya benjie. Parang matagal na silang magkakilala, at parang wala naman iyon kay kuya benjie dahil nakangiti lang ito. Napangiti naman ako ng biglang lumingon sakin si kuya benjie. " Akina ang pera." Sabi niya sakin na may ngiti parin sa labi. Halatang masaya siya kapag kausap ang babae. Kaagad ko naman binigay ang pera ng makalapit. " Sino siya?" Narinig kong tanong ng babae kay kuya benjie. " Katulong ng kuya ko. Sinamahan ko lang, para makamura." Nakangiting sagot ni kuya benjie sa babae. Parang nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ng sabihin ni

