ØnÊ

1323 Words
Chapter 01 JHONALYN POV GALING AKO SA SCHOOL ng makita at mapansin ko ang aking ina na may dalang bag, habang umiiyak ang mga kapatid kung nakayakap sa kanya. Nagtaka ako at napakunot ang aking nuo, kasabay ng paglapit sa aming ina. Ako nga pala si Jhonalyn Hilario, 18 na ako, at 2nd year's high school palang ako dahil ilang beses akong huminto sa pag-aaral. Dapat graduate na ako, ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi ako makatuloy-tuloy sa pag-aaral, at bukod do'n ay marami kaming magkakapatid. Sampu kaming magkakapatid, dahil masipag gumawa ng bata ang mga magulang ko. Pero hindi naman kayang pag-aralin ng dere-deretso. Kahit mga iba ko pang mga kapatid, pahinto-hinto rin sa pag-aaral, kaya ngayun ay halos nasa elementary parin sila. Hindi kasi kami kayang buhayin ng papa namin dahil isa lang siyang magsasaka at maliit pa ang sahod. Ang mama naman namin ay isang labandera at kung minsan ay nagtitinda ng mga gulay. Ngunit hindi parin sapat iyon para mabuhay kaming, magkakapatid. Isama pa ang bisyo ng aking ama. Kaya madalas silang mag-away ni mama dahil lasenggero ang aking ama. " Ma, bakit may dala kayong bag?" Tanong ko agad sa aking ina ng makalapit sa kanila. Nilingon ako ng aking ina, habang may luha sa mga mata nito. At ang mga kapatid ko namang maliliit ay iyakan ng iyakan na tila may namatay. " Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo, Jhonalyn. Aalis na muna ako." Bilin nito sakin dahilan para magulat ako. " Saan kayo pupunta, Ma?" " Magtatrabaho muna ako sa bayan. Ikaw na lang muna sa mga kapatid mo. Hindi tayo mabubuhay, kung sama-sama tayo. Kaya h'wag mong pababayaan ang mga kapatid mo huh?" Gumaralgal ang tono na sabi nito sakin dahil pinipigilan ni mama na umiyak, habang nagbibilin. " Kailan naman po kayo babalik?" Naiiyak kona rin tanong dahil naaawa ako sa mga kapatid kung umiiyak dahil iiwan na kami ni mama para magtrabaho sa ibang lugar. Ngayun lang nangyari ito, kaya umiiyak ang mga kapatid ko. " Basta, babalik ako. Magtatrabaho lang si mama sa bayan. Alagaan mo ang mga kapatid mo. Aalis na ako." Muli ay saad nito na tila nagmamadali dahil may trycycle ng naghihintay sa kanya. Napalakas naman ang iyak ng maliliit kung mga kapatid at humabol pa sa mama ko. Hinabol ko rin sila, para hindi na humabol kay mama habang lumuluha. Nalulungkot ako, dahil umalis si mama para magtrabaho sa bayan. At naaawa ako sa mga kapatid ko. " Tama na." Awat ko sa kanila habang pinipigilan ko sila dahil hahabol pa talaga, kahit malayo na ang trycycle. " Ate babalik pa ba si mama?" Naluluha na tanong sakin ng pinaka-bunso naming kapatid, habang puno ng luha ang pisngi niya. Naaawa ako sa mga kapatid ko, at parang pinipilipit ang aking dibdib dahil nalayo sila sa nanay namin. " Oo naman, babalik si mama. Magtatrabaho lang si mama sa bayan." Nakangiti kung sagot habang pinipigilan h'wag mapaluha sa harapan nila. Pero hindi ko talaga mapigilan. " Pero ate, nag-away sila ni papa kanina. Sabi ni mama, hindi na siya babalik at iiwan na niya tayo." Sabi ng kapatid kung si Enna. Pang lima sa mga kapatid ko. " Ano?" Gulat kung gagad sa kanya. " Opo, ate. Sabi ni mama kanina iiwan na niya tayo. Iiwan na niya si papa." Segunda pa ng isa kung kapatid na si Ris. Pang apat naman ito. " Bakit hindi niyo sinasabi kanina?" Hindi ko napigilan magtaas ng boses. Hindi naman nakapagsalita ang mga kapatid kona, parang natakot sakin. Kaya naman niyakap kona lang silang lahat. Nagtagis pa ang bagang ko, at naikuyom ko ang aking mga kamao sa galit. Siguro kaya iniwan na kami ni mama dahil nahihirapan na siya o dahil sa lasenggero kung tatay. Wala na nga kaming makain, pero panay pa ang inum ng alak. Galit akong pumunta sa bahay at iniwan ang mga kapatid ko sa labas. Gusto kung komprontahin ang aking ama. Pagpasok sa maliit namin bahay ay nakita ko agad si papa na tila lango nasa alak. Kaagad akong lumapit sa kanya, at pinipigilan na h'wag magalit sa ama. " Lasing na naman kayo? Alam niyo bang umalis na si mama?" Sabi ko habang pinipigilan ang sarili. " Hayaan mo siyang umalis. Sasama na 'yun sa bago niyang boyfriend." Lasing nitong sabi. Tanghaling tapat, tapos nag-iinom siya. " Anong boyfriend?" Gulat ko naman tanong sa kanya, habang salubong ang kilay ko. Ngayun ay inaakusahan niya si mama na may boyfriend. " Walang boyfriend si mama, pa. Dahil sainyo, kaya siya umalis." " Iyon ang akala mo, Jhonalyn." Mapakla nitong sambit. " May ibang lalake ang mama mo, kaya nga malakas ang loob niyang iwan niya tayo, dahil sa lalake niya." Galit na bulalas ni papa habang nagtatagis ang bagang nito. Hindi ko alam na may lalake si mama, dahil alam ko lang ay nagtatrabaho siya para samin at tinutulungan niya si papa sa paghahanap-buhay. " Kaya huwag na huwag mo ako masisisi kung bakit umalis ang mama mo. Malandi 'yang nanay mo dahil sumama siya sa lalake niya." Muli ay sabi ni papa sakin, kasabay ng pagtungga ng alak. Natigilan naman ako at hindi nakapagsalita sa nalaman. Akala ko pa naman magtatrabaho si mama sa bayan para kumita siya ng pera. Hindi pala, kundi iniwan na niya kami at sumama sa ibang lalake. Hindi ko naman napapansin na may ibang lalake si mama dahil sa tuwing uuwe siya, galing sa paglalabada ay masaya naman siya at palaging may dalang pagkain. Wala akong napapansin na kakaiba sa aking ina. O hindi ko lang napapansin? Ang alam ko lang, tuwing uuwe si mama mula sa trabaho niya. Nag-aaway sila ni papa. Hindi ko naman napigilan mapaluha dahil iniwan na talaga kami ni mama. Medyo maka-mama kasi ako dahil si papa ay lasenggero. Pinuntahan kona ang mga kapatid ko sa labas at niyakap sila habang umiiyak. Mukhang magdudusa kami nito dahil wala na ang ilaw ng tahanan. Tapos ang haligi naman ay wala ng ginawa kundi mag-inum. Pagsapit ng gabi ay nagluto agad ako ng hapunan namin. Wala ang papa namin dahil umalis. Kaya kaming sampu lang ang nasa bahay. Nagsaing ako, at panggatong na kahoy ang lutuan namin. Magluluto ako ng gulay na kinuha ko lang sa paligid. Maraming gulay sa paligid at libre pa, kaya kapag kailangan namin magluto ng gulay ay sa labas lang ng bahay namin ay merun na. Igigisa ko lang sa sardinas dahil wala naman akong pera na pambili ng Karne. Sanay naman kami sa ganitong ulam dahil sa dami namin. Nakakain lang kami ng masarap, kapag sumasahod si mama. Hindi naman kami maarte sa pagkain. Basta, kung ano lang ang nasa hapagkainan ay kinakain namin. Matapos magluto ay naghanda na ako at tinawag ang mga kapatid ko. " Maghugas ng kamay." Sabi ko sa kanila na. Mabilis lang magluto dahil kahoy ang panggatong namin. Kaya halos puro uling ang mga kaldero namin. " Wow." Sabi ng maliliit kung kapatid. Napangiti naman ako. Kung maka-wow, akala mo karne ang ulam namin ngayun. " Kain na." Wika ko. Kaagad naman kumain ang mga kapatid ko. Naiiyak na naman ako habang nakatingin sa kanila. Naaawa ako sa kanila dahil broken family na kami ngayun. Kahit hindi na sila umiiyak, alam ko, malungkot parin sila. Lalo na ang bunso namin. Limang taon palang si Alpha. Hindi ko alam kung sino sisisihin ko sa mga magulang ko. Si mama ba o si papa? " Kain na teh." Sabi sakin ni Joel, ang sumunod sakin. Nagulat siya kanina pag-uwe mula sa school. Na wala na ang aming ina at iniwan na kami. Nakita kung umiyak siya, ngunit hindi niya pinakita samin. Ngumiti naman ako sa kanya at nagsimula ng kumain. Ilang araw na lang ang bigas namin, panigurado ay tag-gutom na naman kami. Wala na akong aasahan sa papa namin dahil panigurado ay araw-araw na siyang mag-iinom. Lalo na't iniwan na kami ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD