Prologue
Alas-siyete pa lamang ng umaga ay puno na ng ingay ang lobby ng Montevarro Empire.
Mga empleyadong nagmamadaling pumasok. Mga sekretaryang may hawak na mga dokumento. Mga manager na abalang nag-uusap tungkol sa mga pulong na kailangang asikasuhin.
Ngunit nang bumukas ang pinto ng pribadong elevator, biglang natahimik ang lahat.
Dumating na ang CEO.
Suot ang isang mamahaling itim na suit, puting polo, at relo na mas mahal pa kaysa sa taunang sahod ng karamihan sa mga empleyadong naroon.
Matangkad. Malapad ang balikat. Matangos ang ilong. Matatalim ang mga mata.
Si Apollo Montevarro.
Ang lalaking kayang magpatalsik ng isang direktor sa loob lamang ng limang minuto.
Ang lalaking hindi kailangang magtaas ng boses upang matakot ang lahat.
At ang lalaking sinasabing walang babaeng kayang tanggihan ang kakisigan.
“Good morning, Sir Apollo!” bati ng receptionist.
Hindi man lamang siya nilingon nito.
“Cancel my ten o’clock meeting. Move it to eleven.”
“Yes, Sir.”
“And tell the marketing department that I want the revised proposal on my desk before lunch.”
“Yes, Sir Apollo.”
Dire-diretso siyang naglakad patungo sa opisina niya.
Walang ngiti. Walang pakikipagbiruan. Walang kahit anong palatandaan na may damdamin siyang gaya ng ibang tao.
Para sa kanya, simple lang ang buhay.
Trabaho. Pera. Kapangyarihan.
At mga babaeng panandaliang nagbibigay ng kaligayahan.
Pag-ibig?
Isang kahinaan na hindi na niya muling hahayaang maranasan.
Dahil minsan, naniwala rin siya sa forever.
At ang babaeng pinaniwalaan niya ay siya ring babaeng nagturo sa kanya kung gaano kasakit ang magtiwala.
────────
“Sir, may bagong empleyado po na supposedly sa marketing department. Ipinadala ko na ang résumé niya sa inyo.”
Hindi inangat ni Apollo ang tingin mula sa laptop.
“Then assign her to someone.”
“Actually, Sir, sa ilalim n’yo po siya direktang magre-report. She’s qualified as your Personal assistant.”
Dahan-dahan siyang tumingin sa sekretarya.
“Did I ask for a personal assistant?”
“N-no, Sir. Pero sabi po ng HR, kailangan n’yo raw po ng—”
“Do I look like someone who can’t manage his own schedule?”
“No, Sir!”
“Then tell HR to stop making decisions for me.”
“Yes, Sir. I’m sorry.”
Muling bumalik si Apollo sa ginagawa niya.
Wala siyang pakialam kung sino ang bagong empleyado.
Para sa kanya, lahat ng tao ay may kani-kaniyang silbi sa kumpanya. Kung mahusay ka, mananatili ka. Kung hindi, maaari kang umalis anumang oras.
Walang personalan.
Walang pabor.
At lalong walang puwang para sa mga taong mahilig gumawa ng problema.
“Ah sir, ilalagay nalang po ba natin sya sa Marketing Department? Papunta na din po kasi sila dito.”
“Ok, let me meet her.”
────────
“Miss Sofia Santillan?”
Napalingon si Sofia mula sa hawak niyang folder.
“Yes, that’s me.”
“Welcome to Montevarro Empire. Ako si Karen, ang HR manager. Tara, ihahatid kita sa opisina ng CEO.”
Ngumiti si Sofia.
“Thank you po.”
Suot niya ang isang simpleng cream blouse, itim na slacks, at itim na sapatos na maingat niyang pinakintab bago umalis ng bahay.
Wala siyang mamahaling bag.
Wala siyang designer clothes.
At wala siyang koneksiyon sa mga taong nasa mataas na posisyon.
Ang mayroon siya ay diploma, determinasyon, at isang pangakong ginawa sa sarili.
Hindi siya susuko.
Matagal na siyang naghahanap ng trabahong sapat upang matulungan ang kanilang pamilya. Kaya nang matanggap siya sa Montevarro Empire, para siyang nanalo sa lotto.
Isa ito sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa.
At ang magiging boss niya ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa Pilipinas.
Apollo Montevarro.
Narinig na niya ang pangalan nito.
Sino ba naman ang hindi?
May mga balitang palaging may kasamang magandang babae ang CEO. Minsan, modelo. Minsan, artista. Minsan, anak ng mayamang negosyante.
Ngunit wala raw itong seryosong relasyon.
“By the way, Sofia,” sabi ni Karen habang naglalakad sila patungo sa executive floor. “I have to warn you about something.”
“Ano po iyon?”
“Strict si Sir Apollo. Very strict. Hindi siya mahilig sa excuses, at ayaw niya ng mga empleyadong sumasagot sa kanya.”
Bahagyang natawa si Sofia.
“So, bawal po siyang kausapin?”
Napahinto si Karen.
“Of course, you can talk to him. Pero piliin mo lang ang sasabihin mo.”
“Noted po.”
“At isa pa. Huwag kang magpaloko sa hitsura niya.”
Napakurap si Sofia.
“Bakit po?”
“Because every woman in this building has probably had a crush on him at some point.”
Napailing si Sofia.
“Good thing hindi ako pumunta rito para humanap ng boyfriend.”
Napangiti si Karen.
“Let’s see if you’ll still say that after meeting him.”
Hindi na sumagot si Sofia.
Sa isip niya, trabaho lang ang pakay niya.
Wala siyang panahon sa mga lalaking mayayabang.
Lalo na sa mga lalaking iniisip na nabibili ng pera ang lahat.
────────
“Sir Apollo, nandito na po ang bagong personal assistant ninyo.”
“Good morning, Sir.”bati niya.
Nakatayo si Sofia sa harap ng malaking mesa ng CEO.
Hindi agad tumingin si Apollo.
Patuloy lamang siya sa pagpirma ng mga dokumento. Iniisip na nyang pagsabihan ang HR Manager na hindi nya kailangan ng Personal Assistant.
“Name?”
“Sofia Santillan, Sir.”
“Sofia.”
Sa wakas, itinaas niya ang kanyang mga mata.
At sa unang pagkakataon nang araw na iyon, may bagay na nakakuha ng kanyang buong atensyon.
Hindi dahil sa suot ng babae.
Hindi dahil sa kagandahan nito.
Kundi dahil sa mukha nito.
May pamilyar sa mga mata nito.
Sa hugis ng labi.
Sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
Isang mukha mula sa nakaraan na pilit niyang kinalimutan.
Saglit na nanigas ang kanyang panga.
“Santillan?”
“Yes, Sir.”
“Santillan,” ulit niya, tila tinitimbang ang apelyido.