KABANATA 8 Apollo’s POV Napasandal ako sa aking upuan at mariing napahagod sa mukha. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang paraan ng pag-iisip ko sa kaniya kahit wala naman siya sa harapan ko. Ang mga mata niya. Ang pamumula ng kaniyang mukha. Ang paraan ng pagyakap niya sa akin. Enough! Hindi ako ganitong klaseng lalaki. Hindi ako ang lalaking nawawalan ng konsentrasyon dahil lamang sa isang babae. Marami nang babaeng dumaan sa buhay ko, at wala ni isa sa kanila ang nakapagpagulo sa akin nang ganito. Hindi ko hahayaang maging eksepsiyon si Sofia. Dahil kapatid siya ng babaeng gusto kong pagbayarin sa lahat ng ginawa nito sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll sa mga contact hanggang sa makita ko ang pangalang matagal ko nang hindi tinatawagan. CELINE

