bc

Section Cameron

book_age18+
111
FOLLOW
1K
READ
murder
tragedy
mystery
campus
abuse
betrayal
crime
classmates
friends
victim
like
intro-logo
Blurb

Section Cameron is also well-known as the star section because it is consists of popular influencers in the town.

However, everyone has their own dirty little secrets. Some are considerable but some are not. They are friends yet became enemies when the game of justice begins.

Unfortunately, a couple of years ago they shared the same tears and sorrow when one of their closest friends died before they all even became one of the successful influencers in town. Little did these teenage students know that the one who's behind their friend's death is also one of them.

While seeking justice the evidence of that incident lead to these student's circle of friends that made the head of the investigation team play some tricks with them, to find out who's the main culprit and for these teenagers to be aware of what happened a few years ago.

Will they be able to survive? Will the culprit admit his or her mistake? Will they still be friends after everything that might happen and be revealed? Unveiling the truth is also a test for these teenage stars' friendship. Who will stick to each other until the end and who will choose to be selfish for its survival?

Friendship isn't only about being friends and knowing each other; it's also about trust, respect, consideration, understanding, and not leaving anyone behind, helping each other until the end. This is the bond and ties that continuously building and can be leveled as a family, that they could have.

chap-preview
Free preview
Prologue
Dalawang taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Erika, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa kanya. Hindi pa rin alam ang buong katotohanan tungkol sa mga pangyayari. Ang akala ng mga kaibigan ni Erika ay nasarado na ang kaso, pero hindi nila alam na may isa sa kanila na hindi matatahimik hangga't hindi nakakamit ang hustisya para sa dalaga at sa kanyang mga magulang, na kasama rin sa pag-iimbestiga ng nangyari sa anak nila. Tahimik nilang inaalam at sinusuri ang lahat, kahit na gaano pa katagal ang proseso, hanggang sa unti-unti nilang nalalaman ang katotohanan. Kahit sila ay hindi kayang tanggapin at hindi lubos na maisip kung bakit nangyari ang lahat. Pinagkatiwala nila si Erika sa mga kaibigan nito, at pinagkatiwalaan ni Erika ang mga kaibigan nito. Kaya hindi lubos maisip ng isa sa kanila na kasama sa imbestigasyon kung paano at bakit nangyari ang lahat, dahil kahit siya mismo ay sobra sobra ang tiwala sa mga kasama. Hindi niya alam kung pagsisisihan ba niya o hindi ang pagiimbistiga at ang pagpasok sa investigation team, gayunpaman mas matimbang sa kanilang lahat ang makamit ang hustisya para sa dalagang sumakabilang buhay. *Flashback* Nagplano ang mga kaibigan na magkita-kita sa araw na iyon dahil matatapos na ang taon, at balak nila na mag-year-end party. Ilaan ang ilang araw na natitira sa taong iyon para sa kanilang mga kaibigan, dahil nakagawian na nilang magsama-sama sa tuwing matatapos ang taon at magsisimulang muli ang bagong taon para salubungin ito ng magkakasama. Napag-usapan din nila na walang cellphones o gadgets na pwede para walang anumang distractions. Nagpaalam na rin sila ng maayos sa mga magulang nila, at pumayag naman sila, lalo na't matagal-tagal na rin silang magkakaibigan, mula pa noong elementarya hanggang high school. Ang iba sa kanila ay nasali sa grupo noong high school, pero halos wala ng pinagkaiba ang naging trato at lugar nila sa buhay ng isa't isa. Gusto nilang magkaroon ng oras na magkakasama, pero hindi nila alam na ang araw na iyon ay magiging ang pinakamasakit na araw para sa kanila. Sila ay binubuo ng 20 katao: 8 babae, 1 bakla, at 11 lalaki. Ilang minuto lang na naghintay ang magkakaibigan sa iba pa nilang mga kasama. Dahil kung gaano kaaga sina Farsha, Dixie, Alyssa, Arshad, Aira, Ramayda at Lady ganon naman katagal dumating ng iba nilang mga kasama, ngunit hindi na iyon nakakapanibago dahil lagi naman talagang may late na dumadating sa kanila kaya minsan ay inaagaan nalang nila ang call time para matyempo sa saktong oras na nakalagay sa itinerary nila ang mga gagawin nila sa araw na ito. “Hello, nasaan ka na ba? Sina Jol nasaan na kayo?" tanong ni Dixie sa kausap nito sa kabilang linya [Hindi ko alam kung nasaan sila pero malapit na ako,] sagot naman ni Monjaheer. Masyadong malapit ang dalawa sa isa't isa kaya madalas itong nag-uusap pero wala rin naman itong malisya sa kanila. “Buti naman at dumating na kayo! Ang init init dito baka lang di kayo aware" Iritadong sabi ni Ramayda ng makarating sina Harris, Alvee, Jam, Dolax, Nash at Jaffar. “Nasaan na kaya ang iba?" nagtatakang tanong ni Farsha “Hey!" nilingon nila ang pinanggalingan ng boses na iyon at nagpasalamat ng makita ang iba pa nilang mga kasama. Sina Monjaheer, Alfhar, Jol, Justine, Mhel at John Rie “Wait guys! Where is Erika?" kunot noong tanong ni Alyssa. Kung may time conscious man sa kanilang lahat ay si Erika yun, madalas siya pa nga ang nauuna basta ganitong nagtitipon-tipon sila. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kinabahan ang iba sa kanila, may iba namang nagkatinginan. “Tinatawagan ko ayaw sumagot,” sabi ni Lady “Baka nagkaproblema lang,” biglang sabat naman ni John Rie “Magsasabi naman yun kapag nagkaproblema diba?" tanong naman ni Dixie “Chill guys bakit ba parang nababalisa kayo jan? Malay niyo late lang," pagpapakalma naman ni Aira sa mga kasama. “Oo nga, hintayin na muna natin,” sang-ayon naman ni Jol atsaka tumingin sa relo niya "Maaga pa naman,” dagdag pa nito. Tumango lang sila atsaka nagkanya-kanya ng position habang hinihintay ang isa sa matalik nilang kaibigan. Lingid sa kaalaman ng iba sa kanila na may ibang pinagpapawisan at nawawala sa wisyo dahil sa kaba at takot na mararamdaman gayon na rin ang pagsisisi. Ilang minuto rin ang lumipas bago sabay sabay na tumunog ang cell phone ng magkakaibigan. 'Sorry guys but I can't make it' Yan ang nilalaman ng chat na dumating sa kanila. Chat ni Erika sa group chat nilang magkakaibigan. "Okay lang kaya si Erika? First time 'tong nangyari ah,” tanong Jam "Hindi ko alam pero kinukutuban talaga ako eh,” sabi naman ni Alvee “Hay nako kayo talaga. Ayan na oh nagtext na, di daw siya makakapunta. Paniguradong magkukwento naman 'yon saatin pagbalik natin,” paniniguro ni Aira sa mga kaibigan dahil ayaw din niyang masira o may hindi magandang mangyari sa araw na ito, good vibes lang dapat. "Tara na guys!" agad naman silang nagkanya-kanya ng sakay sa tatlong van na gagamitin nila papunta sa destinasyon nila. Hindi na sila nag-abalang gamitin ang ang sarili nilang sasakyan dahil masyado silang marami para magkanya-kanya ng dala at mas magiging masaya ang byahe pag magkakasama ang iba sa kanila. Unang pinuntahan ng magkakaibigan ang isang falls sa liblib ng kagubatan kaya kailangan pa nilang mag hiking papunta doon. Wala rin ni isang signal sa lugar na 'yon kaya ligid sa kaalaman ng magkakaibigan ang lumabas na isang balita na paniguradong ikakagulantang nila. "Ang lamig dito! Ang sarap sa balat ng tubig,” masayang sabi ni Nash Makikita mo sa magkakaibigan na masyado silang na-aaliw sa pinuntahan nila at animo'y mga batang naglalaro sa gitna ng kagubatan. "Kung nandito lang si Erika," sabi ni Ramayda, at biglang nakaramdam ng lungkot ang iba sa kanila. Hindi nagtagal ay napagdesisyunan ng mga kaibigan na bumalik na sa highway para maghanap ng matutuluyan. Ngunit ilang minuto pa lamang ng makaapak sila sa highway ay biglang humagulgol ng iyak si Alyssa, na dahilan upang mabalisa ang iba sa kanila. "Anong nangyari?" tanong ni Farsha. Hindi na kayang magsalita ni Alyssa dahil sa pag-iyak nito, kaya't hinarap na lamang nito sa mga kaibigan ang cellphone niya at pinakita ang nabasa at nakita niya. Binuksan niya ang cellphone niya para sana gamitin ang gps para makapaghanap ng malapit na hotel pero hindi inaasahang balita ang bumungad sakanya. "17-year-old teenage girl found dead near Buda Bridge, naked and beaten severely. Ang biktima ay kilala bilang si Erika Smith. Ayon sa pulis, ang dalaga ay tila may pupuntahan dahil sa mga gamit na natagpuan sa kanya, kabilang ang isang malaking backpack at mga hiking materials..." Hindi na natapos ng mga kaibigan na basahin ang balita, dahil ilang segundo pa lamang ay agad na silang sumakay sa van. Hagulgol at iyak ang tanging maririnig sa loob ng sinasakyan nila. Hindi kalayuan sa tagpuan nila kanina ang pinangyarihan ng insidente, at ayon sa balita, tila nauna pa ito sa kanila sa tagpuan nila na hindi naman na nakakapagtaka dahil lagi talaga siyang nauuna sakanilang magkakaibigan. Pero bakit nangyari ito sa kanilang kaibigan? Sino ang walang-awang gumawa nito sakanya? - - "Kailangan mo ng manahimik!" - huling katagang sinabi ng taong pumatay kay Erika. "Mahal na mahal ko kayong lahat at pinapatawad na kita," - mga huling salitang namutawi sa bibig ng dalaga habang nakatingin sa mata ng taong tinuring niyang isa sa kanyang mga matalik na kaibigan bago ito tuloyang nahugutan ng hininga. - - Ang mga kaibigan ni Erika ay nawalan na ng pag-asa at patuloy na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang kaibigan. Hindi parin sila makapaniwala na ang kanilang kaibigan ay namutawi na, at hindi nila alam kung sino ang may kasalanan sa pagkamatay ni Erika.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook