Sa nakikita ko ay talagang desidido na si Andy sa plano niya dahil ayaw narin niyang magpapigil kahit na anong sabihin at gawin ko. "Mommy," lumapit ako kay Mommy habang may sinusulat siya na kung ano sa hawak niyang mga papel "Yes baby?" tanong niya matapos tumingala saakin at tinigil muna ang pagsusulat If I can't stop Andy maybe they can. "Can you talk to Andy po?" nag-aalangan na tanong ko "Why baby?" mukhang hindi pa nga sila sinasabihan ni Andy "She wants me to go with her, gusto rin niya akong itransfer sa states as soon as possible," kumunot ang noo niya dahil sa narinig "Wala siyang sinasabi saamin ng daddy niyo. Why would she do that e diba nakaplano na ang papasukan niyo nila Ramayda until college?" hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag o kung ano ang sasabihin "T

