Sabay sabay na kaming mga natira na lumabas ng room ng may bigla akong naalala na naiwan ko pala kaya nagpaalam muna ako saglit sa kanila na babalikan iyon saglit. Sasamahan pa sana ako ni John Rei pero tumanggi ako dahil baka magtaka pa ang mga kasama namin kapag dalawa kami ay sabay na mawala sa tabi nila Habang naglalakad ay sa kabilang hagdanan ako dumaan dahil mas walang tao. Uwian na kasi kaya kanya kanya na ng pagmamadali na makalabas ng school at maka-uwi ang mga studyante. Mag-isa lang akong naglalakad ng may napansin ako sa bakanteng room sa bandang to. Wala masyadong dumadaan dito kaya sobrang tahimik at kaya rin gusto kong dumadaan dito dahil sa katahimikan dito na, nakakapag-isip ako habang nag-lalakad. Hindi kasi ako gaanong mahilig sa maingay na lugar "Ahh, ugh," haban

