Hanggang sa nakatulog ng muli ang magkakaibigan ay wala ng iba pang pumasok sa isip. nila dahil lahat sila ay hindi makapaniwala sa nalaman samantalang ang iba naman ay kinakabahan at hindi alam ang iisipin dahil may ilan sa kanila na alam ang mga pangyayari na iyon, ang mga ginawang iyon ni Jaffar sa kaibigan nila ngunit hinayaan lang nila iyon. Hinayaan nilang bastusin ng kaibigan nila ang isa pa nilang matalik na kaibigan. Jam Rossie's POV Pagkagising ko ay wala na akong kasama. Naikot ko na ang buong kwarto na kinaroroonan ko pero ni isa sa mga kaibigan ko ay wala talaga akong makita. Sinusubukan ko ring buksan ang pinto pero ayaw nun bumukas. 'Nasaan sila?' sa isip ko habang nagsisimula ng makaramdam ng kaba Sinubukan kong buksan ulit ang pinto ng kwartong ito pero hindi ko talaga

